Chapter 15

36 11 65
                                    

Finale

"Nakikinig sa himig na hindi maalala,
Pawang mga tonong tila naiiba,
Mga salitang pilit ginagawang musika,
Umaasang balang araw, maabot rin kita.

Mga sandaling tila kay liwanag,
Tunog ng orasan ay kanta ang sagisag,
Bagamat ang pagkakakilanlan ay di maabot,
Sinta, sana balang araw, mundo mo'y sa 'kin umikot.

Muling nakinig sa paratang ng panahon,
Nais ibalik ang saya ng kahapon,
Sana pwede pa ngayong pwede na,
Sana ako pa, kahit may darating na iba.

Subukan nating itama ang takbo ng tadhana,
Baka sakaling hindi lang natin alintana,
Makikipagsapalaran muli sa wasiwas ng hangin,
Hanggang sa tuluyan kang maibalik sa 'kin.

Aasang pagdating ng panahon,
Pwede pa nating itama ang maling nangyari noon,
Ngayon, ika'y di na bibitawan sa huli,
Sana nga lang may pag-asa pa na maging ako muli. "

You gave me light,
Your love made my life bright,
I will stay in love,
Until the sky let me meet you again.

Kasabay ng pagtapos ko sa tulang ibinigkas ay ang pagpalakpak ng mga taong nanonood. Ngumiti ako at nag-bow bago bumaba sa entablado.

Kitang-kita ko ang nakangiting mukha ni Jared habang pabalik ako sa dressing room. Mabilis niya akong niyakap nang makalapit sa kanya.

"Sobrang galing mo, quee. Sobrang proud ako," bulong niya.

"Guys, pwede ba label muna bago landi?" inis na turan ni Rash na nasa likod lang pala niya.

Tumawa kami dahil hindi pa namin 'yon napapag-usapan. Sa ngayon, mas mahalaga na alam naming mahal namin ang isa't-isa.

"Sabagay, mga makakapal naman ang mukha niyo. Ewan ko sa inyo," turan niya bago nagmartsa paalis.

Minsan talaga hindi ko na alam kung baliw ba 'yang kaibigan ko. Mahilig na kasi siyang magsungit. Halatang bitter na bitter.

"Bakit kasi hindi mo pa bigyan ng label?" natatawang tanong ni Jared.

Umirap ako at kinurot siya sa tagiliran. Ngumiti ako hindi dahil sa sinabi niya kun'di sa pagmamahal niyang ramdam na ramdam ko.

Hindi ko nga lang mapigilan ang sarili kong isipin ang mga maaaring mangyari sa susunod na araw. Alam ko naman na babalik siya.

Babalik siya sa lugar kung sa'n siya dapat.

Maiiwan ulit ako.

Sabay kaming nag-lunch at dahil wala namang pasok dahil graduation na bukas, gumala na lang kami. Sinubukan kong ipakita lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. Kailangan kong ibuhos ang lahat ng pagmamahal ko habang nandito pa siya.

"Iniisip mo pa rin ba ang pag-alis ko, quee?" biglaang tanong niya.

Alam ko namang aalis siya pagkatapos ng graduation dahil sinabi naman niya no'ng nakaraan. At least ngayon, ready na akong masaktan at mangulila hindi tulad ng dati.

When The Sky Let Me Meet YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon