I was sitting alone on the grandstand, while staring at the back of my I.D.
"I like you," pagbasa ko, hindi ko maiwasan na mapa-ngiti tuwing naaalala ko kung paano niya ito inipit sa gitna ng libro na ibinigay niya sa akin. Mula sa malawak na oval ay itinuon ko ang aking paningin sa tanaw dito na building ng HRM.
"Morie!" Napatingin ako kay Flora na ngayon ay papanhik papunta sa kung saan ako naka-upo.
"Kailan ka bibili ng mga materials para subject natin na Art Appreciation?" tanong niya sa akin ng makarating nadin siya dito sa taas.
"Hindi ko pa alam, ang mahal naman kasi ng mga materials para doon sa gagawin natin na task."
"Sa next week naman na iyong sweldo natin kaya maihahabol pa natin."
"Siya nga pala birthday na ni Sir, sabay tayo pumunta sa bahay ni Sir, sa Sabado ah,"
"Baka hindi ako makapunta."
"Bakit naman? Kailangan nandoon daw tayong mga staff niya. Alam mo kahit kami palang noon ang mga nagtra-trabaho sa kaniya, sinasabi niya sa amin na lahat kami dapat dadalo. Isa pa ay, double celebration iyon dahil anniversary na ng restaurant niya."
Sa isipan ko ay nakapagdesisyon na akong hindi dadalo sa kaniyang kaarawan kaya naman nauna na din si Flora, ngunit sa dulo ay nagpunta pa din ako dahil iyon ang isinisigaw ng aking puso.
"Hija!" Salubong sa akin ni Tita Hulya, pagkatapos ay mahigpit akong yinakap.
"Mabuti at nagpunta ka dito. Kamusta na? Alam mo nasabi sa akin ni Jandred na estudyante ka pala niya."
"Opo, Tita. Ang galing nga po magturo ni Sir, Jandred."
"Oh, kamusta ka na nga? Okay ka na ba?" Ngumiti ako sa kaniya at tumango sa kaniya.
"Sa nakalipas naman po na panahon ay naghilom na iyong mga sugat na nagpahirap sa akin. Kaya nga lang po..." Napatitig siya sa akin.
"Kaya lang ano hija?" Umiling ako.
"Siya nga po pala, dumaan lang po sana ako para ibigay ito kay Dandreb." Inabot ko sa kaniya ang paper bag kung saan nakalagay ang isang garapon na may laman na iba't-ibang kulay ng papel na nakabilot, kung saan ko isinulat lahat ng rason na hindi ko nasabi sa kaniya noon.
"No, hija. Halika, nandoon sila sa may garden. Kanina pa nga sila doon magpi-pinsan at iyong mga staff niya." Nahirapan ako iangat ang aking mga paa ng hawakan ako sa aking kamay ni Tita Hulya para maglakad papunta doon.
Pagdating doon ay nagkakasiyahan sila. Sa kaniya unang natuon ang aking paningin na ngayon ay may hawak sa kamay na bote ng beer at sa kaniyang gilid ay si Jena.
"Morie!" masayang sambit ni Flora ng mapatingin sa aking banda.
"Halika hija." Saktong pagkalapit namin sa kanila ay tumayo sa kaniyang pagkakaupo si Dandreb.
"What she's doing here?" Salubong ang mga kilay nito.
"She's one of your staff, it's your birthday that's why she's here," si Tita Hulya ang sumagot.
"All my staff's invited here, except her. Pwede ba Mommy, paki-alis naman iyan sa harapan ko!" Tumayo na din mula sa pagkakaupo sina Arjin at Lionel. Namanhid ang aking mukha dahil sa tingin ng aking mga katrabaho.
"Dandreb!"
"What, Mom? Alam mo naman siguro kung gaano ko sinaktan ng babae na iyan."
"Dandreb, tama na..." si Lexie naman ang nagsalita. Nangatog ang aking tuhod ng humakbang siya palapit sa akin.
"A-Alam mo, sana hindi ka na lang bumalik."
"Tang*na!"
"Dandreb, ano ba!" sigaw ni Tita Hulya, nag-umpisang manginig ang aking tuhod.
"Pinsan, lasing ka na. Let's just go to your room, Dandreb." Inalis nito ang kamay ni Lionel sa kaniyang braso.
"Lalaki ako e, puta! Ako pa iyong naiwan sa ere! Put it on your mind, Guevarra! I don't need you in my life again. And by the way, you're fired." Humigpit ng todo ang hawak ko sa paper bag ng lampasan ako nito.
"Morie, please looked at me." Nag-angat ako ng tingin kay Tita Hulya.
"I-I'm so sorry. Sana maintindihan mo siya." Ngumiti ako at dahan-dahan na tumango.
"Naiintindihan ko po, Tita." Tiniis ko ang sakit na aking nararamdaman, pinigil ko ang luhang nais ng lumabas sa aking mga mata. Nang sundan ni Tita Hulya si Dandreb ay lumapit sa akin si Flora at ilan ko na mga ka-trabaho.
"Morie, ayos ka lang?"
"May past pala kayo ni Sir?" Nanatili akong tahimik hanggang sa iatras ko ang aking mga paa.
"Ihahatid na kita sa inyo." Umiling ako kay Lionel.
"Morie, magpahatid ka na. Delikado na din sa daan," dagdag ni Arjin, ngumiti ako at paulit-ulit na umiling.
"Kaya ko." Sa pagtalikod ko sa kanila ay doon bumagsak ang aking luha. Tinakbo ko ang gate at mabilis na pumara ng masasakyan.
Halos takbuhin ko ang loob ng bahay namin habang nagpupunas ng aking luha na patuloy umaagos sa aking pisngi.
"Morie?" Napahinto ako, nahihiya akong tumingin kay Kuya, kaya naman nilampasan ko ito at nagtatakbo sa aking kwarto ngunit bago ko pa maisara ang pintuan ay hinarang niya ang kaniyang braso.
"Ano ang nangyari?" naga-alalang tanong niya sa akin. Nanginig ang aking labi at napayakap na lamang ako sa kaniya.
As I turned my body at the side of my room's window, another tear rolled down into my cheeks. The night sky is in its greatness. Sometimes tears won't be enough to wipe all the pain you're carrying. It's so frustrating to think that there's no escape in a cage full of dark thoughts.
Pumikit ako. Kahit gaano pa kalalim ang sugat, nagagamot ito ng panahon, ngunit paano naman ang marka na iiwan nito? Yinakap ko ng mahigpit ang aking unan, may kaunting ingay ako na narinig mula sa labas tila may kausap si Kuya, ngunit mabigat ang aking pakiramdam na ayoko ng imulat pa ang aking mga mata na kay hapdi.
Paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan ang mga salitang binitawan ni Dandreb. Ayaw niya na sa akin. Tinatanong ko sa aking sarili, paano kung nagpaalam ako sa kaniya noon, may babalikan pa kaya ako ngayon o sadyang mapapagod lamang siya na hintayin ang aking pagbabalik?
"K-Kung alam mo lang Dandreb..." Ibinaon ko ang aking mukha sa yakap ko na unan.
Gustong-gusto ko na kasama ko siya sa pagbuo ko sa aking sarili, ngunit una pa lamang alam ko na isa siya sa magiging parte ng aking pagkasira. We're walking in different world, I'm always dreaming to have a life like what he had. Alam ko na kung mananatili ako sa tabi niya ay mararamdaman ko lang lalo kung ano ang kulang sa akin. But then, when distance and my lost self took me away from him, I realized that he's the one that's forever be a missing piece of me.
![](https://img.wattpad.com/cover/264114945-288-k240216.jpg)
BINABASA MO ANG
Silent Noise (Anxiety Series #1) (COMPLETED)
Novela Juvenil"Noong nahanap ko ang sarili ko, nakahanap na rin pala siya ng ibang mamahalin." No one can hear my silent noise. And there, in the middle of my loneliness, like a shooting star that suddenly showed in the moonless night, he landed and stepped in my...