-Rhyan-
"N-NIYAYA niya akong magpakasal...and I said yes..."
Umatras ako ng isang hakbang, dalawa...tatlo. Kailangan ko ng lumayo at huwag bumalik kahit kailan. Wala na akong babalikan. Ayoko ng bumalik.
"Pero Rhyan...kahit alam kong mahal ko siya..."
Tama na! Tama na! Ayokong marinig! Tumalikod ako. Gusto ko na lang tumakbo palabas ng pintuang iyon at mabilis na umalis. Tama na. Tama na.
"Pero mas mahal kita...mahal na kita higit pa sa pagmamahal ko sa kanya..."
Ang paa kong gusto ng tumakbo ay tumigil. Parang sumabog ang aking ulo at nahilo ako. Tama ba ang pagkakadinig ko sa huli niyang sinabi? Tama ba? Mabilis akong humarap dito at pinakatitigan siya, tinatanto kung sinabi nga ba talaga nito ang sinabi. Nakatakip ng mga kamay nito ang mukhang patuloy pa rin sa paghikbi. Dahan dahan akong lumapit dito at pinalis ang kamay nitong nasa mukha at saka itiningala ang kanyang baba.
"M-Maia...anong sinabi mo?" nanginginig ako sa takot na baka mali nga ang aking pagkadinig, at sa kabilang banda ay sa kasiyahan na totoo nga ito.
"Palagi na lang ikaw ang nasa isip ko kahit siya ang kasama ko. Ikaw ang bukambibig ko kahit siya ang nasa harap ko. Ikaw ang hinahanap ko sa tuwing nalulungkot o masaya ako. Ikaw na lang ng ikaw at bakit hindi ka maalis sa isip ko? Bakit hindi ko magawang itanggi na nasasakatan ako kapag maiisip na may iba kang mahal? Ang sakit isipin na may iba kang hapiling, kayakap at kahalikan. Alam kong mali pero gusto ko ay ako lang. Ako lang dapat. Sabi mo mahal mo ako. Sabi mo hihintayin mo ako kapag handa na akong sabihing mahal kita. Sabi mo ako lang...but you lied."
Ang sarap ngumiti kahit patuloy sa paga-agos ang aking luha. Gustong sumabog ng puso kong nasisiyahan sa mga naririnig. I cupped her face at pinahid ang luha nito. Hindi ko mapigilan ang kasiyahan. Hindi ko napigilan ang matuwa.
"What do you mean I lied?"
"Bakit ka magpapakasal sa iba? Bakit mo pa ipapakita sa akin? Bakit kailangan mo pang ipaalam sa akin? Bakit kailangan mo akong yakapin at sabihing mahal mo ako tapos babawiin mo? Bakit mo ako itinutulak palayo sa iyo?"
I laughed. Again, and again. I laughed of joy and happiness. Mahigpit ko siyang niyakap. Iyong mahigpit na mahigpit hanggang sa pumalag ito dahil hindi na ito makahinga. Kahit nakamaang ito sa aking reaksiyon ay hindi ko itinigil ang pagtawa. I never thought for a moment that I would be happy like this. That she would love me like this.
"Oh Maia! My sweet sweet Maia!"
"H-hindi ako makahinga." Pagpupumiglas niya.
"Say it again!"
"Ang alin?"
"Ang nararamdaman mo sa akin, gusto kong paulit ulit na marinig."
"Mahal kita..."
"Again!"
"I love you." A smile escaped from her lips.
"And I love you too, so so much! Mahal na mahal kita my sweet Maia! Kung alam mo lang kung paano mo ako muling binuhay. Oh Maia..."
"Rhyan..."
"Wait for me, promise me."
"Saan ka pupunta?"
"Babalik na ako sa destino ko pero babalik agad ako. Aayusin ko ang pagpapa-transfer dito sa Cagayan para mas malapit na ako sa iyo. Pero Maia, sa pagbalik ko sana ay maayos na rin kayo ni Jacob. Akin ka na Maia, please stay with me. Please ayusin mo ang pakikipagtapos sa kanya at bumalik ka sa akin ng buo sa damdmin, isip at pagkatao. Please say you will be mine, please."
BINABASA MO ANG
SGANF #4: First Love
ChickLit"That First Love is the sweetest, ...but that First Cut is the deepest" SGANF #4: MAIA in First Love #76-09.20.17 #22-062217 #89-122116 #754-122016 FOURTH WORK 2014. Book 4 of SGANF Series: Maia Giselle in FIRST LOVE