Chapter Five
“MAIA!”
“Don’t Maia me! Ba’t ba ang sungit sungit mo sa akin? Ano bang ginawa ko sa iyo para sungitan mo ako ng ganyan? Bakit sa pinsan kong si Wella hindi ka ganyan? Pati sa school hindi ka ganyan. I saw you laughing and smiling so naturally sa iba pero pagdating sa akin para kang palaging pinupusitsitan ng kalamansi sa pagharap sa akin. Bad breath ba ako? May amoy ba ako para umiwas ka ng ganyan? Ba’t parang diring-diri ka sa akin? Ang O.A mo ha!” dire-diretso kong sigaw.
Muli siyang umupo sa bench and just looked at me. “Sorry, I didn’t know I was being like that to you.”
“Hello? Obvious na obvious tapos hindi mo alam? Ano iyon, split personality mo na hindi mo alam kung kelan susulpot para sungitan ako?”
“Sorry, please? Pwedeng ibalik mo na iyang project ko, importante ang mga iyan at hindi ako papasa sa finals kapag nawala ang mga iyan.” Lumambot ang kanyang mukha at saka ngumiti sa akin.
Lumundag naman ang puso kong uhaw sa kanyang atensiyon. I gave him back the papers and sat infront of him. “Na miss kita.”
Napapikit siya when I said those words at saka siya huminga ng malalim. Tiningnan niya ako at saka ngumiti.
Puro numbers and shapes and angles and pipelines and meters and nakikita ko sa mga papel na nasa harap niya. Nahihilo ako sa pagmamasid sa ginagawa niyang pagguhit at pagcompute sa calculator.
“Pwede pala ako magpaturo ng Algebra sa iyo, mukhang matalino ka pagdating sa numbers.”
Itinaas niya ang mukha sa akin at halos magdikit ang mga mukha namin dahil nakatutok kasi ako sa ginagawa niya. Hindi ko agad nailayo ang aking mukha dahil hindi ako makakilos. Hindi rin siya umatras kaya nagkatitigan kami habang nararamdaman namin ang hininga ng isa’t isa sa aming mukha. Bumaba ang kanyang tingin sa aking labi. Napalunok ako.
“You would not want me to be your tutor, iiyak ka lang.” mahina niyang sabi. I could almost taste his breath.
“B-bakit?” I stammered.
“Dahil istrikto ako.”
“Okey lang.”
“Sigurado ka?’
“Oo sabi.”
“Sa isang kundisyon?”
“Anong kundisyon?”
“Lahat ng sasabihin ko pakikinggan at susundin mo.”
“Lahat?”
“Oo, lahat.”
“Walang mahirap doon, deal!”
Ngumiti siya, parang nasisiyahan sa sagot ko. “Let’s start now.”
“Agad? Ang bilis naman, pwedeng sa susunod na lingo na lang? Wala kasi kaming assignment this week pero next week meron.” I protested.
“I forgot to tell you my rule. I only have one rule at susundin mo iyon kung hindi out ka na.”
Napalunok ako, mukhang mapapasabak ako nito ah. “Sure, say it.”
BINABASA MO ANG
SGANF #4: First Love
ChickLit"That First Love is the sweetest, ...but that First Cut is the deepest" SGANF #4: MAIA in First Love #76-09.20.17 #22-062217 #89-122116 #754-122016 FOURTH WORK 2014. Book 4 of SGANF Series: Maia Giselle in FIRST LOVE