07 Panaginip

41 13 1
                                    

Isang gabing madilim,
Sa langit ay kay daming bituin,
Ako'y nasa kwarto't may kinikimkim,
Lungkot at sakit na sa aki'y pinatikim.

Kay bigat sa dibdib,
Para akong nasa lugar na liblib,
At hindi ko mabatid,
Kung saan tatawid.

Ngayon ako'y naglalakbay,
May biglang sa aki'y kumaway,
At may tinig itong kasabay,
Na kagaanan ng loob ang ibinigay.

Ang sabi nya sa akin,
'Anak batid kong ika'y nahihirapan,
Ngunit huwag kang mag-alinlangan,
Sapagkat ang lahat ay may dahilan.'

'Kumapit ka lang sa akin,
Pangalan ko'y iyong tawagin,
At hinding hindi kita bibiguin,
Halina't hayaan mong ika'y aking yakapin.'

Maya-maya pa'y nawala na ang tinig,
Tanging tilaok na lamang ang aking nadinig,
Tama, umaga na pala,
Salamat sa Diyos ako'y buhay pa.

Word Of MineWhere stories live. Discover now