Chapter 4

41 13 65
                                    

"Bakit ka kasi nandito?" naiinis kong tanong habang nagpapadyak.

Tinaasan lang niya ako ng kilay at hindi na nag-abalang sumagot. Nasa kusina na sina mama at ang mga kapatid ko kaya naiwan kaming dalawa dito.

"Hindi ka sasagot?" dagdag ko pa.

"Just tell me if you want to hear my voice," he swiftly said.

Gustong-gusto kong manapak ngayon at palayasin siya kaso baka isunod ako ng nanay ko. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit siya naligaw sa pamamahay namin.

"Nagbubuhat ka ba ng sarili mong bangko?"

Napakunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Tumawa ako ng mahina dahil do'n. Oh come on, it's not my fault when he's too slow to understand that. Well, laking Australia nga pala 'to.

"What?" he asked.

"Wala ang gwapo mo," walang kwentang sagot ko.

He stifle a smile and showed me his wide grin. Oh no, mali ata ang nasabi ko.

"Maganda ka rin naman," he said and chuckled.

Heto na naman po ang puso ko na tumitibok ng sobrang bilis. Bakit ganito ang epekto niya sa 'kin? Ganito ba talaga kapag hate at first sight?

Mel, baka hindi 'yan hate.

"Ewan ko sa 'yo," sagot ko.

Aalis na sana ako bigla niyang hinawakan ang kanang kamay ko. Nanlaki pa mismo ang mga mata ko dahil do'n.

Noon, simpleng salita lang. Ngayon naman, may physical contact na?

"Alis tayo," mahinang sabi niya.

"Saan pupunta?" nagtatakang tanong ko.

"Anywhere?" hindi siguradong sagot niya.

Hindi ko alam pero sa puntong 'yon, tumango ako. Muntik ko ng ihagis ang dala kong walis nang makapasok ako sa kwarto.

Takte, bakit dala ko hanggang dito ang walang hiyang walis?

Napahawak ako sa dibdib ko at pinagmatyagan ang sobrang bilis na tibok ng puso ko. Hindi na talaga yata normal 'tong nararamdaman ko kapag nandiyan siya.

Feeling ko talaga virus siya eh.

Sa hindi malamang dahilan ay nagbihis talaga ako. Pinili ko pa ang isang black skirt na kakabili lang ni mama noong nakaraang araw at pinares ko ang white tank top ko. Nahirapan pa talaga ako sa pagpili ng sapatos kahit hindi dapat ako nag e-effort sa pag-aayos.

May gayuma yata talaga si Jared.

Nagmadali ako sa pagbaba kahit na ang unang plano ko ay paghintayin siya ng sobrang tagal. Sarili ko na yata ang na-scam ko.

"May pupuntahan ka?" takang tanong ni mama nang makita niya ako.

"May pupuntahan daw," sagot ko habang nakatingin kay Jared na kasalukuyang nakikipagbiruan sa mga kapatid ko.

"Si Jared lang ang kasama mo?" tanong pa niya ulit.

This time, napatingin na ako sa gawi niya at umirap. Pati ba naman siya may issue sa 'min?

"Ma, gusto niyo ba na isama ko pa pati mga aso natin?" naiinis kong sagot.

Tumawa naman siya at kinurot pa ako sa tagiliran.

"Ma, masakit," reklamo ko.

"Ingat kayo ha, doon ka na dumiretso sa lola mo. Nasa kabilang kanto lang naman ang condo nina Sir. Sobrang lapit lang. H'wag kang umuwi dito ha!" saad pa niya.

"Seryoso ka ba ma? Mukhang pinapalayas mo 'ko," sagot ko.

Tumawa lang siya at hindi na sumagot. Tinulak pa niya ako papunta sa sala kung nasa'n sina Jared. Minsan hindi ko talaga siya ma-gets. Kung sa iba naman ay hindi niya ako pinapayagang umalis.

"Nak, Jared. Ingatan mo 'tong immature kong anak ha," sabi ni mama.

Gusto kong magmura dahil sa sinabi niya. Bakit ako naging immature ha?

Tumawa pa si Jared na para bang ang ganda ng sinabi ni mama. Baka sila talaga ang mag-nanay. Ampon ba ako dito? Nilalaglag ako ng mga kapatid ko at 'yong mama ko parang pinapalayas na ako.

"Yes po, tita. Don't worry," Jared answered.

Bago pa kami umalis ay tiningnan ko ng masama si Carl. Humanda talaga siya sa 'kin kapag nakauwi ako. Ang laki ng kasalanan niya sa 'kin.

"Ma, si ate oh," pagpapakampi pa niya kay mama.

Umirap lang ako at naglakad na papalabas. Narining ko namang nagpaalam pa ulit si Jared bago sumunod sa 'kin.

Dumiretso ako sa loob ng sasakyan at hindi na siya hinintay. Bakit nga ba hindi 'to naka-lock? Kitang-kita ko naman kung paano niya paglaruan ang susi ng kotse sa kamay niya habang naglalakad papalapit.

Baka pati feelings pinaglalaruan niya?

Wala siyang sinabi hanggang sa mag-drive na siya. Tahimik naman ang buong biyahe kaya nagpapasalamat ako do'n.

Ipinikit ko ang aking mga mata at hindi ko man lang namalayan na nakatulog ako.

Hindi ko alam kung gaano ako ka tagal nakatulog pero pagkagising ko ay wala na si Jared sa loob ng sasakyan.

Nang mapatingin ako sa labas ay nakita ko siyang nakaupo sa isang bench. Nasa'n kami?

Nang makalabas ay na-realize ko na nasa park kami. Tahimik lang siyang nakaupo do'n habang nakatalikod sa 'kin.

"Hoy," bati ko sa kanya.

Napatingin naman siya sa 'kin at ngumiti ng bahagya. Tinuro pa niya ang space sa tabi niya kaya lumapit ako at umupo.

Pinagbuksan niya ako ng soda kaya tinanggap ko naman 'yon agad. Kailan siya bumili ng maiinom? Gano'n ba ako ka tulog mantika?

"Ilang minuto akong tulog?" talang tanong ko.

"What do you mean? You're asleep for almost two hours," he said.

"Ano? Bakit hindi mo ako ginising?" inis kong sagot.

"Why would I do that?" he asked.

"Dapat no'ng dumating tayo dito, ginising mo na ako," sagot ko pa.

"May tayo ba?" takang tanong niya.

"Alam mo, ang gago mo," sagot ko at umirap.

Tumawa siya at uminom na lang muli ng soda niya. Ginaya ko naman siya kaya tanging tunog lamang ng hangin ang maririnig sa paligid. Himala yata dahil parang kami lang ang tao dito ngayon.

"Ang tahimik naman," saad ko.

I was just trying to make the surroundings lively pero iba yata ang nangyari. Nang mapatingin ako sa gawi niya ay naabutan ko siyang nakatingin sa 'kin. Hindi ko alam kung maiilang ba ako o hindi. Wala naman siyang ginagawa.

Napabuntong-hininga siya at biglang hinubad ang jacket na suot. Napakurap pa ako nang ipatong niya 'yon sa legs ko.

"Pinili ko talaga 'to dahil wala masyadong mga tao. I can't let other guys see you wearing something like that."

Heto na naman.

Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko.

Kakakilala ko lang sa kanya pero bakit iba na ang epekto niya sa 'kin?

When The Sky Let Me Meet YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon