Chapter 2

9.6K 206 8
                                    

Chapter Two

            Kanina pang five tapos ang klase namin but it’s already almost seven at night. Naunang umuwi si Wella dahil medyo naglakwatsa pa ako kasama ang ilang kaklase ko. Madilim na kaya siguradong sermon na naman ang bungad nina Momsie sa akin nito. I took the shortcut para madali akong makauwi. Inakyat ko yung hindi kataasang pader na bakod sa bahay namin kaysa umikot pa ko, lalo lang ako mapapalayo. Kung bakit ba kasi hindi na lang tibagin ang pader na ito na pumapagitna sa kalye at sa bahay namin nang hindi ko inaakyat eh.

            Sumampa ako sa sirang timba na inilagay ko doon para tuntungan ko sa tuwing sasampa ako sa pader, and from there ay tatalunin ko na lang yung kabila. I like to climb and I like to jump kaya hindi ako makiyeme na ginagawa ko ito. Pero siyempre hindi ko ideya ito, it was my big brother’s doing whenever he tried to take this shortcut. Wala na siya, nasa training ground na siya para maging pulis.

            Pinagpag ko ang aking palda pagkatalon ko. Easy jump! I told myself. Kinuha ko ang aking bag at saka lumakad papunta sa bahay. Natigil ako ng maaninag ko ang isang lalaking nakatayo sa harap ng gate namin na katabi lang ng gate nila. Jacob!

            He watched me walked to our door. I noticed that he even look at his wrist watch and watched me again as I closed the door behind me. Sumilip ako sa bintana at nakita kong pumasok na rin siya sa kanila. He’s weird, I swear! Anong ginagawa nun sa labas?Parang may hinihintay siya.

            “Lagot ka, puntahan mo raw si Tito sa likuran kapag dumating ka na.” bungad ni Wella

            “Sinabi mo bang may group study kami?”

            “Group study ka diyan, eh di sana kasama ako since magclassmate tayo noh.”

            “Bat hindi ka gumawa ng ibang palusot?”

            “Ayoko nga, hindi ako sinungaling noh.”

            “Sinabi ko bang magsinungaling ka, umisip ka lang sana ng ibang dahilan kung bakit ako ginabi.”

            “Sige, next time sasabihin kong nakipagdate ka dun sa college guy na nakilala mo last week.”

            Tinakpan ko ang kanyang bibig. “Ano ka ba, hindi noh. I was with my friends.” Awat ko dito.

            “Whatever, dearest cuz, basta babain mo na si Tito.” Pumanaog ito at dumiretso sa sala para manood ng tv.

            Mabilis akong nagbihis at saka bumaba at dumiretso sa likod bahay. Nandoon si Popsie, kausap nito si Momsie. Nakaupo sila sa sa harap ng mesa. Hindi lang sila dalawa ang nandoon. Mayroon pang tatlong taong nandon. I slowly walked to them hoping my mom would not yell at me dahil nakakahiya sa harap ng mga boarders.

            “Bakit ngayon ka lang? Nasira ba ang relo mo at hindi mo nakita kung anong oras na?” simula ni Popsie.

            Hindi ako makaimik. Ang pinakaayaw ni Popsie ay yung sinungaling. Mahusay pa naman itong imbestigador kaya imposibleng makapagsinungaling ako dito.

            “Sabi ni Wella kanina pa tapos ang group study ninyo, saan ka dumiretso?” tanong naman ni Momsie.

            Nakatingin din sa akin yung mga boarders, at mas lalo akong nainis dahil nakatitig din sa akin si Jacob. Bakit ba hindi pa sila umalis? Hindi ba sila marunong bumasa ng sitwasyon? Hello, pinapagalitan po ako kaya pwede sumibat muna kayo? Sigaw ng utak ko sa mga ito.

SGANF #4: First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon