[PART 1:]
Kasalukuyan kaming nasa roadtrip ng biglang tumirik ang sasakyan namin.
"Ano ba naman yan! Bakit tayo tumirik?!" Iritang sabi ni Xaniyah
Kaya agad na bumababa si Eron para tignan ang sasakyan.
"Umuusok yung makina." sagot ni Eron
"Omygash, saan tayo ngayon tutuloy?!" Natatarantang sabi ni Zhea
"Kumalma nga kayo!" sabay na sabi nila Lucif at Khalil.
"Whatever." Sabi ni Zhea atsaka niya ito tinarayan.
"Maghiwa-hiwalay tayo para may makita tayong matutuluyan." Paliwanag ni Eron sa 'min at nagsitanguan kaming lahat.
"May nakita kayo?" Tanong ni Mirky sa 'min at umiling kami
"What if sa ospital muna tayo magpalipas ng gabi?" Sabi ni Sathana at sabay sabay kaming napasapo sa mga noo namin.
"Sige try mo dun matulog, Sathana." Sarkastiko na sabi nila Reese at Astrea
"Sabi ko nga tatahimik na lang ako." Sagot ni Sathana at tinarayan lamang siya nila Reese at Astrea.
"WAG NA NGA KAYONG MAG-AWAY PAG-UUNTUGIN KO TALAGA YANG MGA ULO NIYO!" Inis na sabi ni Anthrea
"Pero paano kung wala tayong matuluyan?" Tanong ni Mirky
"Edi no choice tayo kundi sa sinabi ni Sathana." Paliwanag ni Eron.
_____________________
Naghanap kami ng pwedeng matuluyan namin ngunit wala kaming nakita.
Naghanap ulit kami ngunit sa kasamaang-paladnagkaroon pa ng sugat sila Reese at Lucif.
"Omygash, may sugat sila!" Natatarantang sabi nina Zhea at Xaniyah
"Kumalma nga kayong dalawa parang sugat lang ih!" Sabi ni Khalil at tinarayan lang ng dalawa si Khalil.
"Mabuti pa dalhin natin sila sa ospital." Sabi ni Anthrea at tumango kaming lahat.
Si Eron pinasan si Reese habang si Khalil tinulungan niya si Lucif makalakad ng maayos.
"Ayun oh doon na lang." Duro ni Mirky sa ospital na nakita niya.
Pumasok na kami sa loob ng ospital.
"Ang creepy ng itsura ng ospital." Sabi ni Anthrea sabay kapit sa braso ni Sathana.
"O-oo n-nga ih." Utal utal na sabi ni Sathana.
Nang biglang lumabas ang isang babaeng nakadamit na puti.
"Nurse, paki-asikaso naman tong mga kaibigan ko nasugatan kasi sila ih." Paliwanag ni Eron sa nurse at tumango ang nurse.
"Atsaka ano pa pala dito na muna kami magpapalipas ng gabi, kung ayos lang ba?" Sabi ni Xaniyah at tumango lamang ang nurse.
Agad naming isinakay sa hospital bed sina Lucif at Reese.
"Magkakahiwalay since magkahiwalay sila ng kwarto." Sabi ni Eron
"Xaniyah,Zhea,Khalil,Mirky. Doon kayo sa kwarto ni Lucif." Sabi ni Eron
"Anthrea, Astrea, Sathana,at ako. Doon tayo sa kwarto ni Reese." Sabi niya kaya pumasok na kami sa kwarto.
Inayos muna namin ang hihigaan namin atsaka kami natulog.
________________________
[REESE POV]
Nagising ako ng makaramdam ako uhaw kaya tumayo ako sa kama at lumabas sa kwarto. Paglabas ko ay madilim sa hallway kaya kinuha ko ang cellphone ko para gawing ilaw ko habang naglalakad.