Chapter 9

5.6K 121 4
                                    

Chapter Nine

            “Tatlo.” Mahina niyang sabi sabay yakap sa aking baywang.

            “Tatlong ano?”

            “Tatlong anak ang gusto ko. Dalawang lalake at isang babae, para may prinsesa tayo. Tapos lahat ng pangalan ay magsisimula sa letter J, at yung middle name naman ay sa M.” he smiled.

            Napasinghap ako sa kanyang sinabi, di makapaniwala sa naririnig mula dito. Pagkuwan ay natawa ako. Napamaang siya at nagtanong kung bakit.

            “Okey ka lang? Wala ka bang sakit? Baka nanuno ka dito ah may nakita pa naman akong punso doon kanina sa dinaanan natin.”

            Inalis niya yung kamay kong dumampi sa kanyang noo at dinala iyon sa kanyang labi at saka hinalikan. “Wala. Bakit, ayaw mong malaman kung ano plano ko para sa aking future family?”

            “Gusto, kung ako ba ang reyna ng magiging prinsesa at mga prinsipe mo eh.”

            Iniharap niya ako sa kanya at saka hinawakan ang magkabila kong pisngi. “Siyempre ikaw lang gusto kong maging reyna ng buhay ko.” Huminga siya ng malalim.

            “Jacob, sabi mo ayaw mo akong umasa pero bakit sinasabi mo iyan? Ikaw rin, baka hindi na talaga kita pawalan.” I joked but deep inside me I know I’m hurting because it feels so impossible.

            “Susubukan ko. Mahal kasi kita.”

            “Huwag kang mangako.”

            “Susubukan ko lang.”

            Niyakap ko siya. Mas masakit marinig ang sinasabi niya dahil feeling ko ay gusto lang niya akong pagbigyan. Na hindi naman talaga lubag sa kanyang kalooban ang pagsabi niyon. Pero ano pa nga ba ang inirereklamo ko, ito naman ang ginusto ko, ang tanggapin kung ano ang kaya niyang ibigay. Huwag ng umasa sa hindi niya kayang ibigay. Sana hindi na lang niya sinabi ito, muli kasing nabuhay ang puso kong maghihintay at aasa sa kanya.

            We kissed, and kissed, and kissed. He did not touch any part of me, and I did not do anything either, mga labi lang namin ang naghalikan, mga kamay na nagyakap at mga katawan na nagdikit, doon lang, ganoon siya kaingat, ganoon siya kadeterminado na walang dapat mangyari at sakit para sa akin iyon dahil hindi ko maintiindihan. Subalit hindi ako namilit, hindi ako nagumpisa, ayoko na kasing ma-reject uli dahil baka hindi ko kayanin ang ikalawang pagkakataon na matanggihan niya uli.

            “Lilipat na kami next week.” Pagkuwan ay singit niya.

            “I know narinig ko kay Wella, narinig niya kay Alex.”

            “Gusto mong tumulong?”

            Napatitig ako sa kanya. “Okey lang sa iyo?”

            “Bakit naman hindi?”

            “Wala lang, feeling ko lang kasi ayaw mong nasa paligid mo ako kapag may ginagawa ka.”

            “Maia naman, nagtatampo ka pa rin ba?”

            I sighed. “Medyo. Sorry, lilipas din ito, hayaan mo na lang muna ako.”

            “Ngiti ka na please?”

            “Hindi naman ako nakasimangot ah?”

SGANF #4: First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon