13 Katutubo

28 3 0
                                    

Isang kadugo, kalahi, at kaibigan,
Na karaniwang matatagpuan sa kabundukan,
Bihira mo lamang silang masisilayan sa kapatagan,
Dahil ayaw na nilang maranasan,
Masilayan ang realidad at karahasan.

Mga tao'y sila'y pinangingilagan,
Minamata at pinandidirihan,
Dahil sa kanilang amoy, kulay at kasuotan,
Na hindi pangkaraniwan para sa ilan.

Ngunit upang kayo'y malinawan,
Ang kanilang amoy ay bunga ng kanilang pinaghirapan,
Ang kanilang kulay ay sumisimbolo sa pagiging Pilipinong makabayan,
Ang kanilang kasuotan ay parte ng kultura, tradisyon at kasaysayan,
Na nagbibigay sa atin ng sariling pagkakakilanlan.
Hindi ba't nakakamanghang pakinggan?

Ngunit sa kabila ng kanilang kahalagahan,
At ambag sa kasaysayan,
Tila nawaglit na sa ating kaisipan,
Na katulad ng mga hayop sa kagubatan,
At ng mga taong naninirahan sa kapatagan,
Sila rin ay may damdaming nasasaktan,
May mga pusong nasusugatan,
At may pagkataong natatapakan.

Sana'y pumasok sa iyong puso't isipan,
Na ang panghuhusga mo'y walang patutunguhan,
Hindi magandang halimbawa sa mga kabataan,
At hindi katanggap-tanggap sa lipunan.

Sana rin ay iyong maunawaan,
Ang mahirap nilang kalagayan,
Sa ilalim ng liwanag ng buwan,
Kamoteng kahoy lamang ang laman ng tiyan.

Ngunit sa kabila ng kanilang kahirapan,
Sila'y kahanga-hangang pagmasdan,
Iduluhin dapat ng buong sambayanan,
Walang katumbas ang kanilang karunungan at kabaitan.

Ngayon, sa malawak na mundong ating ginagalawan,
Respeto, pagmamahalan at pagkakaisa ang ating kailangan,
Diskriminasyon sa ating mga kapatid na katutubo ay tigilan,
Sama-sama nating harapin ang magandang kinabukasan.

Word Of MineWhere stories live. Discover now