Ang tula na di nagawang tapusin

26 3 0
                                    

Ang tula na di nagawang tapusin

Handa nang bumitaw ang mga puso
Marahil ay napagod na sa kakaiyak ng tago
Nalusaw na ang mga pinanghahawakan nilang pangako
Ang pangako ng pananatili, pangako ng pagsaya

Sa darating na gabi, magaganap ang paglaya
Ang pagtanggap na ang dalawang pusong ito ay di pinaburan ni tadhana

Itinuring niyang tula ang kaniyang pagsinta
Kinabisado ang bawat salitang tutugma sa kilig, saya at tawa
Tinimpla ang bawat taludtod ng pag-irog upang masabing ito ay perpekto na

Di niya magawang tapusin ang isinusulat niyang tula
Sumakit ang kanyang kamay, dala na siguro ng araw-araw na pag-isip at pagsulat ng mga salitang tutugma sa "saya, kilig, tawa"
Dumating na sa punto na ang tanging salita na kaya niya nalamang itugma ay "lungkot"

Bibitawan na niya ang isinusulat niyang tula
Handa ng bumitaw ang puso, ang kasama niya sanang bibitaw ay nauna na
Walang pamamaalam na naganap
Bumagsak ang lapis sa sahig
Tinangay ng hangin ang kaniyang papel

Ang tulang isang taon niyang isunulat at kinabisa,
Inisipan ng mga perpektong salita at tugma
Ang tula na isang taon niyang pinilit perpektohin
Ay di na niya nagawa pang tapusin

RaindropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon