Chapter 15

5.7K 110 7
                                    

Chapter Fifteen

 “Hi, Din.” Bungad ko sa kaibigan, naupo ako sa katabi nitong upuan.

“Hey sistah, what’s up?”

“Heto nga pala yung report para bukas, na-outline ko na kaya kung may kailangan ka pa sabihin mo na ng maaga para hindi tayo malito kinabukasan sa pagrereport.”

Tinignan niya yung mga papel ng report na iniabot ko sa kanya, pagkuwan ay ibinalik niya sa akin at nag thumbs up. “This looks good, this will do. Since ikaw ang may gawa nito bakit hindi na lang ikaw ang magreport?”

“Ayoko, ikaw na lang. Mas maiintindihan nila ang boses mo kaysa sa akin. Alam mo namang nagha-high pitch ang voice ko kapag nage-explain ako eh baka akalain nilang galit akong magreport.”

Natawa ito. “O sige, ako na nga lang. Isang sem na lang at magtatapos na rin tayo.”

“Oo nga, I feel old na.”

Natawa uli ito. “Ito naman, para gagraduate lang eh you feel old na.”

“Eh kasi naman ibig sabihin magtatrabaho na rin tayo, kaya yun.”

“Ako excited na, kasi I will be able to do whatever I want.”

“Good for you, ako kasi hindi ko pa rin alam kung anong gusto kong gawin.”

“Darating din iyan. Just follow the flow, huwag mong pigilan, sundin mo lang at mahahanap mo rin.”

“Ang talinghaga ng sinabi mo ah, hindi ko na-gets.”

“Ako rin di ko na-gets.”

Nagtawanan kami. I received a text from Rhyan, I gnored it. At may dumating uli. Nainis ako kaya binasa ko ang text niya.

I hv a gud news Maia!

???

Sunduin kita pra msbi ko ng personal

Ayaw

Plz?

NO!

: (

Bye!

Hindi na uli ito nagtext. I focused my attention in the class. It was eight thirty at night when my last class finished. Bumaba ako ng hagdan at papalabas ako ng gate ng mapansin ko si Rhyan na nakatayo sa labas ng gate. Nainis ako. Ang kulit talaga ng lalakeng ito, ang sarap hambalusin! Mabilis akong lumapit para sigawan ito subalit napigil ng matabig ako ng tatlong babaeng humahangos palabas ng gate padiretso sa kinaroroonan ni Rhyan at ng kausap nitong dalawang lalake.

“Hi Rhyan!” sabay sabay na pagbati nung tatlong babae dito. Ngumiti naman si Rhyan sa mga ito. May patapik tapik pa ng balikat ang mga bruha at napansin kong medyo naiilang si Rhyan sa presensiya ng mga ito. I found myself standing there and watched as he shyly but gentlemanyly avoided their touch to his arms. Natawa ako, marunong din pala itong tumanggi sa ‘grasya’ ng babae.

“Rhyan.” I called him out. Mabilis itong lumingon sa akin at sumilay ang napakatamis na ngiti nito na ikinasimangot nung tatlong bruhilda.

“Maia!” mabilis itong kumilos at sinalubong ako sa labas ng gate. “Tulungan na kita.” Kinuha niya yung hawak hawak kong mga libro at folders at saka ako inalalayang lumakad.

“Wala akong sakit kaya kaya kong maglakad magisa.”

“Ah, sorry.” He then let go of my arm.

SGANF #4: First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon