Isang Reunion ang Nagaganap sa Isang Bar sa may Makati, kung saan andon si Vice Ganda kasama ang mga Kaibigang sina IC, Lassy, Bekimon at Anton Diva. Huling Dumating si Anton Diva.
Anton Diva : Hello mga Mare!
IC : Bongga ka jan ! akala namin di kana dadating.
Anton Diva : Sus ko ! pwede ba yon.
Vice Ganda : Oh Kamusta ka na?
Anton Diva : Chusera ka ! dapat ikaw ang Kinakamusta ko, balita ko may bago kang Boylet?
Vice Ganda : Tama ka jan ! at Magpapakasal na kami sa New York (Sabay Tawa ni Vice Ganda)
Anton Diva : Ano? Talaga? Di naman ako Na inform.
Vice Ganda : Amalayer teh? Oo at gusto ko mangyari na yun sa lalong Madaling Panahon, Aba mahirap na baka mamaya mawala pa sakin si Baby Boy.
Anton Diva : Ganda lang ah!
Bekimon : Talo ka.
Lassy : Keri na rin yon, kesa wala.
Habang Nag kekwentuhan ang Magkakaibigan ay biglang Nagring ang Cellphone ni Vice Ganda. Ang Tumatawag sakanya ay ang Kanyang Ama sa Probinsya. Hindi alam ng mga Magulang ni Vice Ganda na siya ay isang bakla. Ang alam ng Magulang niya ay Nagtatrabaho siya sa Maynila. Lumabas ng Bar si Vice Ganda at Natataranta niyang Sinagot ang Ama.
(Phone Call)
Tatay : Hello Jose Marie.
Vice Ganda : Hello Tay, (Boses Lalaki niyang Pagsagot)
Tatay : Bakit ang tagal mo sagutin?
Vice Ganda: Pasensya na tay, Madami kasi akong Ginagawa.
Tatay : Di bale, oo nga pala Anak sa Susunod na Linggo ay Fiesta dito satin. Gusto ko sana umuwi ka dito.
Vice Ganda: ANO HO? (Ang Gulat niyang pagsabi)
Tatay : Oo anak tsaka Mahigit Isang Taon ka na ding hindi Umuuwi dito satin.
Vice Ganda : aaaahhhh. Sige sige tay pupunta ko jan.
Tatay : At Tsaka nga pala Isama mo na din ang Mapapangasawa mo dito para naman makilala naming ng Nanay mo.
Vice Ganda : Mapapangasawa??? (Ang Pasigaw niyang Pagsabi)
Tatay : Aba wag mo kong sinisigawan ha. Oo Mapapangasawa mo. Gusto naming makilala.
Vice Ganda : Tay naman wala pa po yan sa isip ko. Wag niyu naman akong Pangunahan.
BINABASA MO ANG
Kapag Tumibok ang Puso (Vicerylle Story) Vice Ganda
Genç KurguIsang Pagpapanggap na Nauwi sa TOTOHANANG PAG IIBIGAN.