Limang minuto na lamang bago ang dismissal ng klase para sa huli namin na subject ngayong hapon. Inikot ko ang aking paningin, ngunit ako na lamang ang walang kapares para sa reporting na gagawin namin next meeting. Alam ko na wala akong kaibigan dito sa classroom, ngunit ngayon lamang ito sa akin nangyari.
"Ma'am?" Nagtaas ako ng aking kamay napatingin naman sa akin ang aming teacher.
"Yes, Ms. Guevarra?"
"Ma'am wala pa po akong kapares." Tumayo ito mula sa pagkakaupo, pagkatapos ay narinig ko ang boses ni Dandreb.
"Yes, Mr. Esguerra."
"Though it's late, I found my partner Ma'am." Napansin ko sina Jay at Ron na nagpipigil ng kanilang mga tawa.
"What do you mean, Mr. Esguerra?"
"Kami na po ni Jishanne, ang mapa-partner para sa short reporting natin next meeting." Umawang ang aking labi nang dahil sa kaniyang sinabi.
"Oh, ayon naman pala. It's fine for you, Ms. Guevarra?" Mula kay Dandreb na malawak ang ngiti sa kaniyang labi ay napalingon ako sa aming teacher na hinihintay ang aking tugon.
"Ms. Guevarra, don't you like Mr. Esguerra as your partner?" Nagaalinlangan pa ako sumagot dahil sa tanong ng aming teacher, ngunit wala na din naman akong pamimilian pa.
"No, Ma'am. I like him, as my partner." Naging pilit ang aking pagtawa.
"Pre! She likes you daw," mahina pa na sabi ni Ron, na sakto lang naman para marinig ko.
"Yown! RaRa shippers here!" sigaw ni Jay, napa-irap naman ako sa kaniya at dumila pa ng mapagalitan siya ng teacher namin.
Pagkatapos ko kumain ng hapunan at magkapag-urong ay tinungo ko na ang aking kwarto at isinarado ang pinto. Pumunta ako sa gitna ng papag at umupo doon habang yakap ang aking malambot na unan.
"Jishanne, ano gagawin mo?" Sinapo ko ang aking mukha gamit ang aking mga palad.
"Hindi pwede," kalaunan ay bulong ko sa aking sarili. Napatitig ako sa may kisame, habang pinipisil ang aking unan.
I said that I don't like him at kahit kailan hindi ko siya magugustuhan, ngunit alam ko na taliwas na dito ngayon ang aking nararamdaman. I'm always excited now to go on school to see him.
Palagi kong nais na pagmasdan ang bawat pagkurap niya ng palihim, dumadagundong ang aking puso tuwing malapit siya sa akin. He's the one that made my heart race now, but I don't want this feelings I have for him deepened, dahil alam ko na magiging komplikado lang para sa akin ang lahat.
I was silently looking at those students that's performing on the stage when he suddenly bumped into me.
"Sa weekend tayo gagawa ng report?" bungad niya sa akin. Kahapon nga pala ay hindi kami nagkausap dahil pagkatapos na pagkatapos mag-dismiss ng teacher namin ay mabilis ko ng isinukbit ang aking bag at nagtatakbo palabas ng classroom.
"Pwede naman na ako na lang iyong magdrawing ng poster about sa topic na mai-isip natin, then ipakita ko na lang sa iyo bago iyong araw ng Science subject natin para makapag-isip ka din ng explanation mo." Ngumiti ako sa kaniya, akmang ibabalik ko na sana ang aking paningin sa mga nagpe-perform sa stage ng magsalita siya.
"I'm not into your idea. Kaya nga kinausap ko iyong mga kaklase natin na huwag ka piliin na partner para sa akin ang bagsak mo."
"A-Ano?" Humalakhak siya. Hindi ko akalain na siya pala ang dahilan kung bakit nangyari iyon sa akin kahapon.
"Sira ka ba?" Umiling siya sa akin, napa-irap naman ako at gumawa ng distansiya sa pagitan namin.
"Hindi naman ako tamad, tutulungan kita. Basta ay pumayag ka nang magkasama natin gawin."
BINABASA MO ANG
Silent Noise (Anxiety Series #1) (COMPLETED)
Teen Fiction"Noong nahanap ko ang sarili ko, nakahanap na rin pala siya ng ibang mamahalin." No one can hear my silent noise. And there, in the middle of my loneliness, like a shooting star that suddenly showed in the moonless night, he landed and stepped in my...