Chapter 7

39 12 78
                                    

Sobrang ingay ng paligid at rinig na rinig ko ang sigawan ng mga bata sa labas. Ganito naman palagi tuwing bagong taon kaya nasanay na ako.

Naghahanda sina mama para sa pagpatak ng alas-dose. Hindi naman ako pinapatulong sa gawain kaya tumambay na lang ako sa labas. Nagmumukha akong tanga habang ngumingiti at nanonood sa mga batang naglalaro. 

"Quee!"

Napabaling ang tingin ko kay Jared na papasok na sa gate namin. Napakunot ang noo ko dahil gabi na pero nandito siya. Ano ba ang trip niya sa buhay? Kulang na lang ay maglayas na siya sa kanila at magpa-ampon na lang sa 'min.

"Oh? New year na tapos wala ka sa bahay niyo?" takang tanong ko.

"Kasama ko si Daddy. Dito raw kami magce-celebrate," sagot naman niya at umupo sa tabi ko.

Hindi ko na lamang siya pinansin at ibinalik ang tingin sa maingay na paligid. Napangiti ako nang nakita ko ang isang bata na namimigay ng kendi sa mga kasama niya sa laro.

"Ang lamig, bakit ka naka-sleeveless?" biglang tanong niya.

Alam ko na agad na naiinis na siya pero hindi ko 'yon pinansin. Wala talaga ako sa mood makipag-away ngayon. Gusto kong maging masaya 'tong New Year ko.

"Hindi mo ba ako naririnig?"

This time ay alam kong galit na siya. Umirap naman ako at tumayo na. Iniwan ko siya sa labas at umakyat ako sa taas.

Nagbihis na lang ako ng damit para naman hindi na siya magreklamo. Minsan talaga nakakainis na siya. Pero tama naman kasi, ang lamig eh.

Pagkababa ko ay nakita ko na si coach na masayang nakikipag-usap kina papa. May dala pa itong mga pagkain kaya ako na mismo ang kumuha sa mga kamay niya.

"Thank you, Mel," saad naman niya bago nagpatuloy sa pakikipag-usap.

Nakita kong lumapit si Jared sa kinaroroonan ko kaya ngumiti ako. Kunyari, hindi ako naiinis sa kanya. Ang sarap sapakin eh.

"Don't smile, you're creepy," he said.

Napairap muli ako dahil do'n. Nakakabanas talaga siya. Kung p'wede ko lang siyang itali sa gilid ng christmas tree, ginawa ko na.

"Nakakainis ka," saad ko at naglakad papalayo.

Nasa terrace na ako nang sumunod siya. Ramdam ko ang presensya niya sa gilid ko pero hindi ko siya pinansin. Ang tanging ingay lang na naririnig namin ay nanggagaling sa bata na naglalaro pa rin hanggang ngayon sa ibaba.

"Quee, sorry na," malumanay na sabi niya.

"Sorry saan?" tanong ko.

Wala naman kasi siyang kasalanan. Sadyang may saltik lang ako sa ulo kaya ako nagkakaganito. Minsan nga nakaka-guilty na dahil siya lang palagi ang humihingi ng sorry kahit ako naman ang may kasalanan. Nakakatakot kasi minsan.

Natatakot ako na baka sa susunod na araw, wala na siya.

Natatakot akong masanay na kasama siya.

Baka masaktan ako.

Alam ko kasing nagsisimula na akong kumapit sa kanya. Nakakatakot kapag gano'n.

"I'm happy," he suddenly said.

Bigla akong napatingin sa gawi niya. Nakatuon lang ang tingin niya sa maliwanag na langit dulot ng buwan at mga bituin. Hindi ko lubos maisip na malapit kami sa isa't-isa.

"Why?" I asked him.

"I can clearly see the moon and stars when I'm with you," he gently said.

"Hindi ka naman siguro bulag para hindi 'yan makita kapag wala ako," sabi ko pa.

Bigla siyang tumingin sa 'kin kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Nagkakagusto na ba ako sa kanya? Bakit ganito palagi ang nararamdaman ko tuwing nakatingin siya sa 'kin?

"I don't know. It's just that, your presence makes everything clear for me," he said.

Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko at walang boses na kumakawala sa bibig ko. Gusto kong magsalita at sumagot pero hindi ko mahanap ang mga salitang dapat kong sabihin.

"You keep on shining, Mel. That's the thing that makes me adore you more. You give light and freedom to my lost soul," he added.

"Jared naman, h'wag mo akong binobola," pag-iiwas ko pa sa usapan.

"I'm always serious when it comes to you, quee."

Gustong kumawala ng puso ko ngayon. Heto na naman siya sa mga matatamis niyang salita. Kailangan kong umiwas sa ganito.

Pagod na akong masaktan at umasa sa wala.

"Ate baba na raw po kayo sabi ni mama," singit ng kapatid ko.

Ngayon pa yata ako magpapasalamat sa kapatid ko dahil sa pagdating niya. Kung wala siya, baka sa'n pa napunta ang usapan.

"Baba na tayo," sabi ko.

Tumango naman siya at sumunod sa 'kin. Nasa baba na ang mga magulang namin at naghahanda na ng mga pagkain sa mesa. Napatingin ako sa wall clock at nalaman kong 11:47 PM na pala.

"Nak, ilabas mo na 'yong cake sa ref. Pati na rin ang mango float ha," utos sa 'kin ni mama.

Sumunod naman agad ako at kinuha ang mga bilin niya. Buti na lang at tinulungan ako ni Jared kaya naman isahang pagkuha na lang ang nangyari.

"Hindi ko talaga lubos maisip na magiging expressive 'yang anak ko. Mabuti na lang at nagkakilala sila ni Mel," natatawang turan ni coach.

"Aba, sinabi mo pa. Palaging nasa labas 'yang si Mel. Puro gala ang alam ng dalawang 'to. Kung hindi lang si Jared and kasama, aba'y hindi 'yan makakalabas sa 'kin," sagot pa ni mama.

Napangiwi na lang ako dahil sa sinabi niya. Tumawa ang lahat maliban sa 'kin. Ang gulo talaga ni mama kausap. Pero totoo naman kasi. Hindi niya ako pinapayagang gumala kung iba ang kasama ko.

"Baka mag-jowa na sila ma," biglang singit ni Carl.

Naubo pa talaga ako dahil do'n. Mabilis namang kumuha ng isang basong tubig si Jared at ipinainom sa 'kin habang hinahagod ang likod ko.

Mabilis naman sing kinurot ni mama sa tagiliran kaya tumahimik na siya. Tiningnan ko siya ng masama at tumakbo naman siya papalapit kay papa. Kahit kailan talaga pahamak siya.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Jared.

Hindi niya alintana ang mga matang nakatingin sa 'min kaya ako na mismo ang lumayo. Baka mamaya niyan ano pa ang isipin nila.

"Labas muna ako," paalam ko sa lahat.

Hindi ko na hinintay ang sagot nila at dumiretso na ako sa labas. May mga naririnig na akong ingay galing sa mga kapitbahay at wala na ang mga batang naglalaro sa labas.

Kasabay ng pagtingala ko sa langit at pagsalubong ng bagong taon, naramdaman ko ang lamig na dulot ng k'wintas na isinabit ni Jared sa leeg ko.

"Happy new year, Quee. More years with you."

When The Sky Let Me Meet YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon