SA LUMANG BAHAY [PART 3:]

0 0 0
                                    

Nung nakita ko ang lalaking pumatay sa Mama ko ay agad ko siyang sinundan. Hanggang sa nakaabot na kami sa kagubatan.

"B-bakit mo p-pinatay a-ang n-nanay ko?!"utal na sigaw ko sa kanya.

Hindi siya sumagot at angdire diretso siya sa paglalakad. Nang bigla siyang humarap sakin na may hawak siyang chainsaw.

"Umalis na kayo rito kung ayaw niyong isa isahin ko kayong patayin!"pangbabanta niya sakin

"Paano kung hindi kami aalis?!"sigaw na tanong ko

"Edi papatayin ko kayong lahat!"sabi niya sabay binuksan ang chainsaw atsaka nagsimula tumakbo palapit.

"Tumakbo ka ng mabilis,Rose kung gusto mo pa mabuhay!"sigaw niya sakin.

Puno ng takot at kaba ang buong katawan ko dahil sa nangyayari samin. Tumakbo ako ng mabilis hanggang sa makabalik nako sa kamalig.

"Papa,tara na po nandyan na yung lalaking pumatay kay Mama!"sabi ko kay Papa sabay hila sa kanya.

"Anak, paano ang Mama mo dito?"umiiyak na tanong sakin ni Papa

"Papa,hayaan mo na siya dyan patay na si Mama. Tara na po pumasok na po tayo sa bahay!"sigaw ko kay Papa kasabay nun pagkakita ko sa lalaking pumatay kay Mama.

"Papa, bilisan niyo nandyan na siya!"sigaw ko

Tumakbo kami papuntang bahay nang biglang madapa si Papa.

"Papa,tumayo ka po dyan!"sigaw ko

"Anak,pumunta kana sa bahay bilisan mo na!"nanghihinang sigaw sakin ni Papa saktong papalapit na ang lalaki kay Papa sabay pinutol ang ulo ni Papa gamit ang chainsaw na hawak niya.

"PAPAAA!"umiiyak na sigaw ko atsaka tumakbo ng mabilis.

"ROSE!TUMAKBO KANA NG MABILIS KUNG GUSTO MO PA MABUHAY!"sabi nung lalaking pumatay sa mga magulang ko.

Nangmakarating nako sa bahay ay agad ko itong ikinandado atsaka hinanap ang mga kapatid ko.

"KUYA! BUNSO!"sigaw ko

"Oh,Bakit Rose?!"tanong ni Kuya

"Patay na sila Mama at Papa,Kuya!"sigaw ko

"Sinong pumatay?"tanong ni Kuya

"Yung lalaking nakaitim!"sigaw ko atsaka hinatak palabas ng kwarto ang bunso kong kapatid.

"Kuya,tara na kailangan na nating makaalis dito sa pamamahay na ito!"umiiyak na sigaw ko Kuya

"ATE ROSEE! TULUNGAN NIYO PO AKO!"nagulat ako ng biglang hatakin nung nakaitim na lalaki ang bunso namin kapatid.

Agad ko itong hinabol kung saan niya dadalhin ang nakababata kong kapatid.

"ATE ROSEE! TULUNGAN NIYO PO AKO!"sigaw ng kapatid ko

"NASAAN KABA?!"umiiyak na sigaw ko

Laking gulat ko na lang nang makita kong nakahandusay na ang kapatid ko sa sala. Puno ng dugo ang katawan niya at bali bali na ang mga buto niya.

"AURORAA!"sigaw ko habang yakap yakap ang patay na bangkay ng bunso kong kapatid.

"KUYA KURT!"sigaw ko

"ROSEEE, UMALIS NA TAYO DITO!"sigaw niya sakin

Agad kaming pumunta sa likod ng kusina para makalabas sa bahay na ito.

"Rose,umalis kana dito kahit kailangan ay may makaligtas satin dito!"sabi ni Kuya sakin sabay bigay ng susi ng kotse.

"KUYA KURT!"umiiyak na wika ko

"Sige na pipigilan ko siya. Umalis kana dito Rose!"sabi ni Kuya sabay tulak sakin palabas ng bahay.

Agad akong tumakbo para puntahan ang kotse namin. Pag lingon ko nakita ko na hawak nung lalaki yung putol na ulo ng kuya ko.

"KUYAAAA!"umiiyak na sambit ko at nakita ko na ngumisi ang lalaki sa gawi atsaka ako pinuntahan sa pwesto ko. Dali dali akong sumakay sa kotse sabay paandar nito. Nang bigla naubos ang Gas ng kotse kaya wala akong nagawa kundi ang tumakbo na naman.

"Tumakbo kana ng mabilis Rose kung ayaw mo din maputulan ng ulo!"sigaw nung lalaking naka itim.

Habang tumatakbo ako ay umiiyak nako sa kaba at takot at iniisip ang mga nangyari.

Nagtago muna ako sa isang bodega na madilim. Hanggang sa narinig ko ang boses niya.

"Rose,lumabas ka dyan. Alam kong nandito ka!"sigaw niya

Napatakip na lang ako ng bibig para di niya marinig ang mga hikbi ko.

"Rose,labas na dyan!"sigaw niya

"Maglalaro tayo at ang laro natin ay patayan pero ikaw ang papatayin ko!"sigaw niya nagulat ako ng may humatak sakin.

"Andito ka lang pala Rose!"sabi niya na ikinagulat ko.

"M-maawa k-ka sakin!"pagmamakaawa ko habang umaatras.

"Hindi ako marunong maawa, Rose."sagot niya na ikinatayo ng mga balahibo ko sa katawan dahil sa takot.

Tatakbo na sana ako ng may tumama sakin na matulis na bagay sa likod ko at tinignan ko kung anong bagay na matulis ang tumama sa katawan ko, isang itak.

"M-maawa k-ka p-po sakin!"nahihirapang usal ko at nakita ko siyang ngumisi kasabay nito ang unti unting pagsarado ng dalawang mata ko.

Kaya simula nun wala nang nagtangka pang tumira Sa Lumang Bahay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now