31

9.1K 153 37
                                    

The loud music inside the club and the alcohol doesn't really help. Nandito padin yung sakit. Paulit-ulit ko pa din na naaalala ang mukha ni Miguel at Amelia.

Napapikit ako at napasapo sa sariling mukha. When was the last time i went to this kind of place? Nuong nagalit rin ata ako sa kanya? I was young back then. Ngayong matanda na ko parehas pa din ang epekto niya sakin.

Kaya niya pa rin akong saktan, may ginagawa man siya o wala.

Pinunasan ko ang mga luha ko bago ko muling ininom at inubos ang alkohol na nasa baso ko. Dapat na nag eenjoy ako.

Ramdam ko na ang dahan-dahang pag epekto sakin ng alkohol. Tumayo ako at pumunta sa dance floor. Maybe i just need to dance, baka mahawa ako sa positivity ng mga tao dun. Napatawa ako sa naiisip ko pero ginawa ko pa din.

Hindi na tuwid ang lakad ko pero naratimg ko pa din ang gusto kong puntahan. Good thing i am wearing a knitted black dress. Hindi nakakahiya ang damit ko.

I raised my hand up in the air as i swayed my hips, i let my other hand move through my body, as i close my eyes i felt a hands behind my waist

"Are you alone miss?" mababang sabi ng lalaki sa likuran ko. Sino ba to?

"Yes" i confidently said.

"You want to have some fun?" muli niyang tanong. Ramdam ko na ang mainit na hininga niya sa tainga ko, tanda na sobrang lapit na namin sa isat-isa.

Pero bago ko pa man masagot ang tanong niya ay may humila na saakin.

"Damn what's your problem!" narinig kong sabi nung lalaking nakahawak sa bewang ko kanina.

"You're flirting with my wife stupid!" sabi nung humila sakin.

Oh i know this man. This is Miguel. Natawa naman ako sa sinabi niya.

Napaatras ang lalaking nasa likod ko kanina. Si Miguel naman ay tuluyan na akong hinila paalis sa dance floor.

"you're not my husband" sabi ko at tinanggal ang hapit niya sa bewang ko pero hindi ko kaya. Masyado siyang mas malakas saakin.

"Sino ka ba?" natatawa kong tanong.

"Aleen and your husband called me Aliyah. for god sake, we are all worried. Nag-alala ako sayo" natawa ulit ako sa sinabi niya dahil galit na galit siya.

"Teka bakit nagagalit ka at nag-aalala asawa ba kita?" tanong ko sa kanya. Nag igting ang mga panga niya, suddenly his eyes is in blood shot. Tuluyan niya na akong binuhat palabas.

"hey my bills, and my things!" sabi ko at sinubukang bumaba pero hindi niya ako pinayagan

"i fixed it already. Damn it dont move!" sabi niya

"oh thank you!" sabi ko at nahihilong isinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Nang nasa labas na kami ay may pinindot siya. Tumunog ang kotse niya at pinuntahan namin yun.

"I have my car. Pano yung kotse ko?" tanong ko sa kanya.

"ako ng bahala" nagtitimping sabi niya.

Nang maipasok niya ako sa kotse ay siya naman ang sumunod.

Lalo kong nakita ang pag- sasalubong ng kilay niya.

"You're not a teen anymore Aliyah! You already have a husband and you are letting other people touch you! nag-iisip ka ba? Paano kung iuwi kanun!" galit niyang sabi.

Ang mga kamay ay mahigpit na nakakuyom sa manibela.

"bakit nagagalit ka are you jealous? Hindi naman ikaw ang asawa ko e. " sabi ko at isinandal ng ayos ang katawan ko sa upuan.

Huminga ng malalim si Miguel at napatagilid ang ulo. Nakita ko ang pagdiin ng dila niya sa kanyang pisngi. Galit ba siya?

"Sino ba yung asawa ko?" muli kong tanong sa kanya at tiningnan siya sa mata.

I saw pain in his eyes when i asked him.

napadila siya sa mga labi niya at bumuntong hininga bago inistart ang kotse.

"Put your seat belt on" utos niya na hindi ko sinunod.

"Sinong asawa ko?" tanong ko ulit sa kanya.

Hindi niya na ako matingnan sa mga mata.

"Marco" mababang sabi niya at siya na ang nag ayos ng seatbelt ko.

Tumawa ako ng malakas dahil bigla akong may naalala

"Seat properly" utos niya pero hindi ko siya pinakinggan. Natatawa pa ako

"ah si Marco yung pinagseselosan mo dati"  sabi ko. Napailing nalang siya at mahigpit at napahawak sa manibela. Nakita ko rin ang pamumula ng mata at mukha niya, mukha na rin siyang pagod.

Umalis na kami dun. Pinikit ko ang mga mata ko at muling bumalik sa ala-ala ko ang dahilan kung bakit ako nandito. Nagsimula nanaman magsituluan ang luha ko.

Habang nasa biyahe kami ay hindi ko matigilan ang pag-iyak. Nandyan nanaman siya. Katulad ng dati, kapagnasanay nanaman akong nandyan siya iiwan nanaman niya ako o di kaya ay sasaktan katulad ng paulit-ulit niyang ginagawa.

Napansin yun ni Miguel kaya napatigil kami sa isang gilid.

Huminga siya ng malalim bago kumuha ng tissue.

"Why are you crying?" tanong niya pero magkasalubong ang kilay niya.

"Kasalanan mo naman lahat to e" sabi ko. "kung hindi ka gago hindi dapat ako nandito" nakita ko ang paglambot ng ekspresyon niya.

"Kung hindi mo kami dinamay ng anak mo dapat maayos tayo" umiiyak kong sabi at napahagulgol na

Hindi agad nakagalaw si Miguel

"i want to hurt you right now but i cant, nasasaktan din ako" sabi ko.

Bumaba si Miguel ng kotse at pumunta sa gilid ko binuksan niya ang pintuan ko at tsaka ako niyakap.

"i dont want to hurt you Miguel hindi ko kaya" sabi ko sa kanya

Humalik siya sa noo ko at sumuklay saaking buhok. Umiyak lang ako sa dibdib niya

"Kasalanan mo to!" hinampas ko ang dibdib niya. "This is because of you. I am miserable right now because of you! Ang daya daya mo!" dagdag kong sabi habang patuloy na hinahampas ang dibdib niya.

"Paulit-ulit na lang tayo. Pag-alam mong nakakapit na ako sayo tsaka mo ako bibitawan"

Nakabalot na ako sa mga bisig niya habang ang baba niya ay nasa ulo ko 

"You promised me that you wont leave me" nanginginig kong sabi. Narinig ko ang ang paghinga niya ng malalim.

"Sinabi mo yun. Tinanong kita sabi mo hindi mo ko iiwan. You told me that!" lalong nagsituluan ang luha ko

"you said that you wont leave me Miguel. Anong ginawa mo?" narinig ko ang muling paghinga niya ng malalim.

"i trusted you" humihikbi na ko.

Muli kong narinig ang malalim niyang paghinga. Nanginginig rin siya.

"I can't leave you Aliyah" sabi niya "I didn't leave you, i swear" rinig sa boses niya ang sakit "i love you so much that I made you leave me instead" humigpit ang yakap niya saakin na parang dun siya kumukuha ng lakas.

"i am sorry sweetheart. Im sorry"











Goodmorning mga mare. Masarap sana breakfast niyo pwera lang sa bashers ni Miguel. Hehe
6/23/21

Are You Pleased? (BB1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon