30

8.7K 125 72
                                    

Hinahangin ang buhok ko ng lumabas ako ng kotse. Ang malamig na simoy ng hangin at ang berdeng paligid isama pa ang makulimlim na kalangitan ay nakikisama sa lungkot na nararamdaman ko ngayon.

Matapos matunton ang hinahanap ko ay agad na ibinaba ko ang hawak kong bulaklak. Umupo ako sa damuhan at pinunasan ang pangalan ang nakasulat na pangalan sa lapida.

Ako ang humiling na sana ay mailibing ang bata katabi ng totoo kong ina.

Serenity Castello

Natigilan ako at hinawakan ang huli niyang pangalan. Hindi dapat ito ang apelyido niya.

Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at ipinunas sa lapida. Kasabay noon ay ang pag-agos ng luha ko. Sa loob ng libingan na to ay ang dalwang taong hindi ko man nakasama ng matagal ay alam ko namang nagmahal saakin.

Malamang na nasa langit na ang nanay ko at ang apo niya. Siguradong inaalagaan niya na ito kasama si Adelfa at ang papa.

Minsan iniisip ko kung paano kaya kung hindi namatay ang totoo kong ina? Ano kaya ang mangyayari saakin ngayon? Makikilala ko ba si Miguel? Paano kung hindi nalaglag si Serenity? Paano kung hindi ako niloko ni Miguel, buo ba kami ngayon?

Humikbi ako at napasubsub sa mga tuhod ko. Ngayon na lang ulit ako umiyak ng ganito. Makalipas ang ilang taon ngayon ko na lang ulit naramdaman ang pangungulila ko sa anak at ina ko.

Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng isang tawa mula sa batang babae.

"papa did you brought my toys? You should po because i will show it to ate. I think she also loves pony" napalingon ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses ng bata at nakita ko si Amelia at Miguel na papunta sa direksyon ko.

Buhat buhat ni Miguel si Amelia at ng mapansin ako ay nagmadali itong bumaba sa ama at tumakbo saakin.

"Mama!" buhay niyang sabi. Hindi ako nakapaghanda sa yakap niya at halik.

"why are you crying mama?" hindi ako nakasagot dahil diretso ang tingin ko kay Miguel. "Are you crying because of ate?"

Tumigil si Miguel sa gilid namin ni Amelia. Hindi siya makatingin ng diretso saakin.

Dahan-dahang umakyat ang galit ko. Ang kapal ng mukha niya. Bumalik sa ala-ala ko lahat ng sinabi niya sa anak ko at heto siya ngayon. Apelyido pa niya ang nakalagay sa lapida ng anak ko.

"Mama" sabi ni Amalia pero hindi ko na iyon pinansin. Pinunasan ko ang mga luha ko. Gusto kong sampalin si Miguel ngayon. Gusto kong tanungin sa kanya kung bakit niya nagawa saakin yun? Bakit dinamay niya ako at ang sarili niyang dugo at laman.

Gusto ko siyang sigawan pero hindi pwede. Nasa harap namin ang anak niya.

Tumingin ako kay Amalia. Si Serenidad dapat ang nasa posisyon niya ngayon. Agad kong tinanggal kung ano ang iniisip ko. Hindi kasama dito ang anak niya.

Siguro ay napansin ni Miguel ang panlilisik ng mata ko kaya agad na kinuha niya si Amalia saakin at binuhat bago ito binulungan. Tumango-tango ang bata at nakangiting bumalik sa pinanggalingan nito. Duon sumalubong ang babaeng sa tingin ko ay yaya ni Amalia.

"hindi ko alam na pupunta ka ngayon dito" sabi ni Miguel. Napakuyom ako sa aking kamay.

"Do i need your permission Miguel?" malamig kong sabi. Umiling ang lalaki at nakatingin lang din sa lapida.

"Is my child worth dying?" may galit sa tanong ko "Umayon ba sayo na patay na ang bastarda mo?" galit ko na sabi. Tumayo ako sa pagkakaupo at tinapatan siya. "Nagustuhan mo ba ang resulta ng pananakit mo sa amin?"

"nawalan kana ng sagot" hindi ko alam kung bakit ngayon nagsisibuhusan ang galit ko.

"umayon ba sa gusto mo Miguel!" sigaw ko. Hindi na ako nakapagtimpi.

"Sumagot ka Miguel!"

"Masaya ka ba na namatay ang anak mo, na pinatay mo ang sarili mong anak" nagsibuhusan na ang galit ko.

"Oo" buo niyang sabi bago ako tiningnan sa mata. Napaluha ako sa sinabi niya at hindi ko na napigilan ang pagsampal ko sa kanya.

Sa sobrang lakas nuon ay nanakit din ang sarili kong kamay. Hinampas ko ang dibdib niya ng malakas at sunod-sunod. Hinahayaan lang niya ako at hindi pinipigilan.

"Hayop ka!" galit at humahagulgol kong sabi

"gago ka napakasama mo! You're the worst person ive ever known! sarili mong anak yun Miguel. Anak nating dalawa!" sabi ko

"kasalanan mo to!" sisi ko sa kanya "Kasalanan mo kung bakit namatay ang anak ko" nagwawala pa rin ako

"Kung hindi ka gago hindi yan mamamatay, malaki na dapat siya ngayon. Katulad na dapat siya ni Amalia" umiiyak kong sabi. Sinusubukan na akong yakapin ni Miguel pero hindi ko siya hinahayaan lalo akong nagwawala. Ang kapal ng mukha niya.

"the child died, all we can do is accept that" sabi niya na lalong nakapagpawala saakin

Tiningnan ko siya ng masama at ng akmang sasampalin ulit sana siya ay natigilan ako at nanlamig nakita ko si Amalia na nakatingin saamin. Agad siyang tumakbo sa ama niya at yumakap sa mga hita nito ng mahigpit bago ako tiningnan habang naiiyak.

"Bad ka. I dont want you to be my mama!" sabi niya na nakapagpaatras saakin.

"Bad ka! Bad ka! You're hurting my papa" sabi niya at humagulgol.

"Ayoko na sayo!"sabi niya magkasalubong na ang mg kilay at nakasimangot.

Tiningnan ko si Miguel at nakita ko ang pamumula ng dalwang pisngi niya. May kalmot pa ako sa mukha niya at siguradong kung titingnan ang dibdib niya ay namumula narin ito dahil malalakas ang hampas ko sa kanya.

"A-amalia"

"I dont want you to be my mama. Ayoko na sayo" nasaktan ako sa sinabi ni Amalia at nanghina.

"No princess, hindi ako sinasaktan ni mama" sabi ni Miguel at binuhat ang bata.

"No i saw it. She is hurting you, she slapped you here" turo niya sa pisngi ng ama "and she punched you here. I dont like her anymore" sa dibdib naman ito tumuro "Let's go home na papa. I dont want her to hurt you! Ayoko na sa kanya! " napaatras akong lalo dahil rinig ko ang galit sa boses ni Amalia. Tumulo ang mga luha kong lalo bago ako tumakbo papasok sa kotse at pinaandar iyon. Habang nagmamaneho ay umiiyak ako ng naramdaman kong malayo na ako sa sementeryo ay itinigil ko sa gilid ang sasakyan at duon na nagsimulang humagulgol.

Bakit nasasaktan din ako sa nakita ko. Bakit nasasaktan ako sa ginawa ko kay Miguel. Bakit nasasaktan ako nung nakita ko ang galit sa mukha ni Amalia.










Nananakit ulo ko sa mga to e. Ang daming arte.
6/22/21

Are You Pleased? (BB1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon