CHAPTER 21

176 14 1
                                    

**-**


SARAH'S POV


"Nakakapagod? Anong nakakapagod?" Sagot sa akin ni Tristan..  at ako,umiyak na lang ako Ng umiyak..

"Tristan. . Tama na, ayoko na..  Itigil na natin Ang kalokohan na to.."

"Are you breaking up with me?" I sighed before I spoke..

"Tristan, alam nating dalawa na nahihirapan lang tayo. . Mula nung bumalik ako sa Pilipinas, puro na lang tayo away, away, away. Tristan pagod na ko sa ganito, ayoko na. Ayoko nang magpakasal sayo.." tatanggalin ko na sana Ang engagement ring ko nang pigilan ako nito...

"Don't you ever take off that engagement ring from your finger! What we are facing now are just problems, normal lang ito sa mga magkasintahan.. normal lang na magkaroon Ng away away kasi Wala namang perpektong relasyon.."

"Pero sinisigawan mo na ako, Pinagsasalitaan mo ako Ng masasakit na salita! At alam mong madali Akong masaktan! Alam mo rin na mas masakit Ang mga salita kesa sa pisikal na pananakit. At nasaktan ako sa sobrang higpit ng paghawak mo sa akin kanina! Kung Ito pa lang, nasaktan na ako, what more Kung mag asawa na tayo?? Ano, araw-araw na lang may matatanggap akong pasa mula sayo, ganun? Ayoko na Tristan! Ayoko na!" 

"Stop that! Tuloy Ang kasal! At right after our wedding, babalik na tayo pa -America!"

"Pero-"

"No buts Sarah! Ako Ang lalaki, ako Ang masusunod!"


"Huh?! Wow! Just wow. ." Isang malalim na hinga ang ginawa ko,. .

"Ang kapal mo din eh noh! Hindi bat relasyon to, so ibig sabihin dalawa dapat tayong magdedesisyon tungkol sa mga bagay bagay! Sa pinapakita mo ngayon, parang hindi ko na tlga nanaisin pa na maging asawa mo!"


"Sarah!" Pinipigilan nito na matanggal ko ang singsing mula sa daliri ko, pero huli na.. dahil natanggal ko na...

" I want to end our relationship now, Tan. I don't want to marry you... I —" Hindi ko na naituloy pa Ang sasabihin ko nang may magsalita sa likuran ko...



"Tristan??? Nandito ka na? Napaaga ata Ang flight mo?" Tumalikod ako at tiningnan Ang nagsalita.



Si mommy.


Wow. Ang galing naman ng timing! Ngayon pa tlga!

"Momm—"

"Hello po tita, opo.. kahapon pa po ako nakarating... Sosorpresahin ko nga po dapat si Sarah eh.. " Sabi ni Tristan sabay yakap Kay mommy. .

"Oh, eh bakit naman anlakas ng mga boses nyo kanina? Rinig na rinig kayo sa labas Ng gate... Tungkol san ba ang pinag uusapan nyo?" Sabi nito habang nakikipag beso kay Tristan.

At Dito na ako sumabat..

"Mommy, makikipag—" pero pinutol ni Tristan Ang sasabihin ko!


"Ah Wala po tita.. namiss ko lang po si Sarah... Tsaka po, pinag uusapan po namin ang kasal namin.." Naiiyak ako sa pagsisinungaling nito.. Malungkot akong tumingin dito, na para bang sinasabing.. 'Bakit Yun Ang sinabi mo?'


"Mommy . ." Humarap ako Kay Mommy. Gusto ko nang sabihin Ang totoo dito na nagkakalabuan na kami ni Tristan..


"Oh bakit Sarah?? Ay teka pala... Bakit mo hawak ang singsing ni Sarah, Tantan?" Oo nga pala! Binigay ko nga pala Kay Tristan Yun! Buti na lang, at least malalaman na ni Mommy ang totoo. Hindi na kami mahihirap-


You are my sunshine, My only sunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon