Siyang hindi ako iniwan

28 3 0
                                    

Siyang hindi ako iniwan

Umaalingawngaw na ang bawat sigaw marahil ay nabubulahaw na ang buwan at araw
Iniwan nanaman ng aking utak ang aking puso na duguan matapos niya itong saktan
Aking naramdaman ang pag-uunahan ng aking luha na pumatak sa kalupaan
Pilit akong pinatatahan ng madilim na kalangitan at ng unan ko na basa nanaman
Kalungkutan ang siyang nag-iisang dumating na hindi ako iniwan kaya di ko siya magawang bitawan
Nang talikuran ako ng mundo, kalungkutan ang siya kong naging kayakap
Lumisan si saya at dumating siya, agad ko siyang tinanggap
Dahil sa kanya, pati sa sarili kong salamin ay wala na akong mukha na maiharap
Dahil sa kanya, kinulong ko ang sarili ko sa lugar na kung tawagin ng mga walang alam tungkol sakin ay “kwarto” ngunit para sa akin ito’y isang santuwaryo
Dahan-dahan, araw-araw, gumagawa ang kalungkutan ng paraan para ako ay galitin, saktan, paluhain
Dahan-dahan, araw-araw, ang galit, sakit, luha na handog niya ay muli’t muli kong tatanggapin
Dinig ko ang ulan at baha kasama ang musika na hatid nito. Ang hanging habagat ay umiihip na rin 
Ang kalungkutan ay pilit nilang hinahatak, pilit nila itong gustong tangayin at dalhin
Pinili ko parin siyang ipaglaban dahil siya lamang ang nakaiintindi at nanatili sakin
Siya lamang ang dumating na kailanma’y ayaw kong paalisin.

RaindropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon