CHAPTER 22

149 14 1
                                    

**_**

SARAH'S POV

I need my time alone. Or I need someone to talk to,. Hindi ko na alam, mababaliw na ako.

Right after Tito said his wish, I just nodded slowly, ended the call, and went to my room here upstairs. I just cried, cried, and cried. Nakauwi narin yata si Tristan. . Si Mommy na lang ang kasama ko ngayon dito sa bahay. . At speaking of Mommy,. .

Narinig din nito ang sinabing kahilingan ni Tito Bert. At alam nyo ba ang sinabi nya? .. "Hindi mo na kailangan pang humiling Bert, dahil ikakasal na talaga sila." Na sinegundahan pa ni Tristan ng, "And yes dad, I already re-scheduled our wedding just like what you wanted, and by two weeks, ikakasal na po kami". At ako? Napatulala na lang ako saka tumango at tumakbo na papunta dito sa kwarto ko..

Sa dinami dami ng pwedeng hilingin, bakit ang kalayaan ko pa?! Habang buhay na commitment ito. At hindi ko alam kung paano tutuparin ang kahilingan nito, dahil piling ko, malabo nang bumalik ang dating estado ng relasyon namin ni Tan. .

Siguro tama rin nga na bumalik ako dito, dahil naranasan namin ang LDR. At ipinakita nito kung anong klaseng karelasyon si Tristan. Nananakit emotionally and physically at palagi na lamang nagdudulot ng away. . 

Ayaw kong matali sa isang lalaki na puro away lang ang idudulot sa isang relasyon.

Pero oo nga pala, napaisip ako. . bakit parang ang bilis naman yatang nawala ang pagmamahal ko sa kanya?? O baka naman dahil, Hindi talaga ganun kalalim ang pagmamahal ko dito. .

Siguro napilitan lang ako noon na makipag relasyon sa kanya,. Kasi kahit na anong pagdedeny ko sa sarili ko, di naman nun maitatago na noong mga panahong Yun, Hindi pa ako nakakamove on sa 'pagkawala' at sa pagmamahal ko kay Matt.

Tama, si Matt. .

Tatawagan ko na lang sya, gusto kong magkaroon ng kausap, and as a 'friend', alam kong pupuntahan nya ako. .

I dialed his number at ilang ring lang ay sinagot na kaagad nito. .

Pareho kaming tahimik lang. Walang nagsasalita. Hanggang sa tinawag nito Ang pangalan ko. .


"Sarah. ." Mahinang sabi nito. .

"Matt. ." At hindi ko na talaga kaya, napaiyak na lang ako ng tuluyan. .

"Why are you crying? Is it because of me? Of what I did?? I'm so sorry. What I did was really—" Hindi ko na ito pinatapos pa, nagsalita na agad ako. .

"Can you, can you be with me now? Please come here. Or ako na lang ang pupunta dyan sa kung nasaan ka man, o magkita tayo sa coffee shop. Pwede? I just need someone to talk to. ."

"O-okay. Sa coffee shop na lang?"

"Sige. Sa-lamat. ."


After about 15 minutes, nakarating na ko sa coffee shop na pagkikitaan namin ni Matt. Maghahanap pa sana ako ng upuan pero nakita ko na si Matt na naghihintay sa isang mesa na parang kinakabahan...

Pumunta na ako doon at umupo. .


"Sarah. ."

"Hi." Sagot ko dito habang malungkot na nakangiti. Nginitian naman ako nito pabalik pero alam kong malungkot din Ito.

Alam kong iniisip nito na baka galit ako sa kanya dahil sa ginawa nitong panununtok Kay Tristan, na dapat ay talagang nararamdaman ko ngayon. Pero wala, kinapa ko pa ang dibdib ko Kung may galit ba akong nararamdaman dito, pero wala. .

You are my sunshine, My only sunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon