Chapter 10

2.6K 43 0
                                    

Kinuha ko ang aking panyo sa aking bulsa at pinunasan ang mga butil ng pawis sa aking noo.

"Morie, salamat sa pagsama sa akin." Tumango ako at ngumiti kay Tania.

"Jishanne." Napahinto ako sa paglalakad habang si Tania ay magtuloy-tuloy ng pumasok sa classroom.

"Saan ka ba pumunta? Nagtaka kasi ko nang makita ko iyong bag mo pagdating ko kanina pero wala ka naman. Pinuntahan ko pa building nina Kuya Lionel at baka para ka na namang aso na ina-abangan siya."

"Aso talaga?" Mariin siyang napatikom sa kaniyang bibig at kalaunan ay mahinang napatawa.

"Nagpasama kasi magpa-print si Tania." Napatingin ako sa kaniyang kamay na humawak sa aking palapulsuhan, nilingon niya pa ang loob ng classroom bago ako hilahain sa railings dito sa harapan.

"Bakit ba?" Binitawan niya ang aking kamay.

"Hindi ka ba marunong tumanggi?"

"Ha?"

"Tuwing may magpapasama sa iyo ay sasamahan mo kahit napakalayo, kapag may magpapaturo sa iyo, kahit ikaw mismo ay wala pang nauumpisahan o nagagawa ay tuturuan mo. Isn't too much?" Sumandal ako sa may railings at inilagay sa bulsa ng aking palda ang kanan ko na kamay.

"Ayos lang naman sa akin iyon." Itinagilid niya ang kaniyang ulo at mabilis na dinilaan ang kaniyang pang-ibaba na labi.

"Ayos lang naman na tumanggi, iyong sabihin na ayaw mo o hindi mo kaya. It's not wrong to admit that you can't be free all the time for them. Hindi naman sa lahat ng oras ay nandiyan ka para sa kanila. Kung tutuusin pansin ko nga na kapag hindi ka naman nila kailangan ay hindi ka nila pinapansin." Nanatili ako na nakatitig sa kaniya habang tila sine-sermunan ako, hindi ko naman maiwasan na matawa. Hindi ko alam na kaya niya din pala maging ganito kadaldal pagdating sa akin.

"Bakit Jishanne, natatakot ka ba na kapag tumanggi ka minsan ay mas lalo ka na nilang hindi mapansin? And you're making yourself free for them all the time, because you're expecting that you can gain a friends just by showing them your good side?" Unti-unti binalot ng lungkot ang aking damdamin. Hindi ko naalis sa kaniya ang aking tingin. Hindi ko akalain na masasapol niya ako ng kaniyang mga salita.

"Hmm, why so shocked? You're too easy to read, Jishanne." Ngumisi siya sa akin, naging malikot naman ang aking mga mata hanggang ituon ko na lamang ito mula sa malayo.

Walang kahit isa man na mali sa kaniyang mga sinabi, sadyang hindi ko lamang inaasahan na sa lahat ng tao na halos araw-araw na nasa aking paligid ay sa kaniya ko maririnig ang mga iyon.

"Siya nga pala, mayroon akong ibibigay sa iyo." Napalingon akong muli sa kaniya, saktong paghawak niya muli sa aking palapulsuhan hanggang sa maka-pasok na kami sa loob ng aming classroom.

"Kayo ba?" may dalawang kaklase pa ako na sabay na nagtanong nito kaya hinila ko ang aking kamay kay Dandreb.

"Hindi, may pagu-usapan lang kami para sa reporting na mayroon tayo bukas." Napatango sila, ngunit hindi pa rin na alis ang malisyoso na tingin sa amin.

"Iyong dalawang mata mo ituon mo lang sa isang direksyon," bulong niya, para sa akin ay tila may iba pa na kahulugan ang kaniyang sinabi.

"Ano ba ang ibibigay mo?" tanong ko at umupo sa silya na katabi ng sa kaniya. Binuksan niya ang kaniyang bag at mula doon ay inilabas niya ang ilang mga pocket books na mukha pang bago.

"Here." Inabot ko iyon at tiningan isa-isa.

"Nakakaintriga naman iyong mga pamagat ng libro na ito. Bakit mo sa akin ibinibigay?"

"My mother once said to me, that sometimes reading is better than dealing with reality. It's a place wherein you can escape from the struggles you have in your mind."

Silent Noise (Anxiety Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon