Can't Think It Over...

48 2 2
                                    

Hindi pa rin ako makarecover.

Parang... ang gulo talaga eh.

Kinakabahan ako. >_____<

Hawak-hawak ko pa rin ang cellpone nung langyang lalaking yun. actually sa sobrang higpit ng hawak ko nga, parang mapipisa na yun eh. >,<

Muli kong tiningnan ang cellphone, at sa ika-isangdaan siyamnapu't limang beses, muli na namang bumilis ang pintig ng puso ko. Alam ko dahil binilang ko!

Magnanakaw siya? O… May koneksyon sila? Pero bakit… ganun ang inaasta niya? Di kaya…

Di kaya…

BADING SILAAAA??? O_____________O..

Huwag naman sana! Please! T___T

Tatalon na lang talaga ako sa pacific ocean pag ganun. T__T

Naguguluhan na siguro kayo sa akin no? emote ako ng emote dito pero hindi niyo pa alam ng rason ng lahat.

Okay, let me kwento sa inyo.

Ganito kasi yun people… diba nakita ko yung phone, este, naiwan ng lalaki yung phone niya?

Ayun, tiningnan ko lang naman. Pero hindi ko inaasahan na ganun yung makikita ko. Eh malay ko ba?

Gusto niyo ng malaman kung ano yung nakita ko? Well, just look the picture at the right…  yan yung litratong nakita ko. :/

Bakit siya may ganito? Hindi ko rin alam.

Actually, I have three hypotheses.

Una, dahil sa sobrang galit niya kay Eiji, ninakaw niya ang cellpone nito. Pero diba may kausap siya sa telepono kanina? Ah, ibang cellphone yun malamang! Eh bakit pareho ng ringtone? Ano ba yan! Nagkataon lang yun! nagkataon! Psh. >.<

Ikalawa, magkamag-anak sila ni Eiji. Kaso bakit naman siya maglalagay ng litrato nito as wallpaper niya diba? Eh hate niya nga ito. =___=

Ikatlo, baka… baka… ah ewan! Ayoko ng sabihin. Baka magkatotoo pa.

Pero may posibilidad pa rin eh! Kahit 0.0000000000000000001% na lang yung probability na mangyari ang ganun, eh probability pa rin naman yun diba?

 Eh ano kasi eh… gaya ng sinabi ko kanina… baka… baka lang naman. Baka… bading sila. T___T at kaya mainit ang dugo niya kay Eiji kasi, nagiging marami na ang kaagaw niya. Kaya sinisiraan iya ito sa iba,para masolo niya! >_____<

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAHH! Ang laswa kong mag-isip! Ayoko na!

T-Teka….

O_____________O

^_________________________^

May fourth pa po pala! :))))

Ikaapat, siya lang ang bading at gusto niyang masolo si Eiji. Kaso ayaw sa kanya ni Eiji dahil ako ang pinili niya, kaya siya galit sa akin, at sinisiraan si Eiji ko! ^____^

Ang galing ko talagang mag-isip! Hayyyy, sa wakas, napanatag rin ang loob ko.

Hah! Bading pala siya huh? Sinasabi ko na nga bang may tinatagong kamandag ang lalaking yun eh! Sayang… May fes pa naman sana siya.

Hoy don't get me wrong ha! I don't like him! It's just that, sinayang niya lang ang biyaya sa kanya. Psh.

As if I care naman diba?

Tss. Makabalik na nga lang sa kwarto. Giniginaw na ako dito eh. Kanina pa ako dito sa labas. Kasi naman yung lalaking yun eh! Walang ibang binibigay sa akin kundi sakit ng ulo!

My Dream Boy 2: Reaching an Unreachable StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon