Nakatingin lamang ako sa asul na pader ng aking kwarto habang nag-iisip ng kung anong bagay.
Biglang sumagi sa isipan ko ang mga sinabi ni Jared noong nakaraang linggo. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil apektado na talaga ako.
Ilang araw na kaming hindi nag-uusap at nagkikita. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin kung sakaling magkita man kami. Hindi naman siya nagparamdam kaya hindi ko na 'yon inisip. Nakakapanibago nga dahil hindi siya makulit.
"Nakakainis naman," bulong ko sa aking sarili.
"Ate, labas ka na raw. Naghihintay na sina mama," sigaw ni Carl sa labas ng kwarto.
Napabuntong-hininga ako at bumangon na. Kailangan naming pumunta sa bahay ng tita ko dahil birthday ng anak niya. Wala naman akong pakialam kung tumanda pa siya ng ilang taon.
"Ma, h'wag na lang kaya akong sumama?" nag-aalinlangan kong tanong.
"Dapat kompleto tayo, 'nak. Bakit ba ayaw mong sumama? May problema ba?" nagtatakang sagot niya.
Umiling na lang ako at hinila ang dala kong maliit na backpack. Kaya ayaw na ayaw kong makipaghalubilo dahil nakakainis sila. Natatakot naman akong magsumbong kina mama dahil ayaw akong masira ang ugnayan nila.
"Ate may tubig ka bang dala?" tanong ulit ni Carl nang papalabas na kami sa bahay.
Ang isa kong kapatid naman ay nakasunod lang kay papa sa unahan kaya walang kumukulit sa 'kin maliban dito sa isang 'to.
"Wala nga eh," sagot ko.
"Hintayin mo 'ko ate. Magdadala ako ng tubig natin," mabait niyang turan bago tumakbo pabalik sa bahay.
Napakunot ang noo ko dahil sa ginawa niya. Kailang nga ulit siya naging mabait sa 'kin? Bakit parang sinapian siya?
"Nasa'n ang kapatid mo?" tanong ni mama nang nasa harapan na kami ng van.
"May kinuha sa loob," simpleng sagot ko.
Nauna na ako sa likod at hinintay na lamang si Carl. Nakangiti pa talaga siya habang tumatakbo papunta sa kinaroroonan namin. Talagang nakakatakot kapag nagpapakabait 'tong kapatid ko. Baka may kailangan?
Hinihingal pa siya habang nakaupo na sa tabi ko. Nang mapatingin siya sa 'kin ay ngumiti siya ulit. Hala ang creepy talaga.
"May kailangan ka ba sa 'kin, Carl?" nagtatakang tanong ko.
Hindi naman kasi talaga normal sa kanya na maging mabait sa 'kin. Kadalasan ay nakikipagbarahan pa nga 'yan na para bang siya ang mas nakakatanda.
"Sa'yo? Siyempre wala. Kay kuya Jared meron," natatawang sagot niya.
"Ha?"
Hindi ko ma-gets kung ano ba ang pinagsasabi ng batang 'to. Wala ba siyang magawa? Bored ba siya?
"Sabi kasi ni kuya dapat hydrated ka palagi. Kapag di raw kita inalagaan, wala akong gift pag-uwi niya," sagot pa niya.
"Pag-uwi? Sa'n ba siya pumunta?"
Hindi ko na talaga pinansin ang rason kung bakit siya mabait sa 'kin. Usually naman kasi, palagi akong ini-inform ni Jared kung may pupuntahan siya pero wala naman yata akong natanggap na message ngayong araw?
"Hindi mo ba alam? Umuwi raw siya," inosenteng pagkakasagot ng kapatid ko.
"Umuwi sa'n?" takang tanong ko pa.
"Aba, hindi ko alam ate. Malamang umuwi sa bahay nila," pambabara pa niya sa 'kin.
Umirap na lang ako at hindi na 'yon pinansin. Baka nagbibiro na naman 'tong bata na 'to. Hindi ko na dapat binigyan ng malisya ang pasalubong na 'yon.
Ilang oras din ang biyahe bago kami makarating sa bahay nina tita. Sa labas pa lang ay kitang-kita ko na kung gaano ka bongga ang party na tinutukoy nila. Kaya pala halos magmakaawa sa papa ko na pahiramin sila ng pera. Ang OA naman masyado. Hindi naman debut ng anak niya ngayon.
"Oh hi, welcome," bati sa 'min ni Sanchi.
Umirap pa ako dahil nga ang plastic niya masyado. Kahit kailan ay hindi talaga kami nagkasundo. Puro kasi pagpapaganda ang inaatupag niya.
"Welcome mo mukha mo," bulong ko pa.
Nang nauna na sina mama sa loob ay agad niya akong tiningnan ng masama. Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan. As if naman magpapatalo ako sa kanya.
"You're still the same, Mel. Hanggang ngayon, masama pa rin ang ugali mo," madiin niyang pagkakasabi.
"Mahiya ka naman. Pinapatamaan mo yata ang sarili mo," sagot ko.
"Mukha kang basura," pang-iinsulto pa niya bago ako tiningnan mula ulo hanggang paa.
"Kung basura ako, ikaw, ano ka?" muli kong sagot.
"Bakit ka nandito kung mang-iinsulto ka lang?" inis niyang tanong.
"Akala mo ba gusto ko? Pagsabihan mo 'yang nanay mo na walang ginawa kundi humingi at mangutang ng pera sa papa ko."
"Ano? Baka nakakalimutan mong party ko 'to?" pasigaw niyang sagot.
"Party mo pero ang perang ginamit, hindi sa'yo? Kunyari mayaman pero lubog naman sa utang?Come on, normalize having simple celebration. You're still the same, Sanchi. Hanggang ngayon, tanga at plastic ka pa rin," sagot ko bago ko siya lampasan.
Alam kong inis na inis na siya kaya napatawa ako ng mahina. Kung hindi sana siya mukhang pera, hindi ko naman 'yon gagawin. Pareho lang sila ng ugali ng mama niya.
"Nak, nasa'n si Sanchi?" tanong ni papa nang makalapit akonsa p'westo nila.
"I don't know and I don't care," walang ganang sagot ko.
"Mel!" galit na turan ni papa.
Napakibit-balikat na lang ako at hindi na muling sumagot. Baka kapag sinabi ko na sinampal ako noong nakaraan, magagalit pa siya.
May mga games pa talaga kaya mas lalo akong nainis. Gustong-gusto kong umuwi at matulog na lang. Pagod na akong makipagplastikan sa mga tao dito.
Inilabas ko ang phone ko at nagtipa ng mensahe kay Jared. Sana naman ay hindi 'to tulog. Gusto ko ng umalis sa lugar na 'to. Nakakapagod maki-fit in.
Imbes na padalhan siya ng mensahe ay tatawagan ko na lang siya. Ang hassle naman kapag nag-text ako pero hindi naman niya mababasa agad.
"Pa, labas lang ako," pagpapaalam ko sa kanya.
Tumango naman siya at hindi na umangal pa. Busy na kasi sa panonood ng mga ganap sa harapan. Hindi ko talaga alam kung bakit enjoy na enjoy sila sa nangyayari.
Pagkalabas ko ng gate ay agad kong pinindot ang call button sa tabi ng pangalan ni Jared. Nagtaka ako dahil hindi na raw ginagamit ang number na 'to. Nagbago ba siya ng number? Bakit hindi ako na-inform?
Lumipat ako sa messenger at nakitang online siya kaya do'n ko siya tinawagan. Nailayo ko ang phone nang marinig ko ang ingay sa kabilang linya. Nasa'n ba ang lalaking 'to? Bakit may naririnig akong music?
"Quee, hello."
Napakunot ang noo ko nang maramdaman kong parang nag-iba ang boses niya. Lasing ba 'to? Kailan siya natutong uminom?
"Where are you?" seryosong tanong ko.
Hindi ko masyadong marining ang boses niya dahil sa ingay na dulot ng background music.
"Who's that?" rinig kong tanong ng isang hindi pamilyar na boses.
Bigla akong kinabahan nang mapagtanto ko na wala naman siyang kaibigan sa Pinas maliban sa 'kin.
"Jared, nasa'n ka?" kinakabahang tanong ko.
"Quee, I'm sorry," aniya.
Naramdaman ko kung pano uminit ang paligid ng mga mata ko. I felt how my knees weakened at sa unang pagkakataon, umiyak ako dahil sa kanya.
Mas lalong sumikip ang dibdib ko nang marinig ko ang mga sumunod niyang sinabi.
Kung kailan handa na akong harapin ang nararamdaman ko sa kanya, do'n pa siya umalis.
"I'm sorry for leaving without saying goodbye, quee."
BINABASA MO ANG
When The Sky Let Me Meet You
ContoSTATUS: COMPLETE Love seems to be very ideal and heartwarming. The idea of falling in love will really make your heart flutter. Aside from the fact that love gives happiness, we can't stop the possibility of getting hurt and be in pain. Chiemiel Ak...