26

8.7K 141 57
                                    

Dalwang araw matapos ang pag-uusap namin ni Marco ay lumipad ako paalis ng Italya at umuwi sa Pilipinas.

Sinalubong ako ni Aleen at pansamantalang sa kanila, titira habang inaasikaso ko ang pagtubos sa dating bahay nina mama at papa dito.

Hindi ako sigurado kung makukuha ko pa iyon dahil isinanla iyon 7 taon na ang nakararaan. Ginamit namin ang pera nuong nanganak ako kay Lorenzo dahil nagkaroon ako ng komplikasyon. Katulad ng sinabi ko noon ay pabagsak na ang negosyo ni papa at mama kaya ginipit kami sa pera, bahagya nalang kaming nakabawi matapos ang isang taon.

Tinakbo ako ni Aleen at agad na niyakap. "namiss kita" sabi niya, at naramdaman ko iyon sa yakap niya.

sa likod niya ay isang matangkad na binatilyo. Seryoso ang tingin ng mga mata nito habang akay-akay ang isang batang babae na sa tingin ko ay kaedadaran lang ni Natasha.

"Mga anak greet your tita" sabi ni Aleen. Yumakap parehas saakin ang mga bata bago kami lumabas ng airport at sumakay sa kotse nila.

Naninibago ako sa mga nakikita dahil sa loob ng pitong taon ay madami na ang nagbago. Napakaikling oras lang nun at hindi ako sigurado kung ano ang madadatnan ko sa pag-uwi ko ngayon.

Pagkadating namin sa bahay nila ay agad akong dumiretso sa isang kuwartong inihanda para saakin ni Aleen. Tinawagan ko ang tatlo sa Italya at nagulat ako sa nabungaran ko. Magkakatabing matutulog ang tatlo ayun sa plano nila. Natatawa naman ako dahil nakita kong maluha-luha ang mata ni Natasha at nagsusumbong. Ang ama at kuya niya daw ay hindi siya binigyan ng ice cream. Masama kong tiningnan ang dalawa na tatawa-tawa lang ibinaba ko ang tawag matapos makapag-paalam.

Pinilit ako ni Aleen na magpahinga daw muna kahit saglit, tsaka daw kami magkuwentuhan kapag may lakas na daw ako. Ginawa ko ang sinabi niya, at hindi namanlayang umaga na pala ako nagising. Tumawag ulit ako sa tatlo upang mangamusta. Matapos iyon ay bumangon na ako at naligo bago narinig ang mga katok sa pintuan ko.

Binuksan ko iyon at bumungad ang nakangiting si Aleen. Napansin kong may alangan sa mga ngiti niya na ipinagsawalang bahala ko nalang.

Pagkababa namin sa dining area ay nakita ko ang asawa ni Aleen. Ngumiti ako dito at ngumiti rin ito pabalik saakin. Bahagya lang itong nagtanong at sinagot ko naman iyon.

Nang maupo kami sa upuan ay dumating ang dalwang anak nila kasama ang isang batang babae. Naagaw agad nito ang atensiyon ko dahil pamilyar ang features nito.

"S-sorry Aliyah hindi ko alam na pupunta si Amalia" tukoy niya sa bata. Sa itsura palang nito ay malalaman mo na kung kaninong anak ito.

"Isinama kasi siya ng asawa ko kahapon. Kadalasan naman ay tuwing sabado at linggo lang nandito ang bata, kapag walang pasok" awkward na sabi niya na ikinailing ko. Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sa bata.

Nakatingin lang ito sa sahig at nakasimangot. Maganda ang bata pero hindi katulad ni Natasha ang mata. Wala iyong buhay, ngunit ng dumako ang mga mata niya saakin ay natigilan ito, nanlaki ang mga mata, at agad na tumakbo papalapit saakin

"Mama!" nagulat ako sa narinig ko dahil yumakap ang batang babae saakin at biglang umiyak. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Tila natigilan din lahat ng tao sa paligid ko.

Humikbi ang bata at lalong yumakap saakin.

"are you coming back to us?" narinig kong usal niya sa pagitan ng paghikbi niya.

Akmang ilalayo siya ni Aleen saakin pero pinigilan ko ito. Nandyan nanaman ang nag-aalangan na tingin niya saakin.

Niyakap ko ang bata pabalik at hinaplos ang buhok

"Ayos lang" i mouthed to Aleen, then i smiled

Pinunasan ko ang luha ng bata at tila nagkaroon ng kulay ang mga mata nito. Nagliliwanag ang itsura nito kahit na umiiyak.

Ilalayo ko sana ang bata saakin para sana makakain na kami pero ayaw umalis nito sa tabi ko, nanatiling nakayakap ito saakim. Alanganing napakagat ako sa sarili kong labi. Hindi ko matukoy kung ano ang nararamdaman ko.

We ended up eating while she is seating in my lap. Malambing ang batang babae saakin at tila kilalang-kilala na ako nito, kumportable na agad ito at aakalain mong matagal na kaming magkasama dahil nagkaroon kami ng sarili naming pag-uusap.

Hindi tuloy makapagsalita si Aleen at ang asawa nito. Parang mga nagulat din sa nangyayari.

Sa maikling oras ay nakaramdam ng warm ang bata saakin at ganun din ako sa kanya.





"Iniiwan ni Miguel ang bata sa inyo?" wala sa sarili kong tanong.

Kasalukuyang pinapanood lang namin na naglalaro ang tatlong bata. Ang binatilyong panganay ni Aleen ay nakaalalay sa dalwang batang lumalangoy sa pool.

Nagdesisyon ako ngayong araw na hindi muna lumakad papunta sa kung saan. Sa hindi malamang dahilan ay gusto ko pang makasama ang bata.

"oo" sagot ni Aleen bago uminom ng juice

"N-nasan ang nanay niya?" mapait kong tanong.

"Hindi ko alam" sabi ni Aleen bago bumalik ang tingin nito saakin.

"Iyon ang pangalwang beses na nakita kong masayang kumain ang bata Aliyah" may ngiti sa labi ni Aleen. "Kadalasan ay wala yang gana. Pahirapan pang pakainin" sinuklay niya ang buhok niya gamit ang daliri

"H-hindi ba inaasikaso ni M-miguel?" tanong ko. Tumingin ako kay Amalia at kumaway ito saakin. Kumaway din ako dito bago ngumiti.

"Inaasikaso. Pero kulang ang oras, kadalasan ay nasa opisina siya. The man is having a hard time being a single parent. Kaya nga minsan ay isinasama na ng asawa ko dito ang bata."

Halos mapairap ako sa sinabi ni Aleen. Ganto rin ang ginagawa ni Miguel saakin nuon. I cant believe he is doing it again, ang kaibahan lang ay sarili na niyang dugo at laman ito.

I understand that way back then he is still  young. Bata pa siya noon at walang alam sa pag-aalaga ng bata pero ngayon? Alam kong aware na siya sa mga dapat at hindi dapat gawin ng isang responsableng magulang. Sana ay binibigyan niya ng oras at panahon ang anak niya.

Nakita siguro ni Aleen ang galit ko "mahal ni Miguel ang bata Aliyah. Nakita ko minsan kung paano niya asikasuhin si Amalia. Sadyang nakukuha lang ng oras ng trabaho ang araw niya minsan"

Nagkibit balikat lang ako. Nagagalit ako kay Miguel. Hindi ko alam kung nagagalit ba ako dahil hindi niya inaasikaso ng tama ang bata o kung ano.

Maya-maya ay tumakbo si Amalia saakin at muling sumampa sa hita ko paharap.

Titig na titig ang bata saakin na parang mawawala ako kapag napalingat siya kahit saglit.

"Mama" i dont have the heart to tell her that i am not her mother. Baka lalong madurog ang puso ko.

"papa told me that you're not coming back to us" rinig ko ang lungkot sa boses niya " he lied. i know you're coming back because you love me" yumakap siya saakin ng mahigpit.

Hindi ko namalayang nakayakap narin ako pabalik sa kanya.

Ilang segundo pa at biglang nagsalita si Amalia "Papa!" umalis ito sa hita ko at agad na tumakbo. Napatingin ako sa direksyon ng pinuntahan niya at agad na nanlamig ang sistema ko.




Gusto ko na rin matapos to, baka tamarin nanaman ako. Ay tekaaa baka din di muna ako makareply sa comments. Pero binabasa ko sila mga mare. Naririnig ko ang hinaing niyo hahahhaha jusko.

6/17/21

Are You Pleased? (BB1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon