33

9.1K 117 45
                                    

Nang igalaw ko ang katawan ko kinabukasan ay naramdaman ko ang init ng katawan ni Miguel sa balat ko.

Nakabalot ako sa braso niya at parehas na nasa ilalim ng kumot ang mga katawan namin. Malinis na ang katawan ko at hindi nanlalagkit.

Napangiti ako sa nakikita kong peace sa mukha ni Miguel. Siguro ay nakatulog ng maayos ang lalaki. Dapat lang.

Tinanggal ko ang yakap niya sa katawan ko at kinuha ang mga gamit ko.

"Love" narinig kong sabi niya lumingon ako sa kanya habang nagbibihis ako. Matamis akong ngumiti sa kanya.

"goodmorning" good nga ba?

"Where are you going?" sabi niya nakakunot  ang noo at muli siyang napapikit ng mata at nagkusot.

Sinuot ang sapatos ko. Hindi ko na makita kung nasaan ang undies ko.

Nagmulat siya ng mata at napaupo.

"Where are you going" ulit niya  sa tanong.

Nagkibit ako ng balikat at isinakbit ang bag ko. Papunta na ako sa pinto ng marinig ko muli siya.

"Aliyah Serenidad!"

Nilingon ko siya. "what?" malaro kong tanong "Oh right" ngumiti ako sa kanya "i forgot to thank you" mahina akong tumawa at lumapit sa kanya gumapang sa kama at hinalikan siya sa labi.

"Thank you Miguel" sabi ko at tinapik ang pisngi niya "Still as good as before, pero kung nandito si Marco ay mas pipiliin ko siya" sabi ko at bumaba ng kama niya. Napatulala pa siya sa sinabi ko at nakakita ako ng sakit sa mata niya, wala na ang peace na nakita ko kanina. Makatulog ka pa kaya?

"What the hell is happening Aliyah!" tanong niya saakin

"we fucked, like before?" biro ko sa kanya. I saw pain in his eyes.

"A-akala ayos na" nakakagulat ang ang pagkautal ni Miguel

"Ayos? What do you mean by ayos? We are both under heat last night. We fucked that's it. Nothing more, nothing less ikaw lang naman itong madaming pinagsasabi" sabi ko at nakita ko ang pagbuka ng labi ni Miguel. Tila gustong magsalita pero hindi alam ang sasabihin.

Nang mahawakan ko na ang door knob ay muli ko siyang nilingon. "ikaw muna hanggat hindi pa nauwi si Marco. Pwede ba yun?" natatawa kong sabi at nakita ko ang dahang-dahang pag akyat ng galit sa mukha niya, mula sa sakit. I know Miguel. Damn me. Muli akong ngumiti.

Kumaway pa ako sa kanya bago tuluyang umalis sa loob ng kuwarto niya. Lumabas ako ng bahay niya at nag-antay ng taxi. I did it. Finally. Kulang nalang ay ipamukha ko kay Miguel na palipasan lang siya ng init, na katulad ko noon ay ganun din ang posisyon niya ngayon, Anong akala niya sakin mauuto niya ako? I can say that i acted very well. Worth it lahat ng galit ko ng makita ko ang sakit at pagkapahiya sa mukha niya.

Pagkasakay ko sa taxi ay muli akong ngumiti sa sarili ko. Kinuha ko ang cellphone ko at idinial ang numero ni Marco.

"Hello" i need him. Kailangan ko siya ngayon.  "What happened?"

"Mister" tatawa-tawa kong sabi, kahit ang totoo ay sa loob-loob ko ay may nararamdaman ako

"O bakit Misis" tumawa din siya. Ramdam ko ang pag-iling-iling niya "Nababaliw kana dyan?" dagdag ni Marco. Dahan-dahang lumulukob saakin ang konsensiya

"sorry Marco" bulong ko

"Anong sinabi mo? I didn't hear you"

"Wala. Sabi ko namimiss ko na kayo ng mga bata" malungkot kong sabi. Kailangan ko siya, kailangan ko ng kausap. Iyong matagal na matagal. Kailangan ng maalis sa isip ko ang nangyari kahapon.

"Namimiss ka narin namin" sabi ni Marco saakin. Bukal sa loob na napangiti ako, bahagyang nabawasan ang bigat ng loob ko ngunit nakokonsensiya pa rin ako.

"Aasikasuhin ko yung bahay ni papa dito" paalam ko sa kanya.

"iyong naisanla?" tanong niya.

"Oo. Susubukan ko lang kung kaya pang tubusin. Sayang" kahit papaano ay may memories duon ng totoo kong ina.

"Okay, kailangan mo ba ng kontak sa lawyer niyo dati?"

"No huwag na meron na ako. Asikasuhin mo nalang ang mga bata"








Nang makarating ako kay na Aleen ay agad ko siyang nabungaran sa harapan ng pintuan at tila inaantay nga ang pagdating ko.

"Jusko kang babae ka saan ka nagpunta!" tanong niya.

"Dyan lang. Bumalik parin naman ako na buo Aleen" sabi ko sa kanya. "aakyat muna ako Aleen" inirapan niya lang ako.

Natawa nalang ako at nilapitan siya bago siya hinalikan sa pisngi. Nanlaki ang mata niya ng dumapo ang tingin niya sa leeg ko.

"Por dios ano yan!" itinuro niya iyon

Tinakpan ko iyon agad at tumakbo na pataas at inilock ang pinto ng kuwarto na tinitigilan ko.

Ibinaba ko ang bag ko at hinubad ang suot kong bistida. Wala akong suot sa ilalim nun kaya naman hubad na hubad ang katawan ko. Tiningnan ko sa salamin ang katawan ko at nakita ko ang marka ni Miguel saakin.
Bawat bahagi ng katawan ko ay minarkahan niya. Napalunok ako at agad na iniwasan ang emosyon na hindi ko dapat nararamdaman ngayon.

Nasakin pa din ang amoy ni Miguel kaya naman naglakad ako papunta sa bathroom. Binuksan ang tubig sa bathtub at itinimpla ang tubig. Ng tama na ang temperatura at ng mapuno na iyon ay dahan-dahan kong inilubog ang katawan ko sa tubig. Tsaka ko lang naramdaman ang pananakit ng bahagi ng mga katawan ko lalo na sa pagkababae ko.

Napapikit ako at napasandal ang ulo sa edge ng bathtub. Miguel is a good lover. He made love to me and i am satisfied. Satisfied hindi lang dahil sa nangyari samin kagabi kung hindi dahil rin sa reaksyon niya ngayong araw. Dapat na matuwa ako. Dapat na masaya ako. Iyon ang hinihiling ko ng ilang taon. Ang makitaan ng sakit ang mukha niya.

Iminulat ko ang mata ko at nagsimula ng maglinis. Kada bahagi ng katawan kong nahalikan at nahawakan ni Miguel ay pinunasan at kinuskus ko. Sinusubukang mailigaw ang iniisip ko at makalimutan ang haplos niya kahit na para bang impossible ito.

Matapos kong maglinis ay bumaba ako at sakto lang ako para sa almusal.

Napapailing nalang si Aleen saakin. Tinakpan ko na ng concealer ang mga marka ni Miguel kaya wala na siyang makikita.

"You have a lot of explaining to do" sabi ni Aleen.

Napatawa nalang ako sa kanya. She sounds like a mother.

Habang kumakain kami ay lumapit ang bunso saakin ni Aleen at Abrius at may ibinigay saakin.

"What's this?" i asked her pero tumakbo na siya pabalik sa upuan niya.

Tiningnan ko ang papel. It is a picture.

"Where did you get that anak?" narinig kong sabi ni Aleen sa anak niya.

"Amelia" sagot niya at lumapit kay Abrius at kumalong sa ama.

Tiningnan ko ang larawan. It is a picture of a baby and a lady. Nakangiti ang babae sa picture habang buhat-buhat ang isang sanggol. Nakahospital gown ito habang nakaupo sa kama.

"N-nasaan si Lucille?" nanginginig ang boses ko.

"Lucille? You mean Miguel's ex?" tumango ako sa tanong ni Aleen

"Nasa ibang bansa" sabi ni Abrius.

"Does she have a family?"

"May pamilya na. Bakit?" siya pala ang tinutukoy ni Miguel. "Pero ang alam ko divorced na siya at uuwi na dito. We actually have a business meeting. Siya na ang papalit sa tatay niya"

How can i forget her. Muntik ko ng makalimutan na halos pakasalan niya na ito. Siya pala ang tinutukoy ni Miguel. Siya yung nanay ni Amelia. Lalo akong nagalit kay Miguel. Lalong nag-iinit ang ulo ko sa kanya.







Beach.
6/28/21

Are You Pleased? (BB1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon