Umuulan ngayon sa labas kaya mahina ang benta ngayon. May mga customer na pumapasok ngunit para lang tumambay o kaya intayin ang sundo nila.
Habang wala pang tao ay naglilinis ako ng sahig dito, Nagwawalis para kapag may pumasok na customer ay kaaya-aya tignan ang paligid.
Nung nag-aantay kami ng customer nagulat kami dahil biglang bumukas ang pintuan pero wala namang tumulak. Kaya tumayo ang balahibo ko at nakaramdam ng takot at kaba.
"Pre, hangin lang yun." bigla sabi ni Jan sakin kaya nakahinga ako maluwag dahil sa sinabi niya.
Nag-aantay ako ng customer ng biglang may batang nagbubukas sa pinaglalagyan ng mga ice cream.
"Bata, Bibili kaba?" tanong ko ngunit di siya sumagot.
"Bata, Bibili kaba?" pag-uulit ko sa tanong ngunit di siya sumagot bagkus humarap ito atsaka tumingin sakin. Nagulat ako ng may lumabas na itim na luha sa mga mata niya. Dahilan ng paglunok ko ng sunod sunod dahil sa kaba at takot.
Nabalik na lang ako sa ulirat ng sumigaw si Jan.
"Pre, May customer na!" sigaw ni Jan sakin.
Kinusut-kusot ko muna ang mata ko at pagmulat ko nawala na ang bata dun sa pinaglalagyan ng mga ice cream.
Naikwento sakin ni Jan na lagi niya daw ito nililibre ng Ice cream ngunit nabalitaan niya na lang daw na natagpuan itong patay malapit sa 7/11 na ito.
Kinuwento ko sa kanya ang nakita ko.
"Gago, Wala namang pumasok nun!"sigaw niya kaya nagtaka ako. Pagharap ko sa pintuan ng store na ito nagulat ako ng makita ko ang bata na nakangisi na sakin.