Ang mga hiling ko bago ka tuluyang sumaya
Heto ang mga hiling ko bago ka tuluyang sumaya
Una, wag mong babanggitin ang pangalan niya sa aking harapan
Wag na wag mo ikukwento sakin ang inyong mga napagkwentuhan
Wag mong ikukwento sakin ang mga gabing nagpapakapuyat kayo upan magtawanan
Sapagkat sa bawat kwento ng saya ay alaala
Na pilit kong kinakalimutan
Sa bawat kwento ng saya ay ang hili na sana ako nalang siyaPangalawa, pasalamatan mo ako, pasalamatan mo si tadhana
Muli mong balikan ang araw na akin syang ipinakilala
Marahil yung ang pinaka masaya mong maiisip at ang pinaka malungkot kong alaala
Ang araw na tuluyan kitang binitawan
Ang araw na akala ko tuluyan na kitang binitawanPangatlo, nais ko lang ipaalala sayo na ang pag-ibig ay tuso
Kaya ka niyan pasiyahin at kaya ka nitong iwan na luhaan
Kaya ka nitong dalhin sa alapaap at kaya ka nitong iwan sa kawalan
Kung gano ka nito paliparin ay ganon ka din nya ibabagsak at pabayaang sugatan
Biglaan ka niyang bibitawan
Di ka nya babalaan na ika'y kanyang sasaktan
Di ka nya tutulungan na tumayo lalo kang ibabaon ng pag-ibig sa kalupaanNakakatawa sapagkat sayo ko lamang natutunan ang lahat ng to
Ang wag mahulog sa salita at sa mata ng isang tao
Ang wag masyadong kumapit sa patalim ng pag mamahal upang wag masyadong masaktan sa pag alis nito
Bawat pilosopiyang tungkol sa pag ibig na alam ko ay dahil sa pag alis moPang-apat, sumaya ka
Hindi ko sasabihin "sumaya ka kase kapag nakilta kitang masaya ay masaya narin ako"
Pano ako sasaya kung ang dahilan ng pagsaya mo ay ibang tao
Hindi pa ba sapat yung lahat ng pagpapanggap na masaya ako dahil kausap mo siya sa iyong telepono
Yung pagpapanggap na masaya ako kapag di nyo namamalayan ang oras dahil sa mga kwento
Pero mabalik tayo, sumaya ka
Kung ang kalakip ng pag-ibig ay pag-iyak ay sulitin mo ang bawat segundo
Ituring mo siyang isang tala, hindi isang mundoPang lima, ang pinaka huli kong habilin bago ka sumaya
Wag mong ituring na parang ako ang isang siya
Sapagkat mas lamang ang dagat kesa sa isang lawaWag mong iparamdam sa kanya yung lamig na pinadama mo sakin
Malaya mo siyang yakapin
Kung ika'y kanyang pinasaya mas lalo mo siyang paligayahin
Ikwento mo sa kanya lahat ng sikreto ng itong nakaraan lahat ng mga di mo nagawang ikuwento saakinSalamat dahil kahit mabilis ay binigay ka ng tadhana sa akin
Walang anuman, sapagkat ako ang naging tulay ni tadhana upang ang babaeng minsan kong minahal ay makita yung dagat na handa niyang mahalin.Tatanggapin ko na ang katotohanan na mas sasaya ka sa kanya
Tatanggapin ko na yung sakit kapag nakikita ko kayong dalawa
Di na ako iimik sa tuwing naririnig ko ang inyong pagtawa
Mananahimik ako, di ko na ipagsisigawan sa mundo na gusto parin kita
Gusto parin talaga kita
BINABASA MO ANG
Raindrops
PoesiaA collection of poems written by akosijlord. This book features both english and filipino poems as well as long and short poems.