- Jacob and Rhyan-
The night was almost over. Everyone was sound asleep except for the frogs making noises from the massive rain happened the whole day. Tumila na rin ang ulan pagkatapos umulan ng buong araw.
Hindi nagabalang mag-jacket si Jacob habang papunta sa bahay ni Rhyan. Medyo mahamog ang hanging panggabi subalit sanay na siya doon bukod sa mas malamig pa ang klimang sinuungan niya kapag nasa dagat sila o nasa malalamig na klima ng ibang bansang dinadakuan nila. Hindi na niya kailaang kumatok sa pinto dahil nasa patio si Rhyan at mag-isang umiinom ng beer. Tumayo ito ng makita si Jacob na papalapit at saka ito pinapasok sa gate.
"Gabi na masyado para gumala ka pa pinsan." Sabi ni Rhyan.
"Hindi kasi ako makatulog kaya naglakad lakad muna ako at napansin kong bukas pa ang ilaw mo kaya dumaan ako dito. Okey lang ba?" pumasok si Jacob at naupo sa rattan na upuang nakaharap kay Rhyan. Tinanggihan nito ang beer na inialok nito.
"Okey lang, hindi rin kasi ako makatulog. Nasanay na akong bukas ang mga mata sa ganitong oras kapag nasa duty ako eh."
"Ako rin, kaya medyo sinasanay ko ang sarili dito sa atin."
Ilang minuto ng katahimikan ang nanatili sa kanilang pagitan. Si Rhyan na patuloy sa pagtungga sa hawak nitong beer at si Jacob na nakatingin sa madilim na gabi.
"Bakit hindi mo inihatid si Maia sa kanila?" pauna ni Rhyan.
"Tumanggi siya ng alukin ko. Gusto daw muna niya mapag-isa."
Payapa ang katahimikan ng gabi subalit ang namumuong tensiyon sa pagitan nila ay hindi nila kayang itanggi.
"Huwag mo na uli siyang paiiyakin, Jacob."
Jacob looked at him. Pagkuwan ay kinuha yung beer na tinanggihan nito kanina at ininom. Nakalahati nito yung bote pagkatapos ay nagpakawala ng hininga.
"Bakit hindi mo sinabi sa kanya?" he then asked.
"Ang alin?" sagot ni Rhyan matapos lumagok ng beer.
"Na mahal mo siya."
"Dahil ayokong guluhin ang isip at damdamin niya. Kung may maramdaman man siya para sa akin, gusto kong sa kanya mismo manggaling ang mga katagang iyon. Gusto kong ma-realize niya mismo sa sarili niya at hindi dahil namilit akong pansinin niya. At mabuti na rin sigurong hindi ko sinabi dahil ikaw pa rin ang mahal niya hanggang ngayon. Sapat na sa akin na makita siyang masaya. Kaya Jacob, huwag mo na siyang paiiyaking muli kung ayaw mong maulit na magkasakitan tayo."
"Natatakot ako." muling uminom ng beer si Jacob pagkatapos.
"Saan?"
"Na hindi na katulad ng damdamin mayroon si Maia para sa akin."
Rhyan looked at him waiting for him to continue.
"Nagbago na siya, Rhyan. Hindi na ako ang sentro ng damdamin at isip niya. Natatakot akong magtanong. Natatakot akong tama ang aking hinala. Natatakot ako na baka...baka napipilitan lang siyang mahalin akong muli."
"Nangako ka Jacob. Nangako kang hindi mo ipipilit ang sarili sa kanya. Nangako kang pawawalan mo siya at hahayaan kung sakali mang hindi na pareho ang damdamin niya para sa iyo. Tuparin mo iyon."
"Mahal ko siya, Rhyan. Mahal na mahal. Hindi ko alam kung paano siya pakakawalan."
"Huwag kang umasa na sa mga panahong lumipas at sakit na iniwan mo sa kanya ay mananatili pa rin ang pagmamahal at dating pagibig mayroon siya para sa iyo. Nakita ko kung paano siya halos masira sa ginawa mo. I was there for her. Ako ang nandoon sa mga panahong wala ka. Ako ang nagmahal sa mga panahong naduwag kang ibigay iyon sa kanya. Ako ang nagmahal sa kanya. Ako ang nasa tabi niya. Ako ang kinapitan niya. Mas minahal ko siya dahil nanatili ako sa kanya. Ako ang pumalit sa puwesto mo Jacob."
BINABASA MO ANG
SGANF #4: First Love
ChickLit"That First Love is the sweetest, ...but that First Cut is the deepest" SGANF #4: MAIA in First Love #76-09.20.17 #22-062217 #89-122116 #754-122016 FOURTH WORK 2014. Book 4 of SGANF Series: Maia Giselle in FIRST LOVE