||TOO LATE||

1 0 0
                                    

Papalabas na sana ako sa grocery store ng biglang may itim na Van na humarang sakin atsaka tinakpan ang bibig ko dahilan ng pagkawala ng malay ko.

____________________­­­___

Nagising ako sa isang madilim na kwarto. Gagalaw sana ako ng ng makita ko na nakatali ang mga kamay at paa ko.

"TULONG! TULONG!" sigaw ko

Nagulat na lang ako ng bumukas ang pintuan. Diko maaninag kung sino yun pero alam kong lalaki ito.

"Gising kana pala, Agatha." sabi nang lalaki.

"Parang pamilyar sa'kin yang boses na yan." sabi ko sa isip ko.

"Kung sino ka man, Please pakawalan mo nako!" pagmamakaawa ko sa kanya.

"Really? Di mo nako kilala, Agatha?" tanong niya sabay haplos sa pisnge ko.

"Magtatanong ba ako kung kilala na kita?" sarkastiko na sagot ko

"Wala ka pa ring pinagbago, Agatha matapang ka pa rin." sagot niya sabay gulo ng buhok ko.

"Di kana makakaalis dito pero kung magdadala ng malaking pera ang boyfriend mo pakakawalan kita dito." sabi niya

"Nasa akin pala ang cellphone mo kaya tatawagan ko na ang boyfriend mo, Agatha." sabi niya.

Bigla akong kinabahan at natakot dahil baka patayin niya ang boyfriend ko.

"Hello? Ikaw ba si Hugh?" sabi niya sa kausap sa telepono ko.

Ni-loudspeaker nung kumidnap sakin yung cellphone ko.

"Alam mo bang hawak ko ang girlfriend mo ngayon." sabi niya sa boyfriend ko.

"NASAAN SI AGATHA?!" sigaw Hugh sa telepono.

"Teka ilalapit ko ang cellphone para makausap mo siya." sabi nung kumidnap sakin. Lumapit sakin ang lalaki atsaka inilapit sakin ang telepono.

"Agatha, Nasaan ka? Sinaktan kaba niya?" sunod sunod na tanong niya sakin.

"A-ayos lang a-ako, Wag k-kang pupunta d-dito kahit a-anong mangyari, Hugh." utal utal na sabi ko.

"Agatha, Ililigtas kita d'yan!" sigaw niya bago ilayo sakin ang telepono.

"Ibibigay ko siya sayo Mr. Hugh kapalit ng isang 1 milyon." sabi nung lalaki.

"Oo, Basta wag na wag mong sasaktan si Agatha." sagot ni Hugh

"At isa pa pala sa oras na malaman ko na nagsama ka ng mga pulis babarilin ko ang girlfriend mo." sabi nung kumidnap sakin atsaka pinatay bigla ang tawag.

|| H U G H P O V ||

"Oo,di ako magsasam---"naputol ang sasabihin ko ng biglang patayin ang tawag ko. Kaya binato ko ang cellphone ko sa sobrang galit.

"Agatha, Ililigtas kita." bulong ko sa kawalan.

Pumunta nako ng bangko para kunin ang pera hinihingi niya kapalit ang girlfriend ko atsaka ako dumiretso sa mga pulis.

"Goodmorning, Sir!" bati ng isang pulis sakin.

"Sir, Yung girlfriend ko po nakidnap." sabi ko

"Tulungan niyo ko may pang-ransom nako." dagdag ko

"Sige po Sir, Alam mo ba kung saan niya dinala ang girlfriend mo?" tanong nung pulis sakin at tumango ako. Binigay ko sa kanila ang papel na kung saan dun nakasulat ang Address nung kumidnap kay Agatha. Gumawa ako ng plano at sumang-ayon sila sa naisip ko.

"Sige Sir." sabi nung pulis atsaka ako umalis dun para maihanda ko na ang mga pera para pang-ransom.

_____________________

Inaayos ko ang perang dadalhin ko ng biglang tumawag sakin ang kumidnap kay Agatha.

"Nasaan si Agatha?!" tanong ko sa kanya.

"Yung napag-usapan walang magdadala ng mga pulis ikaw lang dapat!" sigaw niya

"Oo, Kakausapin ko lang si Agatha paki-lapit ng telepono sa kanyan." sabi ko

"Agatha, Wag kang mag-aalala pupuntahan kita d'yan tapo--" diko na natuloy ang sasabihin ko ng pinatay ang tawag ko.

Nagtext na sakin ang kumidnap sa girlfriend ko na dalhin na ang pera.

Kaya sinabi ko kaagad to sa mga pulis at intayin nila ang signal ko kung kailan sila papasok.

"Andito nako! Nasaan si Agatha?" sigaw ko

"AGATHA! AGATHA! ANDITO NAKO!" sigaw ko

Lumingon lingo ako nakita ko si Agatha na naka-upo nakatali ang mga kamay at paa.

"Agatha!" sigaw ko lalapitan ko sana siya nang bigla lumabas ang kumidnap sa kanya.

"Asan muna ang 1 milyon, Mr. Hugh" tanong nung kumidnap kay Agatha. Binigay ko ito sa kanya atsaka niyakap si Agatha.

"Agatha, Nandito nako umalis na tayo dito." sabi ko

"H-hugh.." tanging nasabi ni Agatha sakin.

"Kailangan na natin makaalis dito, Hugh papatayin niya tayo kahit nagbigay ka ng ransom." sabi ni Agatha sakin.

Tatakbo na sana kami ng bigla magsalita ang kumidnap kay Agatha.

"Sa tingin niyo makakaalis kayo dito ng buhay? Lalabas na kayo dito ng patay!" sigaw niya atsaka tinutok sa'min ang baril na hawak niya.

Biglang tumakbo si Agatha para agawin ang baril na hawak nung kidnaper.

"Pumunta na kayo dito bilisan niyo na!" sigaw ko sa telepono

Nang may narinig akong dalawang sunod sunod na putok ng baril.

*BANG* *BANG*

"AGATHA!" sigaw ko atsaka siya linapitan at saktong pumasok ang mga pulis para hulihin ang kidnaper.

"Agatha.." tanging nasabi ko atsaka siya binuhat para isakay sa ambulansya.

"Agatha, kapit lang malapit na tayo sa ospital." sabi ko atsaka hinawakan ang kamay niya ng mahigpit.

"H-hugh, P-pag nawala nako h-humanap k-ka ulit ng b-bagong girlfriend." utal utal na sabi ni Agatha.

"Hindi ka mawawala, Agatha." sagot ko atsaka nagsimula na tumulo ang mga luha ko.

Pagkadating namin samin sa ospital ay agad siyang dinala sa operation room para tanggalin ang bala sa kanya.

Hindi ako mapakali dahil kinakabahan ako at natatakot. Nang biglang lumabas ang Doctor.

"Doc, kamusta po ang lagay ni Agatha?" kinakabahang tanong ko

"I'm sorry Mr, hindi na kinaya ng girlfriend niyo." sabi nang doctor

"Agatha.." tanging nasabi ko

Pumunta ako sa operating room para mayakap at mahawakan ko si Agatha sa huling buhay niya.

"Agatha.." tanging nasabi ko atsaka lumapit sa kanya para yakapin siya.

"D-diba sabi ko lumaban ka!" dagdag ko

"I'm sorry kung di kita nailigtas nang dahil sakin nawala ka." umiiyak na sabi ko

"I love you, Agatha." sabi ko atsaka siya hinalikan sa labi atsaka umalis dun sa ospital.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now