Chapter Twelve
Hindi ko alam kung ano ang bibilhing regalo para sa graduation ni Jacob, wala akong alam na gusto nito kaya pinili ko na lang yung isang cologne na halos kaamoy nung cologne na gustung gusto kong gamit nito. The sales lady wrapped it up nicely. She asked me what words I want to put in the card, saglit akong nagisip and decided to leave it blank.
Maraming tao sa boarding nina Rhyan, doon kasi ang celebration nilang apat sa pagtatapos ng college at tatlong jeep ang nakaparada sa harap ng bahay galing pa ng Isabela para daluhan ang pagtatapos nina Jacob, Alex, Rhyan at Vanessa.
Ang bilis ng tibok ng aking dibdib. Ngayon lang uli kami magkikita ni Jacob after four months. Naduduwag akong makita siya dahil hindi ko alam kung paano kikilos sa harap nito. Mas natatakot akong baka iwasan niya ako at hindi pansinin. Pero dahil nga miss na miss ko na siya, mas umubra ang tawag ng aking pusong nananabik kaysa takot.
Narinig ko ang pamilyar na halakhakan sa likod bahay. Nandoon ang kuya ko, umuwi galing sa destino nito. At sa lamesang pinaiikutan ng mga upuan, nandoon din sina Alex, Rhyan, Vanessa, Ramona, Wella at may ilan pang hindi ko kakilala, pero wala si Jacob. May naramdaman akong dumikit sa aking likuran at kahit hindi ako lumingon, alam ko na kung sino dahil nalanghap ko ang paboritong cologne na gamit nito. Halos bumaligtad ang aking sikmura sa matinding nerbyos at nahawakan ko ang mga nanginginig kong kamay. Humarap ako sa kanya.
“H-happy graduation.” I tried to smile but I was not sure what my face showed.
“Salamat.” Hindi ito ngumiti, hindi rin sumimangot. Wala lang siyang reaksiyon. Napalunok ako, mas nasaktan.
“Kumain ka na?”
Umiling ako. Kahit gutom ay hindi ko iyon mapapansin dahil ang gusto ko lang isipin at damhin ngayon ay siya at ang presensiya niya sa harap ko. Gusto ko siyang yakapin, my heart was thumping so loud for him but I was trying so hard to hold it in.
“Kain ka muna.” Iginiya niya ako sa mesang punung-puno ng mga pagkain, may litson pa sa pinakagitna. Himalang hindi man lang ako naglaway sa paborito kong litson, sa halip ay sa kanya lang nakatuon ang buo kong atensiyon, hoping he would look at me, steal glances from me but no, he didn’t do any of it and it was killing me.
“Ayoko sabing kumain.” Matigas kong sabi.
Huminto siya sa pagsandok ng pagkain sa paper plate na hawak niya, pagkuwan ay inilapag iyon sa mesa at saka tumingin sa akin. “Nangangayat ka, Maia, you should eat.”
Napapalatak ako. “I’m glad you still care.” I snided, hindi ko mapigilang maging sarcastic.
“Kumain ka muna kung may balak kang inumin iyang alak na hawak mo. Huwag kang uminom na walang laman ang sikmura mo.”
Napatingin ako sa hawak na disposable glass, akala ko ay juice ang nadampot ko, alak pala, hindi ko man lang nalasahan, marahil ay dahil kabado ako sa pagkikita namin kaya basta ko na lang tinungga ang laman niyon. “Kumusta ka na?”
“I am very well, thank you.”
Muli akong napatawa ng mapakla. “Buti ka pa, very well, ako kasi, very bad.”
“Maia, don’t start.”
“Hindi ako magwawala, gusto lang kitang makausap.”
BINABASA MO ANG
SGANF #4: First Love
ChickLit"That First Love is the sweetest, ...but that First Cut is the deepest" SGANF #4: MAIA in First Love #76-09.20.17 #22-062217 #89-122116 #754-122016 FOURTH WORK 2014. Book 4 of SGANF Series: Maia Giselle in FIRST LOVE