'pag sinabi ko'ng...

26 3 0
                                    

Pag sinabi ko’ng

Binibini, Kapag sinabi kong mahal kita, hindi ibig sabihin non na mahal lamang kita
Kapag sinabi kong mahal kita, ibig kong sabihin ay “Mas pipiliin kita kesa sa kape ko sa umaga”
Importante sakin ang kape kaya binibini kapag sinabihan kita ng mahal kita ay matuwa ka
Kapag sinabi kong mahal kita, nais kong malaman mo na tinuturing kitang dalampasigan
Ako ang dagat na muli’t muli kang yayakapin, ikaw ang aking pahinga at kanlungan
Ako ang dagat ikaw ang dalampasigan, madalas man akong maglakbay ay ikaw parin ang aking uuwian
Sinta, kapag sinabi kong mahal kita, ibig kong sabihin ay handa kitang isayaw sa gitna ng ulan
Mahal kita, Humadlang man ng unos na maisayaw ka di ako papayag na ako ay kaniyang mapigilan
Sinta, kapag sinabi kong mahal kita ibig kong sabihin ay handa akong makinig sa lahat ng iyong problema
Pag pagod ka na sa daigdig, sumandal ka saakin at magpahinga sapagkat mahal kita
Kapag sinabi kong mahal kita, ibig kong ipahiwatig na talikuran ka man ng unibersa
Tatanggapin, yayakapin at mamahalin kita
Pag sinabi kong mahal kita, hindi lang kita basta mahal
Pag sinabi kong mahal kita, ibig kong sabihin na ikaw ang pinaka-paborito kong tula
Sa salitang perpekto ay pangalan mo lamang ang maiisip ko na tugma
Kaya binibini wag kang magdalawang isip kapag sinabi ko na mahal kita
Binibini, mahal kita

RaindropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon