(14) The TRIP

35 3 0
                                    

Patakbo akong pumunta sa restaurant kung saan kami kakain ni Ashina. Parang lalong pa rin ako. Yung mga paa ko parang hindi nakaapak sa lupa. Yung mga tinig ni Eiji parang nasa tenga ko pa. Yung mukha niya hindi maalis sa isip ko.

In short...

HINDI PA AKO NAKAKARECOVEEEEEEERRR!!! WAAAAAAAAH! Kasi naman eh! Sino ba ang makakarecover nun? Na ang taong simula fetus ka pa lang ay pinangarap mong makita, makausap at makasama ay mapapasaiyo na lang ng bigla-bigla? Oh diba bongga!!! XD pero alam kong hindi pa GANAP na akin si Eiji. Alam ko naman na sa akin pa rin ang bagsak niya. Sorry na lang si Ryo! Wahaha.XD

Agad kong hinanap ang mesa kung nasaan ang mabuti kong kaibigan nakaupo. Naroon na rin pala ang mga kaklase ko. Well, in fact, tapos na silang lahat na kumain. pwera na lang sa isang babaeng nakapangalumbaba sa isang sulok.

Yeah, si Ashina nga.

With super duper wide smile, lumapit ako sa kanya at umupo sa silya katapat niya.

"Hi. ^_________^"

Tumingin lang siya sa akin saglit, saka nangalumbaba na naman. Pero agad namang bumalik ang tingin niya sa akin ng matauhan siyang ako na pala ang kaharap niya.

"Hoy babae! Bakit ngayon ka lang?! alam mo ba kung ilang oras akong naghintay sa'yo dito?! Lahat ng mga kaklase natin tapos nang kumain, ako na lang ang hindi pa! at ikaw naman bakla ka, saan ka na naman nagsususuot ha?!"

Pabulong lang ang pagsabi ni Ashina sa akin. Tagalong kasi ang ginamit niyang lenggwahe. Pero kahit pabulong, bakas pa rin ang inis dun.

Pero syempre ako, dahil sa good mood at hindi hahayaang masira ang wonderful poise ko, eh tudo ngiti pa rin.

"Nababaliw ka na ba, ha Irish?! Pinaghintay mo ako rito ng ganito katagal tapos, ngingiti-ngiti ka lang diyan?! Ano bang nakain mo ha, bruha?!"

"Puso ni Eiji. ^___________^"

Napanganga na lang siya sa sinagot ko. Eh sa inspired eh. Asahan na niyang sing layo ng Pluto ang sagot ko.XD

"Irish, are you crazy?! Well, hindi ko  na dapat na itanong yan dahil alam ko na pala ang sagot. Ang akin lang eh bakit---"

"I met Eiji."

Napahinto siya sa pagsasalita. Yung tingin niya sa akin parang lumulusot pati sa kalaliman ng kaluluwa ko. Naman eh! Akala niya ba nagsisinungaling ako?

"C'mon Ashina! Shinjite kudasai. Datte, shinjitsu o hanashimasu." (Maniwala ka sa akin. Dahil nagsasabi ako ng totoo.)

Nakita kong kumunot muna ang noo niya bago lumiwanag ng mas maliwanag pa sa ilaw ng meralco.

"OHMYGOSH Irish! SAAN?! Kaya ba hindi ka kaagad nakapunta dito?!"

Kita mo ang babaeng ito. Kanina ay mas madilim pa sa peach black ang dilim ng mukha, pero ngayon, yung ningning sa mga mata niya mas maliwanag pa kesa sa ningning ng bituin.

"Yep!" ito naman si ako, syempre excited ring magkwento. ^___^ "Waah! You won't really believe this!"

"And I really don't believe this! You're not done yet?" napatingin kami sa prof namin na nakatayo na pala sa gilid ng mesa namin na hindi namin napapansin. "You have not started eating yet?! We are about to leave in 5 minutes!"

Nagkatinginan na lang kami ni Ashina. Pareho ang laman ng isip. Pano ko alam? Konekted kami eh. XP

"We promise to finish this in 5 minutes sensei!" mabilisang sabi ni Ashina. Syempre pa, sinuportahan ko.

My Dream Boy 2: Reaching an Unreachable StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon