Nagising ako dahil sa ingay ng nagmumula sa labas pintuan ko.
"Ate Rose! Ate Rose! gumising na po kayo dyan magaalmusal na po tayo!"sabi ni Aurora habang nakatok sa pintuan ko.
"Teka lang!"sigaw ko
Tumayo na ako sa kama atsaka itinupi ang kumot ko at lumabas na na ng kwarto ko.
Hindi mawala wala sa isip ko ang nangyari kanina sakin.
"Oh,Rose halikana mag almusal na tayo!"sabi sakin ni Mama
Nagkwentuhan sila ng nagkwentuhan samantalang ako natatakot sa nangyari sakin kanina.
________________________
Lumabas ako sa bahay para magpahangin. Habang nagpapahangin ako ay may napansin akong nakamasid sakin mula sa labas ng bahay namin. Agad ko siyang nilapitan para kausapin.
"Ale,ano pong kailangan niyo?"tanong ko
"Hija,umalis na kayo sa bahay na yan mamatay kayo dyan!"sigaw ng ale sabay takbo.
Bigla na naman ako nakaramdam ng pangamba dahil sa sinabi sakin nung Ale.
_______________________
Magdidilim na ng pumasok nako sa bahay namin.
"Rose,pumasok kana sa loob ng bahay."sabi sakin ni Papa
"Maya maya na po ako papasok."sagot ko kay Papa
"Sige basta pumasok kana mamaya ah."sabi ni Papa at tumango naman ako.
"Hay!Rose wag mong iisipin yun nababaliw lang yung Ale tapos yung nakita mo namalik mata ka lang."pangungumbinsi ko sa sarili ko.
Papasok na sana ako ng bigla kong marinig na sumigaw si Mama..
"WAGG MAAWA KA!"sigaw ni Mama
Agad namang lumabas si Papa atsaka namin pinuntahan kung saan nagmumula ang ingay.
"Papa,dun po sa may kamalig!"sigaw ko
Agad naman pinuntahan ni Papa ang kamalig.
"Rosee!!"sigaw ni Papa sakin kaya agad akong pumunta dun sa kamalig.
Nakita ko si Mama na wala nang buhay,puno ng dugo ang buo niyang katawan. Napaawang ako ng bibig dahil sa nakita ko. May napansin akong lalaking nakaitim sa likod ng kamalig nakangisi ito samin.