Regalo mula sa kahapon

31 3 0
                                    

Regalo mula sa kahapon

Narito muli ako, binabaybay ang lansangan na sinemento ng mapapait at masasaya nating ala-ala
Hawak ang mga litrato na patunay sa’ting mga ligayang naranasan at unos na ininda
Nakangiti ang ating mga mata, Tila pagmamay-ari natin ang buong unibersa
Nasa’king kamay yung litrato nung pangalawa nating anibersaryo pati ang una nating tipanan
Nasa’kin yung litrato ng pagtatapos natin sa’ting paaralan at ang una nating araw sa’ting tahanan
Ang litrato mula sa unang araw mo bilang doktor at litrato mula sa unang kaso kong hinawakan
Narito din yung gabi na nakahiga tayo sa likod ng ating sasakyan habang nakatitig tayo sa buwan at kalawakan
Yung gabi na ginawa mong entablado ang buong mundo at ako’y iyong inawitan
Laking pasasalamat ko sa mga litrato dahil nagagawa nilang ipaalala ang kahapon
Pinapaalala niya kung ano ang mga naging pundasyon sa kung ano tayo ngayon
Araw-araw, pipilitin kong kumuha ng maraming litrato kasama ka aking binibini
Araw-araw, bawat litrato na ating kukunin ay mapupuno ng pagmamahalan at ngiti
Mag-iipon tayo ng mga litrato hanggang sa di na natin kayanin pang pindutin ang kamera
Upang kapag dumating ang araw na ang ngalan ko’y di mo na maalala
Tumitig ka lang sa mga litrato nating dalawa
Maalala mo na minsan ay minahal kita at sobra ang ating naging saya.

RaindropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon