Kasalukuyan kaming nasa biyahe dahil lilipat na kami sa bago naming bahay.
"Mama,excited na po ako tumira sa bagong bahay po natin!"masayang wika ng nakababata kong kapatid na si Aurora.
"Ako din naman Anak,masaya din ako!"nakangiting sagot ni Mama.
Napuno ng ingay ang buong biyahe namin hanggang sa makarating kami.
_________________________
"Hay!Sa wakas nakarating din!"sabi ni Kuya Kurt
Bumababa na ako kaagad sa kotse namin para libutin ang bawat parte ng bahay namin. Kinuha ko ang kamera ko sa loob ng bag sabay kuha ng litrato malapit sa may bintana. Agad ko itong tinignan at nagulat ako sa nakita ko,Isang batang babae na nakatingin samin sabay ngisi. Agad nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan at nagsimula na din ako makaramdam ng kaba at takot.
"Halina kayo magsipasok na tayo sa bahay magdidilim na oh!"sabi Papa sabay duro sa paglubog ng araw.
Pagkaapak ko pa lang sa bahay ay nanginginig na ako sa takot. Umakyat ako sa ikalawang lapag at pumasok na ako sa kwarto ko. Inayos ko muna ang kwarto ko atsaka ako natulog.
_________________________
Bandang alas tres ng madaling araw ng magising ako dahil may naririnig ako naglalaro sa sala namin. Bumababa ako para tignan yung ingay ngunit wala akong nakita na kahit ano. Hanggang sa may naramdaman akong bumulong sa tainga ko kaya unti unti akong humarap at nakita ko ang batang babae na nakangisi sakin.
"Umalis na kayo dito kung gusto niyo pa mabuhay!"bulong niya sakin.
Agad akong tumakbo paakyat sa kwarto ko at isinarado ng mabuti ang pinto ko.
_______________________