Chapter 22

2.1K 27 2
                                    

Minsan ba naisip mo kung bakit kung kailan pwede na, doon naman ipinamukha sa iyo na hindi na pwede pa? Why there's a certain person in our life we tend to let go but we also wanted to come back in our arms again?

Maayos kaming nakalinya, nahahati lamang kami sa dalawang grupo. Ang isa ay ang linya ng mga dati pa na nagtratrabaho at ang isa naman ay kaming mga bago.

"Guys, lalo na doon sa mga bago, basta huwag kayo matatakot o mahihiya, i-greet niyo lang basta iyong manager natin, tapos ngiti na din kayo ng pagkatamis-tamis." Bahagya pa tumawa si Lexie pagkatapos niya iyong sabihin.

"Do we still have stocks of plenty vegetables?" Kumalabog ang aking puso ng marinig ang boses na kailan man ay hindi nabura sa aking isipan.

"Yes, Sir! Fresh na fresh!" Natigil ang kanilang halakhakan ng makarating na sa aming harapan.

"Sir, gwapong-gwapo tayo ngayon ah," sabi pa sa kaniya ni Lexie, nakita ko naman kung paano niya ito taasan ng kaniyang kilay.

"Sir, here's our new hired workers!" Napalunok ako, humigpit pa ang aking hawak sa aking skirt.

I'm not mistaken, he's very different now. There's a very familiar feeling that tickles me inside. His fringe up hairstyles, it's still the same. I just simply stared at him, wearing a suit with a classic tie, with sleeves that didn't hit pass the crease of his wrist, partnered with dark-wash jeans and leather shoes. Richness and being successful was clearly shown on his aura.

I felt a lump on my throat. I'm so proud of him, especially when I saw his name, above the position as a general manager, on the side of his suit.

"Dandreb, got it!" Bago niya pa maibuka ang kaniyang bibig ay napalingon kaming lahat sa kakapasok lamang na babae na may hawak na mga folder.

"Saan mo nakita?"

"Sa likod ko pala ng sasakyan inilagay."

"Ulyanin ka na talaga." Nagtawanan silang tatlo.

"Hindi ba Dandreb, ulyanin na ang girlfriend mo?" Nagpabalik-balik na ang tingin ko sa babae at kay Dandreb nang sabihin iyon ni Lexie.

"What?"

"Anong what ka diyan, Jena? Bahala ka magtampo itong boyfriend mo."

"Oh! I'm just kidding." Humalakhak si Jena at yumakap sa braso ni Dandreb. Kalaunan ay bumaling na siyang muli sa amin.

"Ito na ba sila lahat?" Tumango si Lexie.

"For the old staff, keep the good work!"

"For those new staff, nice meeting you all." Our eyes met and I just saw an emptiness on it. I never thought that my heart would feel these magical feelings again, but I never prepared how painful this stabbed in my chest.

"Jena, Lexie, let's go to my office." Bahagya siyang ngumiti at nagpaalam na sa amin.

I felt that my stomach knotted. I can't blame him, because I know it's all my fault. Napayuko ako habang nakatitig sa kaniyang kamay na nakahawak sa bewang ni Jena. Maka-ilang ulit akong napakurap, tahimik kong pinapakalma ang aking sarili, ngunit hindi nawawala ang sakit na aking nararamdaman. Malungkot akong napakagat sa aking pang-ibaba na labi. Noong nahanap ko ang sarili ko, nakahanap na rin pala siya ng ibang mamahalin.

"Kamusta ang first day? Nakita mo na ba iyong manager niyo?" Salubong na tanong sa akin ni Kuya.

"Maayos naman!" Ngumiti ako sa kaniya at nagtuloy-tuloy na sa aking kwarto. Sa pagsara ko ng pintuan ay ang pagbagsak ng mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

It took six years before I found and fixed myself, but then I never thought that it'll only take a day for me to be shattered again, tiny as what the pieces I am before. I covered my mouth while crying. My heart still calls out his name but I know now that it shouldn't.

Silent Noise (Anxiety Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon