Chapter 1

86 16 153
                                    

Iminulat ko ang aking mga mata nang maramdaman ko ang sikat ng araw sa aking balat. Pagkalipas ng ilang minuto ay narinig ko ang sigaw ng aking ina sa labas.

"Mel, wala ka bang balak na bumangon diyan? Nasa labas na ang coach mo. Hindi ka na nahiya, siya pa ang nagsundo sa 'yo. Ikaw na nga itong may kailangan."

Napatawa ako ng mahina dahil do'n. Ang aga naman niya mag-ingay. Hindi na ata nasanay na palagi akong makupad. Palibhasa kasi ay wala pang pasok.

"Opo ma, lalabas na. Sandali lang," sigaw ko.

"Ikaw talagang bata ka. Hanggang ngayon ang sakit mo sa ulo," sagot pa niya bago siya tuluyang naglakad papalayo.

Inayos ko muna ang kama bago ako naligo. Hindi na ako nagtagal dahil mukhang nakakahiya na talaga kay coach na magpahintay. Ang aga naman kasi niya.

"Good morning po," bati ko nang namataan ko siyang nagkakape sa labas.

"Mabuti naman at tapos ka na," natatawang sagot niya.

"Pagpasensiyahan mo na iyang anak ko sir, hindi talaga nagiging mature."

Tumawa ng mahina si coach kaya sinamaan ko ng tingin si mama. Anak ba talaga ang turing niya sa 'kin? Bakit parang nilalaglag niya ako?

Ilang taon ko na rin naman kasing coach si sir. Simula no'ng naglaro ako ng chess, siya na talaga ang nagturo sa 'kin. Siguradong nasanay na rin siya sa ugali ko.

"Ma, alis na kami," paalam ko.

"Mag-ingat ka ha. Tawagan mo ako kapag pauwi ka na," paalala pa ni mama.

Tumango ako bilang tugon. Ganyan talaga siya, palaging maraming sinasabi pero at least, nararamdaman ko na ayaw niya akong mapahamak.

"By the way, Mel. Nasa office kasi ang anak ko ngayon. Kakauwi lang galing Australia. Baka mamaya manibago kayo ng mga kasama mo. Pero h'wag kang mag-alala hindi naman 'yon maingay," biglang sabi ni coach habang nagda-drive.

"Hala, kailan po siya umuwi?" takang tanong ko.

Ang alam ko kasi, may anak talaga si coach sa Australia pero ngayon lang 'to umuwi. Babae ba 'yon? Para naman may kasama na ako kapag may training. Minsan kasi, kapag wala ang mga kasama ko, mag-isa ako. Ang boring kaya.

"Kahapon lang naman," sagot pa niya.

Hindi na ako umimik hanggang sa makarating mismo sa office ng chess club. Pagkarating namin ay nandoon na ang mga kasama ko sa team.

"Good morning, coach," bati nilang lahat.

"Good morning. Let's now start the training, okay? Prepare yourselves."

Iba talaga ang accent kapag may lahi 'no? Buti na lang at mabait naman siya sa lahat.

Inayos ko ang isa sa mga chess sets at hinayaan ko na lamang ang ibang mag-ingay. Umupo ako sa upuan na nasa harap ng black side at ibinaba ang suot kong cap. Nakaramdam na naman ako ng antok.

"Pawn to e4."

Bigla akong napamulat nang makarinig ako ng hindi pamilyar na boses. Nang tumingala ako ay bigla akong nakaramdam ng spark.

Sandali, Mel, anong spark ang pinagsasabi mo?

"Miss, it's your turn," he said.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sino 'to? Bakit ngayon ko lang siya nakita? Bago ba siya sa team? Hindi naman ipinakilala ni coach.

"Coach--"

Itinaas ko pa ang kanang kamay ko para lang makita niya pero busy ata siya sa kabila. Nagsisimula na kasi silang maglaro.

"Miss, I said it's your turn," sabi pa ulit ng lalaki.

"Sandali naman," inis kong sagot at tiningnan ang board.

Nakapag-move na nga talaga siya. Bakit bigla akong nagkaroon ng kalaban ngayon?

"Ang tagal naman. Kanina pa ako naghihintay," dagdag pa niya.

"Bakit ba nagmamadali ka?" sagot ko pa ulit.

"Hindi ako nagmamadali. Gusto ko lang malaman kung may plano ka ba na patulan ako ngayon."

Muntik na akong mapamura nang sabihin niya 'yon. Bakit parang iba ang pagkaka-intindi ko? Patulan saan?

Tanga ka talaga, Mel. Malamang sa laro.

Hindi ko na siya sinagot at nag move na lamang ng pawn sa side ko. Mabilis naman siyang tumugon kaya nagkaroon kami ng magandang laban.

Shocks, alam kong magaling si coach at natuturuan niya ako ng mga magagandang strategies pero bakit ang galing ng lalaking 'to?

"Nice game," coach suddenly said.

Sa sobrang pagka-focus ko sa laro, hindi ko man lang namalayan na nasa tabi na pala namin si coach. Hindi na muna ako nagsalita at hinintay ang next move ng kalaban ko. Naging mas matindi pa 'yon nang naglagay si coach ng chess clock.

Bakit distracted ako?

"Checkmate," biglang sabi niya.

Nanlumo ako nang makita ko na wala na talagang mapupuntahan ang hari. Bakit ang galing niya naman ata?

"You're a tough one. Just like what my Dad said, you have the potential," he suddenly added.

Napakurap ako ng ilang beses matapos kong marinig 'yon. Siya ba ang anak ni coach? Hala! Bakit ang gwapo?

Mel, ang landi mo.

"Calm your minds," coach said.

Binigyan niya ng dalawang bottled water ang anak niya bago umalis ulit.

Coach naman, anong gagawin ko? Ang awkward masyado.

"Are you uncomfortable?" tanong pa niya bago inabot sa 'kin ang isang bottle.

"Hindi ah," mabilis kong sagot at tinanggap ang ibinigay niya.

"Okay," maikling sagot niya at iniwan ako.

Napairap ako nang nakatalikod na siya sa 'kin. Ang tipid at ang harsh masyado. Wala bang manners 'yan?

Sinundan ko siya mg tingin hanggang sa makalapit siya sa kabilang dako ng office. Padabog akong umupo ulit at mas lalong ibinaba ang cap na suot. Istorbo kasi, maganda na sana ang tulog ko.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ako makarinig ng hiyawan sa kabila. Siguro ay tapos na ang isang laro at nalaman na ang nanalo.

Malapit na sana akong makatulog ulit nang lumapit siya ulit sa banda ko. Bakit nga ba siya pabalik-balik dito?

Trip niya ba ako?

Magsasalita na sana ako nang makita ko si coach sa gilid. Tumayo agad ako at ngumiti ng tipid. Nakaakbay na siya ngayon sa lalaki at nakangiti ng nakakasilaw.

"Mel, this is my son. Nak, si Mel, 'yong palaging kong sinasabi sa 'yo," sabi ni coach.

"Yeah, naaalala ko," the guy said while looking directly into my eyes.

Hala, ang puso ko nagiging baliw na naman. Kinakabahan ba ako sa lalaking 'to? Hindi worth it ha! Nag-expect pa naman ako na babae ang anak ni coach.

Lesson learned. Don't expect too much to lessen the pain.

"Hi, I'm Mel," pagpapakilala ko kahit narinig ko naman na naaalala niya raw ako dahil sa kwento ng tatay niya.

Bigla ata akong kinuryente nang hinahawakan niya ang kamay ko kahit para lang naman 'yon sa handshake. Mas lalong bumilis ang puso ko nang marinig ko ang buong pangalan niya.

"I'm Jared Ashton Friols. I hope we'll get along."

When The Sky Let Me Meet YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon