Chapter 8

26 11 45
                                    

Inis na inis ako habang tinitingnan si Jared na tumatawa kasama ang isa pa naming kasama sa team. Pag-untugin ko kaya sila?

"Jared, ano ba? Gutom na ako!" sigaw ko pa.

Mas lalong sumiklab ang inis ko nang hindi niya ako pansinin. Hindi pa talaga umalis sa pwesto niya at mas nag-enjoy sa presensya ni Lareese.

"Baka mamaya niyan maging apoy ka na, Mel," natatawang turan ni Rash nang maabutan niya ako.

"Kanina pa 'yan. Inis na inis na ako," sagot ko.

"Label muna friend ha, masyado kang possessive," aniya.

Tiningnan ko siya ng masama kaya mas lalo siyang natawa. Nakakatuwa ba 'to? Aba, kung gusto nilang pagtawanan ako, h'wag ngayon. Gutom pa naman ako.

"Jared! Isa pang tawag ko sa 'yo, kapag hindi ka pa tumayo diyan, hindi na tayo magpapansinan!" sigaw ko ulit.

Bago pa siya makaangal ay nagdadabog na akong lumabas sa office. Bwisit siya! Kung hindi niya sana ako inaya na mag-lunch, hindi sana ako naiinis ngayon.

"Parang gago," galit kong turan habang naglalakad papunta sa cafeteria.

Pagkapasok ko pa lang ay agad naman akong binati ng mga kaklase ko na nauna na. Patapos na rin sila sa kani-kanilang pagkain kaya mas lalo akong nagalit. Kung sumama sana ako sa kanila, tapos na rin sana ako.

"Mel, kanina pa tapos ang game niyo ah. Hindi ka pa ba kumakain?" tanong ni Justine, isa sa mga kaklase ko.

"Hindi pa," walang ganang sagot ko.

"Nasaan ba ang jowa mo girl? Bakit hindi kayo magkasama?" natatawang tanong ni Cindy.

Nako, hindi dapat nila ako ginaganito. Wala pa naman ako sa mood. Baka sa kanila ko pa ibaling ang pagkainis ko kay Friols.

"Quee, kain na tayo," bati ni Jared na kakarating lang.

Sasagot na sana ako nang makita ko Lareese na nasa likuran niya. Sumama pa talaga siya? Hindi pa nakontento sa tawanan nila kanina? Bwisit talaga.

Ngumiti pa siya sa 'kin kahit alam ko naman na peke iyon. Imbes na makipagplastikan ay umirap ako sa kanya. Sumali lang naman siya sa team dahil crush niya si Jared.

"Hindi na pala ako gutom," walang ganang sabi ko at umalis na lamang sa cafeteria.

Dumiretso ako sa contest room dahil may tournament kami ngayon. Badtrip talaga ako kaya pinilit ko na lamang ang sarili kong matulog.

1 PM pa naman ang next game. College pa naman ang kalaban namin mamaya. Paano na 'to? Mixed emotions ba 'to? Galit at kaba.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako at nagising na lamang nang maramdaman ko ang pagpatong ng malambot na tela sa hita ko. Naka-skirt kasi ako ngayon at naka varsity T-shirt.

Nang imulat ko ang mga mata ko, nakita ko agad ang magagandang mata ni Jared. Umirap ako at ipinikit muli ang mga mata ko.

Nakakainis siya.

Hindi naman niya ako kinulit kaya napabuntong-hininga ako. Gusto ko sanang magpanggap na tulog pero parang ang immature ko naman.

Bumangon na ako at tumulong na lang sa pag-aayos ng mga chess sets dahil malapit na ang next game.

Nasa kalagitnaan na ako ng pag-aayos ng board sa gitna nang maramdaman ko ang gutom. Napahawak naman ako sa tiyan ko kaya mabilis na napalingon si Jared.

Nakaupo lang siya sa pinakadulong parte ng room at nagbabasa ng kung anong libro. Mukha bang library 'to? Hindi ba siya kinakabahan?

Tumayo naman siya at mabilis na naglakad papalapit sa 'kin. Binigyan niya ako ng dalawang yakult at dalawang piraso ng tinapay.

"Ang sungit mo kasi. Hindi ka tuloy nakapag-lunch," inis na sabi niya.

Wala na akong oras para magsungit ngayon kaya mabilis kong tinanggap ang ibinigay niya. Nang hablutin ko ang tinapay sa kamay niya, nahulog ang isang blue card.

Tatanungin ko sana siya kung ano 'yon pero naglakad na siya papalayo. Nakakunot ang noo ko nang binasa ko ang nakasulat do'n at halos magmura ako dahil sobrang bilis na naman ng tibok ng puso ko.

"Good luck," mahinang pagbasa ko sa nakasulat.

Napatingin ako sa kanya at bago pa ako makapagtanong ay pumasok na ang mga kasali sa tournament.

Bakit gano'n? Simpleng good luck lang naman pero iba ang epekto sa 'kin?

"Let's now start the first set. Please follow the pairings written on the board," the host said.

Dumating naman agad si coach at nagbigay ng simpleng instruction. Halos lamunin na ako ng lupa nang makilala ko kung sino ang kalaban ko sa first set.

"Mel, h'wag kang kabahan okay? Kaya mo 'yan," biglang sabi ni coach nang mahalata niyang kinakabahan ako.

"You can do it. I believe in you so please, maniwala ka rin sa sarili mo," saad ni Jared bago siya maglakad muli papalayo.

Hawak-hawak ko pa rin ang card na ibinigay niya kaya hindi ko na alam kung ano ba talaga ang dapat kong maramdaman. Nasa kaliwang kamay ko naman ang dalawang yakult at parang nabura ang pagka-gutom ko kanina.

"Good luck," saad ng kalaban ko.

Pagka-upo ko pa lang sa upuang nasa harapan niya ay mas lalo akong kinabahan. I'm under the varsity team pero ibang-iba ang aura ng kalaban ko. Aside from that, she's known to be one of the greatest chess players sa school. Nasa engineering pa siya kaya mas lalo akong kinabahan.

We we're given 30 minutes and sa loob ng tatlumpung minuto, hindi nawawala ang kaba sa dibdib ko.

"Yes!" rinig kong sigaw ni coach sa kabilang banda.

Napatingin ako do'n at nakita ko kung pano makipag-shake hands si Jared sa kalaban niya at nakangiting ipinasa ang recording sheets sa harapan.

Ibig sabihin ay nanalo siya.

Muling bumalik ang tensyon sa 'kin nang matapos na ang lahat sa laro maliban sa 'min. Mas lalong nawala ang konsentrasyon ko nang maramdaman ko ang titig ng halos lahat ng tao sa loob.

Medyo nararamdaman ko na ang pagkatalo dahil queenless na ako. Ang tanging nagpapatibay ng depensa ko ay ang dalawa kong knight na nakapalibot sa King.

Pabilis na rin ang bawat galaw namin dahil ilang segundo na lang ang natitira sa 'ming dalawa.

Napakagat labi ako nang makita ko na mali ang napag-lagyan niya ng kanyang reyna kaya nang ma-capture iyon ng knight ko ay naghiyawan ang mga tao sa likod.

"Surrender," saad ng kalaban ko.

Hanggang ngayon ay namumutla pa rin ako dulot ng kaba o baka dahil na rin sa gutom?

Hindi ko lubos maisip na nanalo pa ako.

One thing that I learned from Coach......

Never surrender when you know that you can still lift the game.

At ang larong ito ang patunay na tama nga siya.

Nakangiti akong naglakad papunta sa mga ka-team ko at sa hindi inaasahang pangyayari, bigla akong sinalubong ng bisig ni Jared.

"Congratulations, quee. I'm so proud."

When The Sky Let Me Meet YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon