Chapter 15

2K 29 0
                                    

Mabilis lang din kami natapos sa pagtatanim, naghugas na kami ng kamay, pagkatapos ay tinanong ko si Dandreb kung anong oras na.

"1:43 pa lang. Huwag ka muna umuwi sa inyo." Lumapit siya sa akin, yinakap ako mula sa aking likod.

"Sige na, Jishanne. Dito ka muna. Let's bake a cupcakes." Hinarap ko siya, naging interestedo naman ako sa kaniyang sinabi, dahil gusto ko makita ang kaniyang galing pagdating sa mga ganoong gawain.

I sat on the counter stools, while scanning him who's now wearing an apron and a plastic gloves on his both hands.

"Tanggalin mo muna kaya iyang bracelet para hindi makasagabal," pagtutukoy ko sa regalo ko sa kaniya noong kaniyang kaarawan na palagi niyang sinusuot.

"Hindi iyan," sabi niya naman.

"Sa parent mo, sino ba ang marunong magbake?" tanong ko sa kaniya. Humalakhak naman siya bago ako sagutin.

"Wala."

"Kanino ka nagmana o kaya natuto ng mga ganiyan?"

"Iyong lola ko kasi sa part ni Daddy may bake shop, at saka ganito talaga iyong passion nila. Nang bata ako, madalas kami doon kaya siguro nahiligan ko na din, hanggang sa si lola na iyong naging inspirasyon ko para gustuhing maging chef, someday."

"Bakit, wala ata iyong lola mo nang birthday mo." I noticed the sadness in his expression while he's adding and mixing the cocoa powder, sugar, baking soda and salt in a large bowl.

"She already passed away when I was in my third grade in elementary."

"Oh, I felt sorry for that." Ngumiti siya sa akin. Inilapit ko naman sa kaniya ang harina na sinama niya din sa kaniyang hinahalo ngayon. I rested my chin on my right palm, while watching him mixing the coffee, vanilla extract, olive oil and vinegar on the separate bowl.

"Pwede akong tumulong?" Nag-angat siya ng tingin sa akin at napa-ngisi.

"Sure!" While I'm mixing the wet ingredients, he's already preparing the frosting.

"Malapit na din tayo grumaduate ah, sa wakas magka-college na tayo!" Naging pilit ang aking ngiti sa kaniyang sinabi.

"Saan mo balak mag-aral?"

"Ahm, 'di ko pa alam. Ikaw ba?"

"Siguro ay doon na lang din sa pinagtuturuan nina Daddy at Mommy."

"Ah, sa NEUST Sumacab Campus?" He nodded at me, while scooping the frosting into the corner of a zip top freezer bag.

"Paki-gupit nga iyong dulo, Jishanne."

"Okay na dito?"

"Yeah." After I cut the 1/4 inch of the freezer's bag corner he then squeezed the frosting out of the bag onto the cupcakes with a heart design.

Pagkatapos namin magbake ay naglinis muna kami ng mga kalat at tsaka sabay na kaming umupo sa harap ng kitchen counter.

"Pwede na tumikim?" Natatawang tanong ko sa kaniya, nagtaka naman ako nang tumayo siya muli at naglakad papunta sa aking bandang likod.

"Wait a minute, baby.... I'm just going to tie your hair, first." I bit my lower lip as heat jump into my cheeks.

"Malinis iyong kamay ko ah!" Mahina akong natawa at umupo na din siya muli sa aking tabi.

"Thank you," sabi ko sa kaniya kasabay ng pagkuha niya sa isang cupcake na siyang tanging nilagyan niya lang ng frosting na may design na puso.

"I love you," he whispered as he hand me the cupcake. Tinanggap ko iyon at napatitig doon, naga-alinlangan pa ako na iangat muli ang tingin sa kaniya dahil hindi ko alam ang dapat kong itugon.

Silent Noise (Anxiety Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon