Chapter 12

32 11 35
                                    

Sobrang lamig ng simoy ng hangin at parang tinatangay nito ang kislap ng mga mata ko. Parang kailan lang, ang paparating na ulan ay nagsisilbing galak sa puso ko per ngayon, hindi ko na alam kung bakit bigla na lamang sumabay ang mga luhang akala ko hindi na makakawala.

Nandito na naman ako sa lugar kung sa'n kami unang naging malapit sa isa't-isa. Hindi ko na alintana ang lamig na dulot ng ulan at hampas ng hangin. Sinabayan ko pa ito ng iyak at umaasa na sana, pagkatapos ng araw na 'to, hindi na ako mangungulila sa kanya.

"Ate, uwi na tayo."

Napalingon ako sa kapatid kong si Carl na nakatayo na ngayon sa gilid ko habang hawak-hawak ang isang payong. Ang kalahating espasyo ay nakatuon sa 'kin kaya medyo nababasa siya.

"Bakit ka nandito?" takang tanong ko habang pinupunasan ang luhang walang tigil sa pag-agos.

Nagulat ako nang umupo siya sa tabi ko at hindi binitawan ang payong na dala. Nakatuon lamang ang mga mapupungay niyang mga mata sa 'kin at hindi ko alam kung nababasa ba niya ang nasa isip ko.

"Ate, h'wag mong pigilan kung hindi mo kaya. Wala namang masama kung iiyak ka. Hindi mo naman kasalanan.... Hindi mo kasalanan na nangungulila ka. Umiyak ka ate, ilabas mo ang lahat. Nandito lang ako, hihintayin kitang matapos."

Bigla na lamang akong humahulgol dahil sa sinabi niya. Bakit parang mas may alam pa siya sa 'kin? Bakit parang alam na alam niya ang nararamdaman ko?.......Bakit ang sakit?

"Hindi ko na alam ang gagawin," bulong ko.

Naramdaman ko ang maliliit niyang bisig dahil sa ginawad niyang yakap. Mas nakakagaan pala ng puso kung may karamay ka.

Bakit kasi inubos ko ang lahat ng tiwala ko sa kanya? Bakit ko siya hinayaang pasukin ang mundo ko? Bakit ako..... Bakit ako umasa?

"Alam kong miss mo na si kuya Jared, ate. Pero medyo matagal na rin. Kung talagang mahal... I mean, kung talagang minahal ka niya, babalik siya."

Parang may kumurot sa puso ko nang maramdaman ko ang pagmamahal sa boses niya. Sino ba ang mag-aakala na isang nine years old na bata pa ang makakapagpagaan ng loob ko?

Pagkatapos ng ilang minuto ay nagdesisyon na kaming umuwi. Kahit basang-basa ako nang makarating sa bahay ay hindi naman ako tinanong ni mama. Marahil ay akala niya, sinamahan ko lang si Carl maglaro sa ulan.

Agad akong dumiretso sa C.R ng k'warto ko at naligo. Pagkatapos magbihis ay humilata na ako sa kama at dahil na rin siguro sa matinding pagod, nakatulog agad ako.

Maaga akong nagising at naghanda para pumasok. Parang kailan lang, November na naman ulit ngayon. Bakit sobrang bilis ng takbo ng panahon? Parang sinasabi nito sa 'kin na sobrang ikli lang din ng pinagsamahan namin.

"Mel, sa'n kayo sa christmas break?" tanong ni Rash na kasalukuyang nag-aayos ng mga libro niyang dala.

"Hindi ko alam. Wala namang nasabi si papa," marahang sagot ko at tumayo na.

Katulad ng ibang nga normal na estudyante, tinahak namin ang daan papuntang cafeteria na walang sagabal. Hindi katulad ng mga famous naming mga kaklase na halos minu-minuto ay may humaharang para lang magpa-picture.

"Anong gusto mo?" tanong niya matapos kaming makahanap ng magandang p'westo sa gilid.

"Ikaw na ang bahala," sagot ko naman at hinugot sa loob ng bag ko ang earphones na dala.

Napapikit ako nang mag-umpisang mag-play ang 'I fell in love with my best friend'. Nananadya ba talaga 'to? Ako pa mismo ang nagbibigay ng sakit sa puso ko.

Nang mailibot ko ang paningin sa paligid, parang bumalik lang ulit ang mga ala-ala na sabay naming ginawa. Nakakabwisit, nakakatakot, nakakainis, at nakakawalang gana.

"Bakit ganyan ang mukha mo?" nagtatakang tanong ni Rash nanag makabalik siya.

Isang malaking tray ang dala niya kaya tumayo ako para alalayan siya. Bakit sobrang dami naman yata ng mga pagkaing kinuha niya?

"Gutom ka ba?" tanong ko.

"Hindi, ikaw naman ang kakain niyan," aniya.

"Ha? Anong akala mo sa 'kin, patay gutom?"

"Girl, mukhang lantang gulay ka, 'no. Kaya hindi ko gusto na naiin-love ka eh. Halos lahat binubuhos mo. 'Yan tuloy, nasasaktan ka," makahulugang sabi niya.

"Hindi naman ako in love, Rash. H'wag ka ngang story maker," inis kong sabi.

"Hay ewan ko sa 'yo. Hanggang kailan mo ba 'yan itatago sa sarili mo? Naiwan ka na't lahat-lahat, hindi mo pa rin ma-realize na na-fall ka," dagdag pa niya.

Napatahimik ako matapos niyang sabihin 'yon. Oo nga, naiwan na ako pero hindi ko pa rin malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Marahil ay alam ko na pero umiiwas lang akong aminin dahil natatakot akong madagdagan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Kaya pala mas mahirap mag move on kapag hindi naging kayo. Masasabi mo kasi sa sarili mong nagsisisi ka dahil hindi mo nabigyan ng chance ang puso mong magmahal habang nandiyan pa siya sa tabi mo.

Parang nawalan ka ng pagkakataong ipakita ang pagmamahal mo dahil nga hindi naging kayo.

Oo nga pala, magkaibigan lang naman kami.

At alam ko na hanggang do'n lang 'yon.

Lalo na at wala na siya.

Pagkatapos ng last period ay dumiretso ako sa park. Ilang buntong-hininga pa ang naisagawa ko bago ako tuluyang nagdesisyong umuwi.

Last na talaga 'to. Hinding-hindi na ako babalik sa lugar na 'to. Simula bukas, pipilitin ko na ang sarili kong kalimutan ang lahat.

Kalimutan siya.

Muling bumagsak ang rumaragasang ulan sa hindi ko malamang dahilan. Tumakbo ako papunta sa waiting shed na nasa kabilang parte lang ng daan.

Bakit palaging umuulan kapag napapadpad ako dito?

Malapit na akong makarating sa mismong shed nang may makabangga ako sa kalagitnaan ng daan. Dahil sa lakas ng impact, natumba ako at nabitawan ang mga librong hawak.

Ramdam na ramdam ko ang sakit kaya napangiwi ako. Nabalian yata ako dahil sa nangyari.

Mabilis kong pinulot ang mga librong basang-basa na. Pupulutin ko na sana ang libro ko sa Math nang may maunang makahawak no'n.

Dahil siguro sabay naming hinablot ang libro, nahawakan ko ang kamay niya.

Bigla akong napatulala nang maramdaman ko ang mumunting kuryente na dumaloy pansamantala sa basang-basa kong kamay.

Kahit natatakot ay unti-unti kong iniangat nag aking mga tingin sa lalaking katabi ko.

Sobrang pamilyar....

Muling bumalik ang lahat ng saya na akala ko kakalimutan ko na magmula bukas.

Heto na naman siya...... Kung saan gusto ko ng makalimutan ang lahat, bumalik siya.....

Hindi na ako sigurado kung ang pagbalik ba niya ay magsisilbing gabay ko muli papalapit sa liwanag, o daan papunta sa sakit na labis kong iniiwasan.

"Jared," mahinang bulong ko nang magtama ang aming mga mata.

When The Sky Let Me Meet YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon