11 Guro2

37 11 1
                                    

Dedicated to Ma'am Grace

Dahil sa pandemya hindi ka namin nakakasama,
Ni hindi ka namin mahawakan,
Magandang mata mo'y di man lang namin matitigan,
Ngiti mo'y di namin makita ng harapan.

Ngunit kahit tila may namamagitan,
Kilo-kilometro man ang pag-itan,
Ipinahintulot parin ng kalangitan,
Na ikaw sa amin ay magbigay daan.

Maging karamay sa maalong karagatan,
Maging liwanag sa mga bagay na hindi namin maintindihan,
Maging saklay sa mga oras na kami'y mapilayan,
Maging kakampi sa lahat ng aming laban.

Paano ka kaya namin masusuklian?
Sa lahat ng iyong pagod at sakripisyong inilaan,
Pawis at luhang hindi namin nasilayan,
Itinago't kinimkim ng pangmatagalan.

Ngayon, nais kong tumingin ka sa kalangitan,
Magtimpla ng kapeng mainit o ano man,
Umupo sa sulok at pumikit ng marahan,
Iiyak mo lahat ng lungkot at sakit na iyong nararamdaman.

Salamat sa Ama ika'y aming natagpuan,
Isang kahanga-hangang gurong hindi mapapantayan,
At sa huli'y nais ka naming batiin at pasalamatan,
Salamat po sa lahat;Diyos nawa ika'y pag ingatan.

Word Of MineWhere stories live. Discover now