Chapter Nineteen
“Rhyan..”
“Bakit ka umiiyak? Hanggang ngayon umiiiyak ka pa rin, hindi ka pa rin nagbabago.”
“What are you doing here? Bumalik ka sa reception at kailangan ka doon ng bride.”
“Baka kasi multuhin ka dito, haunted itong simbahan eh baka hindi ka namin mahanap kapag iniwan kita dito kaya sama ka na sa akin pabalik.”
Napamaang ako dito, seryoso ba ito? “You’re still a joker, hindi ka pa rin nagbabago.”
“Hayan, ngumiti ka na, tapos ka na ba umiyak? Tara na?”
“Salamat. Sige mauna ka na at susunod na ako.”
“Sasabay ka sa akin dahil wala ka ng masasakyan.”
Ah, oo nga pala, iniwan na nga pala ako nina Dindo. Tumayo ako at sinunudan si Rhyan sa sasakyan nito. It’s a red wrangler jeep na wala sa ayos ang pagkakaparada sa harap mismo ng simabahan. Marahil ay nakaalis na ito kanina at bumalik lang para kunin ako. Humaplos iyon sa aking puso.
“May boyfriend ka na?” nagulat pa ako sa kanyang tanong. Hindi ako sumagot at tumingin sa labas ng bintana.
“Ako meron na.” bigla akong lumingon sa kanya.
“Nang boyfriend?” tumaas ang aking kilay.
Tumawa ito. “Oo, ng boyfriend.”
Natawa ako. “Sira, hindi ka mukhang bakla.”
“Salamat.”
“Saan?”
“Na hindi ako mukhang bakla sa paningin mo.”
“I know you’re not.” Mahina kong sabi at napalunok ako dahil biglang sumagi sa isip ko ang nakaraan. Ipinilig ko ang aking ulo.
“Uy, may naisip siya.” He teased. Bigla akong lumingon uli sa kanya.
“Wala no!”
Tumawa uli ito. “You’re blushing.”
Natawa din ako pagkuwan at saka siya tinitigan. “You’re married though.”
Saglit siyang tumingin sa akin pagkuwan ay sa kalsada at saka tipid na ngumiti. “Ikaw kasi eh, pinawalan mo ako. Hayan tuloy, hindi na kita pwedeng mahalin.” Mahina niyang tugon.
My initial reaction was to laugh, but my eyes blurred and tears wet my face. “I-I’m not even going to ask you. Good for you. I’m happy for you.” Mabilis kong pinahid ang aking luha ngunit ayaw pa ring tumigil, minura ko na ang sarili.
Itinigil niya yung jeep at saka ako hinarap. “What are those tears for?”
Umiling ako. “Hindi ko alam. Bakit ka huminto, hinahanap ka na don.” Tinakpan ko ang aking mukha. Nahihiya ako dito.
“Dahil ba sa kanya?”
Umiling uli ako. “Hindi ko sabi alam.”
“Dahil ba sa sinabi ko?”
“Hindi ko sabi alam!” medyo lumakas ang aking boses. “Bakit ba ang kulit mo? Hindi ko sabi alam.” Napahagulgol na ako. Naiinis dahil hindi ko talaga alam kung bakit ba ako umiiyak.
“Tumigil ka na den, kung hindi hahalikan kita.”
Saglit akong natigil sa pagiyak at namamanghang tumingin sa kanya, pagkuwan ay pilit na tumawa. Ang galing talaga nitong magbiro. Pinunasan ko ang mukha at pinigil huwag ng umiyak. Suminghot singhot ako.
BINABASA MO ANG
SGANF #4: First Love
ChickLit"That First Love is the sweetest, ...but that First Cut is the deepest" SGANF #4: MAIA in First Love #76-09.20.17 #22-062217 #89-122116 #754-122016 FOURTH WORK 2014. Book 4 of SGANF Series: Maia Giselle in FIRST LOVE