Sol
Binibini, hindi ka ba namamangha sa mahika ng unibersa?
Sa kung pano namamaalam ang araw ngunit may pangakong magbabalik siya
At sa pagbalik niya, ay may mga kamay na handang sumalubong may mga ngiti na dulot ng sayaAt kagaya niya, ilayo man ako sayo ng tadhana pangako babalik ako
Subalit sa aking pagbalik, nais kung madama ang init ng palad mo
Nais ko'ng masilayan ang ngiti sa iyong labi ang kislap ng iyong mga mata
Madama ang bawat yakap na naipon ng mga nagdaang taon, oras at minutoBabalik ako at kasama sa aking pagbalik ay ang pag-ibig
Kagaya ng araw, sa aking pag alis ay may pangako ng pagbabalik
Nais ko lamang ay malugod akong tanggapin ng aking daigdig
BINABASA MO ANG
Raindrops
PoetryA collection of poems written by akosijlord. This book features both english and filipino poems as well as long and short poems.