25

9.2K 101 25
                                    

"why did you request a spaghetti for dinner honey, I thought you didn't like it?" tanong ko kay Lorenzo habang pinakukuluan ko ang pasta.

"Natasha loves it" he simply answered. "Mama, can you put a lot of cheese in it?" dagdag na tanong niya habang tinitingnan ang ingredients sa counter.

"Yes, of course" ngumiti ako sa kanya ng matamis. He's not that cold afterall. My baby is still sweet. Kahit papaano ay may namana rin saakin ang anak ko.

Halos matunaw ang puso ko tuwing nakikita ko si Natasha at Lorenzo na naglalaro, kung paano niya alagaan si Natasha at kung paano nito intindihin.

Kung nandito lang ang anak kong babae. Maybe she is as joyful as Natasha. Maganda rin siguro ito at puno ng buhay ang mata. Pero kung hindi nawala ang anak kong babae ay baka wala rin akong Lorenzo ngayon.

"mama" muli akong napalingon sa direksyon ni Lorenzo at nakita ko ang pamilyar na ekspresyon at itsura.

"Can you smile please" nagloloko nanaman ang anak ko. Ngitian ko siya at tinaas niya ang dalawa niyang kamay at umaktong kumukuha ng larawan.

"Now i captured how pretty you're" lalo akong natunaw sa sinabi niya kaya naman niyakap ko si Lorenzo. Sakto namang dumating si Natasha

"Why am in not kasali?" agad na tumakbo ito at sumiksik sa pagitan namin ni Lorenzo at yumakap din.

"mama" si Natasha naman "Enz--" hindi pa man niya natatapos ang pangalan ni Lorenzo ay tiningnan ko na siya ng masama

"Kuya Enzo's birthday is near!" may halo pang irap at diin sa kuya ang pagakaksabi niya

"How old is kuya na?" tanong ko kay Natasha

She raised both of her hands, showing her 7 fingers.

"Kuya is old already " natatawang sabi ni Natasha. Napailing nalang si Enzo at bumitaw na sa pagkakayakap bago hinatak ang kamay ni Natasha

"Let mama cook our food, let's just play outside" lumabas na ang dalawa at nagtungo na kay Marco.

Habang hinahanda ang lamesa ay muling tumawag si Aleen. Tinapos ko muna ang ginagawa ko sa lamesa bago ako lumabas para muling masagot ang tawag niya.

"bakit mo binaba?!" tanong niya. "at sino yung kausap mo kanina"

"nagulat kasi ako kaya naibaba ko, si L-lorenzo iyon" sabi ko

"Oh akala ko kung ano" sabi niya at biglang natunugan ko nanaman ang lungkot sa boses niya "Ayun na nga si Alicia Castello, masama na ang lagay sa ospital"

"Paano mo nalaman?"

"Sinabi ng asawa ko saakin. Nagkita sila ni Miguel kahapon" napakunot ang noo ko

"Yes, i know until now hindi ko pa din alam kung paano naging close ang dalawa, siguro dahil sa trabaho" sabi ni Aleen

"Close na sila?" hindi ko malaman ang isasagot ko. Nanginginig ata ang buo kong katawan.

"oo dinadala nga ni Miguel ang anak niy--" pinutol agad ni Aleen ang sasabihin niya at agad na tumikhim

"Pasensiya kana. Ayos ka lang ba?" tanong ni Aleen. Malungkot akong ngumiti kahit hindi niya ako nakikita

"Ayos lang" napalunok ako sa aking narinig. Muntik ko ng makalimutan. "ibaba ko na ang tawag Aleen" mahina kong sabi

Habang tinatapos ko ang ginagawa ay hindi naaalis ang pag-aalala ko kay Alicia.

Katulad ng sinabi ko ay kahit hindi kami ganoong tuluyang naging malapit ni Alicia sa isat-isa ay napamahal na siya saakin. Muli akong napalunok at napasuklay ng buhok ng  maalala ko nanaman ang huling sinabi ni Aleen.



"right mama?"

"Mama!" ulit na tawag saakin ni Natasha nakita kong nakatingin na ang tatlo saakin

Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan habang nagkukwento si Natasha kung ano ang ginawa namin ng nakaraan. Ang isip ko ay lumilipad patungo sa mga nangyayari sa Pilipinas

"H-ha? I didn't hear your sorry darling"

"we ate ice cream the last, last day and we read books and we ate again" diin na sabi ni Natasha. Halos mapangiti ako dahil nanlalaki ang bilogan nitong mata.

"Yes" sabi ko at nabahiran ng malarong ngiti ang labi "We... Ahm we ate ice cream, we read books and we ate again" ulit ko sa sinabi ni Natasha at tumango tango pa.

Napalingon ako sa direksyon ni Marco at nakita ko ang serysoso nitong tingin na agad kong iniwasan.

"Dapat kasi Enzo you didn't went to your school muna" dagdag ni Natasha bago muling sumubo ng pasta. "You didn't have the chance to eat ice cream with us tuloy" Tiningnan lang ito ni Lorenzo at napailing-iling na lang bago kinuha ang napkin ni Natasha at ipinunas sa labi nito

"Try eating your food without a mess" nailigaw nun ang isip ko. What a dominative young man 

"Kuya is Right Natasha" i smiled at her sweetly. Tumango ang bata at inagaw ang napkin kay Lorenzo at ito na ang nagpunas ng sariling mukha.

Pagkatapos kumain ay iniakyat ko na ang mga bata habang si Marco naman ang naglinis ng pinagkainan namin. Inayusan ko si Natasha bago inihiga sa kama nito at tsaka pinuntahan si Lorenzo. Maayos na ang itsura nito at nakapantulog na.

Nilapitan ko ito, niyakap at hinalikan sa noo.

"Goodnight hijo"

"Goodnight mama, ti amo" humalik ang anak ko sa aking pisngi.

"ti amo anch'io" i love you too, malambing na sagot ko

Humiga na si Lorenzo sa kama kaya kinumutan ko ito. Gusto kong umiwas sa mga tutok na tingin niya dahil may naalala ako pero hindi ko magawa.

"Matulog kana anak" sabi ko bago niya ipinikit ang mga mata niya. Agad na nawala ang kaba ko dahil duon. Pero hindi nagbago ang bilis ng pagtibok ng puso ko dahil sa itsura niya.

Iniwan ko ang mga bata na tulog na bago ako pumanhik pababa para malapitan si Marco na kakatapos lang maglinis.

"Anong problema" tanong niya saakin.

Umupo ako sa upuan ng sala at sumandal duon. Nilapitan ako ni Marco at inabutan ng gatas. Agad na nasapo ko ang noo ko dahil hindi ko na pala nabigyan ng gatas ang mga bata dahil sa iniisip ko.

"Its fine, mga tulog narin naman napagod siguro" sabi ni Marco. Tumango ako at inabot ang basong hawak niya.

"Si Alicia" napaiwas ako ng tingin kay Marco. Alam ko ang iniisip niya. "n-nag-aalala lang naman ako" tumango si Marco at hinaplos ang buhok ko

"You can go home" sabi ni Marco at ngumiti saakin. But this is already my home. Gustong kong sabihin. Through out the years, Marco and i build a great relationship. Kung wala siya sa tabi ko ay hindi ko alam kung paano ako makakabangon.

"Hindi pwede walang mag-aasikaso sa mga bata at hindi ko sil--"

"I can do that Aliyah. Iwan mo muna ang mga bata saakin. Puntahan mo na si Alicia sa Pinas. Alam kong marami ka paring aasikasuhin dun. Hindi ba at tutubusin mo ang bahay na isinangla ng magulang mo noon ng nagkaproblema dito"

Napatango ako kay Marco.

"Pero paano kung--" agad na umiling si Marco at hinawakan ang kamay ko.

"We are old enogh Aliyah. Alam na natin kung anong makakabuti saatin at makakasama"










Hiiii mga mare. Feeling ko lang ito yung kauna-unahang story na matatapos ko kasi naeenjoy ko siyang isulat kahit parang tanga minsan kaya ayun, after i finished this (kung matatapos ko nga) ieedit ko yung buong story. Babaguhin ko yung ibang detalye, like the age and some scenes. Ganun parin ang magiging takbo niya gagawin ko lang na mas may moralidad? Basta yun yung term ko. I want this story to be as decent as possible. Natatakot ako kasi prone sa kapahamakan ang story na to. Yun lang tas wag niyo na murahin si Miguel jusme.

6/16/21

Are You Pleased? (BB1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon