23

10.4K 98 52
                                    

7 years later...

"Mama" marinig kong tawag saakin ng isang maliit na batang babae.

Napalingon ako dito at nakita ko ang kulot nitong buhok na may kulay pink na laso. Tumakbo ang bata saakin at sinalubong ko rin ito ng yakap.

Parang kailan lang ang liit-liit pa ng batang to. I used to breastfeed this little angel back then but look at her now all grown up. Sa susunod na taon ay apat na taong gulang na ito at mag-aaral na.

Binuhat ko ang bata at agad na pinupug ito ng halik sa labi at pisngi. Bumungisngis ang bata na lalo kong pinanggigilan.

"mama stop na po" sabi niya at pilit na tinatakpan ng maliliit niyang kamay ang sariling mukha

"Mama no!" natawa nalang ako kaya naman pinigilan ko na ang paghalik sa kanya at inayos ang nagulo niyang buhok.

"Sorry darling, mama missed you a lot"

"But my name is not dawling it is Natasha Mawia" maarteng sabi ng bata saakin. Natawa nanaman ako sa kasungitan ng batang ito

"Of course your name is Natasha Maria" pinindot ko ang ilong niya "Darling is just an endearment"

"but i want to be called Natasha Mawia mama" nakasimangot na sabi niya habang kinikilatis ang buhok ko. Halos pisilin ko ang pisngi niya sa sobrang cute niya

"Oh sorry Natasha, starting for today mama is going to call you with your name na" pagsakay ko sa hinaing niya. See she is growing. Parang kailan lang ay takot na takot pa ito pag maiiwan ko at wala pang paki sa kahot anong bagay, ngayon ay nagsusungit na saakin at nagdedemand na ang batang maliit na tawagin ko siya sa totoo niyang pangalan

"Aliyah" narinig ko nanaman ang tila nagrereklamong boses ng lalaki. Nilingon ko ito at nakitang seryoso ang mukha nitong nakatingin saamin.

"Oh no Marco. Dont start with it. Alam mong talo ka saamin ng anak mo" natatawa kong sabi.

"Hindi naman iyon ang sasabihin ko" sabi niya saakin

"Natasha bumaba ka sa mama" lalo akong napangiti sa sinabi niya  "you said you're already a big girl" malumanay na sabi ni Marco sa bata.

Sa totoo lang ay babaeng bersyon ni Marco si Natasha. Simula sa mata, matangos na ilong at manipis na labi. Kaya pagnaiirita ang mukha ni Natasha ay lagi kong naaalala si Marco. Magkamukhang magkamuha ang mag-ama.

"ayoko dada" maliit na boses na sabi ni Natasha bago hinaplos ang mukha ko na natatakluban ng buhok.

Pitong taon na ang nakalipas simula nung lumipad ako paalis sa Pilipinas. Tanda ko pa nuon kung gaano kahirap para saakin na gawin ang bagay na yun. Inabot pa nga ng taon bago ako muling makabalik sa pag-aaral.

Kasama ng mga naiwan ko sa Pilipinas ay ang dalawang buwan kong nalaglag na anak. Magpipitong taon na rin sana siya kung nagkataon.

"M-mama" nanginginig ang boses ko sa panlalambot ipinaliwanag ng doctor na hindi kinaya ng katawan ko at ng bata ang stress.

"Bawal ka ng mastress hija, huwag ka ng mag-isip ng kung ano-ano. Uuwi na tayo sa papa mo" malambing na sabi niya at hinaplos ang noo ko.

Ikinuwento niya saakin na ang ina ko ay matalik niyang kaibigan, habang ang ama ko naman daw ay nobyo niya. Hindi daw sinasadyang may nangyari sa ina at ama ko. Masyado daw nasaktan si Adelfa sa nangyari kaya nagpakalayo-layo. She cut her ties with my parents. Nagpakasal daw ang dalawa ng malamang buntis ang totoo kong ina, matapos ang ilang buwang kasal ay hindi sinasadyang nalaglag ang kapatid ko, lagi daw nag-aaway ang dalawa, sa huli ay umalis daw ang totoo kong ina sa puder ni papa ng hindi nalalamang buntis na siya saakin. Nang muli sana siyang babalik kay papa para sabihin ang balita ay nalaman naman daw ng totoo kong ina na nagkakaroon nanaman ng komunikasyon si Adelfa at ang papa. Nagdesisyon siyang itago nalang ako para hindi makapanggulo. Sobra na daw ang ginawa niyang problema kay Adelfa at sa papa, gusto na daw niyang magpaubaya. After all life is sometimes about sacrificing.

Muling bumalik ang alaala ng anak ko. Maybe my angel is meant to be sacrifice. Hindi ko matatamasa ang ganitong buhay kung hindi dahil sa kanya. She triggers me. Siya ang nagmulat saakin sa realidad na hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ang buhay, may mga panahon na kailangan mo ng dilim at may oras na kailangan mo ng liwanag. It should always equal.

Yes it is a she. Pakiramdam ko lang, alam ko sa sarili kong babae siguro ang anak kong yun kung nagkataon.

"Aliyah" narinig kong tawag ni Marco saakin. Napatulala na pala ako sa kawalan.

"Are you crying again?" pagalit na sabi ni Marco at kinuha ang bata saakin

"H-hindi" sabi ko at wala sa sariling pinaubaya si Natasha sa kanya.

"Yes you're. Sabi ko sayong ayaw ni Tasha na nakikita kang ganan at gumagaya din sayo" pabulong at galit na sabi ni Marco bago ako inakbayan at hinalikan sa noo

"Hindi nga sabi ang pangit mo kabonding e" sabi ko at itinawa nalang ang emosyon ko kanina at muling kinuha si Natasha

Kasabayan ko halos umalis mula sa Pilipinas si Marco. Pinili na ring umalis ng Pilipinas. Sumusunod daw saakin ang loko.

"Gusto mo ng ice cream Natasha Maria?"  natutuwa namang tumango ang bata saakin.

A year ago ay parehas na namatay si Adelfa at ang ama ko dahil sa isang car accident. Nakikita ko iyon bilang suicide dahil saktong sakto ang mga kaganapan. Nang halungkatin ko ang mga gamit nila sa bahay ay nakita kong parehas silang may roong cancer. Ang ama ko sa dugo at si Adelfa naman ay sa breast. Both of their cases is curable. Pero kakailanganin ng malaking pera. Sa totoo lang ay naibenta na lahat ng properties ng mga magulang ko. Ang tanging natitira na lang ay ang bahay dito sa italya.

Wala naring negosyong papatakbuhin dahil naibenta na rin ito ng ama ko. Ang talagang plano nila ay tumanda at mamatay parehas sa italya na nangyari naman. Both of them died happily. Magkahawak pa ang kamay ng matagpuan ng mga paramedics.

May suicide note din dito kasama ang malaking amount ng pera, telling that they willingly did this. Tapos na daw ang journey nila parehas. Mga takot gumastos ng malaki sa pagpapagamot kaya nag suicide nalang para maiwan saakin ang pera. Sa halos 6 na taong kasama ko sila ay naging masaya naman ang buhay namin. Nahanap ko ang pamilyang hindi niya naibigay saakin. Napakagat ako sa labi ng muli ko siyang maalala. How is he? Kamusta na ang anak nila ni Anastacia? Masaya na ba siya ngayon?

May galit sa loob ko. Mahirap magpatawad at hindi ko alam kung kailan ko iyon maibibigay. I am severely injured. Kung wala si Adelfa, ang ama ko, si Marco at ang anak ko ay hindi ko alam kung paano ako makakaahon sa ginawa niya.











Hi! Wait lang nakakaiyak yung gigil niyo last time kay Miguel. Feeling ko tuloy kung totoong tao siya patay na yun ngayon mga mare.

Tas naalala ko pag closure lang talaga yung meron kay Achilles at Marem shutanes iiyak talaga ko hindi pwedeng closure lang since patay na si Dencio, kung hindi siya patay baka kahit wala ng Achilles pero dahil shutay na let Marem and Achilles have each other. Hindi ko kiber pag closure lang talagaaaa.

6/12/21

Are You Pleased? (BB1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon