Disappointed T__T

158 7 2
                                    

"Let's all welcome...

Syusuke Fuji!" Nagsimula nang mag-ingay ang mga tao sa paligid. Syempre nakitili rin ako kahit hindi ko idolo yan. Yan ang tinatawag ng 'go with the flow'.XD

"Okay, for tonight's show, let's witness Fuji's performance!"

HUH?

T-Teka....

Parang may mali...

Teka lang.. Give me 10 seconds para makapagloading ang utak ko!

1 second...

2 seconds...

10 seconds!!!

"CHOTTO MATTE YO!!!!" (Wait a minute.)

Napatingin sakin ang emcee dahil sa lakas ng sigaw ko. Syempre pati na rin ang mga tao sa paligid ko. Pero wala akong pakialam.

"Irish ano bang ginagawa mo?" Pabulong na sabi sakin ni Ashina. Pero parang wala lang akong narinig. Tama! Bingi ako sa ngayon! Bingi akoooo!

"SANDALI NGA KASI! NAGPAPAKASAYA KAYO DIYAN, TAPOS AKO O.P.? ANO 'TO? PRANK LANG BA 'TO? PINAGLOLOLOKO NIYO LANG AKO, KUNG GANUN?ANG TOTOO AY WALA ANG MAHAL KO DITO? SI FUJI LANG BA ANG NARITO HA? EH NASAAN NA SI EIJI KO? NASAAN NAAAAA?"

"Irish, nakakahiya ka! Tama na nga yan!" saway sakin ni Ashina pero hindi pa rin ako paaawat!

"WALA AKONG PAKIALAM! PUMUNTA AKO DITO PARA MAKITA SI EIJI KO, TAPOS ANO? HINDI NIYO SIYA ILALABAS?"

"Irish pwede ba!"

"ASHINA HAYAAN MO NGA MUNA KASI AKO! KAYO!" Tinuro ko ang mga tao na nasa stage. "SAAN NA SI--"

"IRISH!"

"EIJI KO? ILABAS NIYO---"

"IRISH PWEDE BA?! NAGSASAYANG KA LANG NG LAWAY SA GINAGAWA MO! NASA JAPAN TAYO, HINDI PILIPINAS! HINDI SILA NAKAKAINTINDI NG TAGALOOOOOG!"

O_________________________________O

Oo nga pala.

Tumingin ako sa paligid ko...

>______< Lahat sila may aura na parang kakatay ng tao kahit na anong oras!

Humarap rin ako kay Ashina. Yung mata niya nanlilisik. Patay ako neto.

Epic fails!!!

=_____________=

UWAAAAAAAAAA! Lupa bumukas ka na at lamunin ako!!! Nakakahiya!!!!!

TT____________________TT

Hinila ako ni Ashina ng pagkalakas-lakas. Muntik na tuloy akong mapahalik sa lupa.>___<

"T-Teka lang Ashina..."

"Tumahimik ka!" Nasigawan na lang tuloy ako ng bestfriend ko. T______T

Kasi naman Irish eh, hindi ka nag-iingat! Waaaa! Nakakahiya talaga! Huhuhu...

Nakarating na kami sa labas na hila-hila pa rin ako ni Ashina. Pagkatapos ay binitawan niya ako at sumalampak sa damuhan na may mukhang iritang-irita. Ano gagawin ko? Sigurado galit sa akin ngayon yan. T____T

"Uhhh, Ashina..." Tiningnan niya lang ako pero hindi niya ako pinansin.

"Uy, Ashina, sorry na oh! Eh nakainis naman kasi eh..."

My Dream Boy 2: Reaching an Unreachable StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon