"I'll always choose someone I love before myself." Iniwas ko ang aking tingin sa kaniya. Sa bungad pa lamang ng kaniyang sagot ay tila hindi na nagtugma iyon sa kung ano ang nasa aking isip.
"Para sa akin, ang makita na masaya ang tao na minamahal ko ay sapat na para ganoon din ang aking maramdaman. Being contented with myself only can't be enough for me to filled this life of mine with happiness. I believe that choosing the person I love first, is the one that can bring me into true happiness and contentment, without any doubts, hatred and insecurities. I will still choose the love of my life even it give me sorrow. Kahit magtiis ako at madurog, basta para sa kanila, para sa iyo."
"Okay, thank you. Mr. Esguerra. Pero sino ba ang nasa likod at hindi mo maalis doon ang tingin mo?"
"Ma'am, si Lexie po!" sagot ng aking mga kaklase. Simula kanina naman ay hindi na ako nag-angat pa ng tingin.
Inaayos ko ang aking gamit, napagdesisyunan ko ng sa library na lang ako pupunta palagi kapag recess na o kapag wala kaming ginagawa para na din makaiwas kay Dandreb.
"Morie, pwedeng samahan mo ako sa restroom?" Napa-angat ako ng tingin kay Lexie na nakatayo mula sa aking gilid.
"Ah, sige."
Gumilid ako para hindi mag-reflect sa salamin dito sa restroom ang aking mukha, ayoko din naman mapansin niya na ikinu-kumpara ko ang aking sarili sa kaniya.
"Sinabi na ba sa iyo ni Dandreb?" maya-maya ay tanong niya sa akin, habang plina-plasta ang kaniyang palda gamit ang panyo na may kaunting tubig, naalala ko tuloy ang panyo ni Dandreb na hindi ko na naisauli pa.
"Ha? Ang alin?" Tumingin siya sa akin, bahagyang tumawa.
"Nevermind! Siya nga pala may ibibigay ako sa iyo." Mula sa bulsa ng kaniyang palda ay kinuha niya ang isang hairpin na may design na paru-paro na maliit.
"Halika, lapit ka sa akin. Ako na ang magi-ipit sa buhok mo."
"Nako, hindi na Lexie! Sa tingin ko ay iyan ang kapareha ng ginagamit mo. Hayaan mo na, hindi rin naman sa akin bagay iyan." She pouted her lips, making her more adorable to looked at.
"Bakit mo naman nasabi na hindi bagay sa iyo, hindi pa nga natin nailalagay sa buhok mo?" Lumapit siya sa akin at hinarap ako sa salamin at dahan-dahan niya iyong inilagay sa gilid ng aking buhok.
"Ayan! Perfect!" Basag ang aking naging pagtawa. Tumingin siya sa salamin at doon ay nagtama ang aming paningin.
"I want to treat you nicely not because only Dandreb's close to you, instead because you're a good person." Humarap siya sa akin at ngumiti. Hindi na rin ako nakapunta pa sa library dahil hinila niya na ako sa canteen, kung saan doon ay may isang lalaki na lumapit sa kaniya at binigyan siya ng isang pulang rosas.
"Morie, pakita nga ng kamay mo." Naglalakad na kami ngayon pabalik sa classroom. Nagtataka naman akong ipinakita sa kaniya ang aking kamay, ngunit nagulat ako ng ilagay niya doon ang rosas.
"Ikaw na bahala diyan ah,"
"H-Ha? Sa iyo ibinigay ito, tsaka aanhin ko naman ito?" Mahina siyang tumawa, kalaunan ay napahalakhak na at sa dulo'y naging malawak ang pagngisi.
Pagdating namin sa classroom ay kaniya-kaniyang mundo ang aming mga kaklase. Nagtataka naman ako ng hilahin ako ni Lexie sa banda ni Dandreb na ngayon ay napapagitnaan ni Jay at Ron.
"Dandreb, look! Hindi ba at bagay kay Morie ang ibinigay ko sa kaniyang hairpin? Tingnan mo, mayroon pa nga nagbigay sa kaniya ng rose. Kinikilig tuloy ako!" Mabilis akong napalingon kay Lexie.
"P-Pero hindi ba ay—"
"Aw! Pa'no ba iyan Dandreb, inom tayo mamaya?" Humalakhak si Ron, tinapik naman ni Jay ang balikat ni Dandreb na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha. I looked at Lexie, silently asking her what's going on? But she just signed like I should need to remained quiet and wait what will happen next.
BINABASA MO ANG
Silent Noise (Anxiety Series #1) (COMPLETED)
Roman pour Adolescents"Noong nahanap ko ang sarili ko, nakahanap na rin pala siya ng ibang mamahalin." No one can hear my silent noise. And there, in the middle of my loneliness, like a shooting star that suddenly showed in the moonless night, he landed and stepped in my...