Chapter 20

2K 32 1
                                    

Muli kong ipinasok sa loob ng aking kwarto ang aso na si baby. Delikado na dahil baka pati siya ay mapag-intiresan ni Tita Rose na imbenta. Dahan-dahan kong isinara ang pintuan ngunit halos mapatalon ako nang makitang nandito pa pala si Kuya Aldrich. Mabilis kong itinago ang aking mga braso sa aking bandang likuran, ngunit huli na ang lahat.

"Napano ang mga ito, Morie?" seryoso niyang tanong sa akin habang paulit-ulit na tinitingnan ang aking mga braso.

"Morie, tinatanong kita." Hindi ako nakapagsalita.

"Si Tita ba ang may gawa nito?" Pailing na sana ako ng maglakad siya palabas ng bahay, sinundan ko naman siya kaagad.

"Kuya, saan ka pupunta? Kuya!" Hinawakan ko siya sa kaniyang braso kaya lamang siya napahinto.

"Pupuntahan ko si Tita, doon sa sugalan. Tatanungin ko kung bakit kailangan ka niyang saktan ng ganiyan." Umiling ako, pilit siyang hinila muli papasok ng bahay.

"Morie, ano ba?"

"Huwag na, Kuya. Magagalit lang iyon sa atin, baka palayasin pa tayo dito." Tinanggal niya ang hawak ko sa kaniyang braso.

"Pero sinasaktan ka niya, Morie!" Napayuko siya at napahilamos sa kaniyang mukha, napansin ko na lamang na umiiyak na pala.

"Puta naman kasing buhay oh!" Pinakalma ko siya.

"Kuya, isang taon na lang naman. Isang taon na lang, tiisin na natin."

Ganoon ang ginawa namin, nagtimpi kami, nagtiis ako para sa aking pangarap. Hanggang sa dumating ang pagkakataon na halos magdilim na ang aking paningin ng ibato sa akin ni Tita Rose ang kaldero.

"Ano, ha? Ipagmamalaki mo iyong hindi mo pa naman tapos na paga-aral?!" Nag-umpisa akong mapa-iyak, ibabalibag pa sana niya sa akin ang hawak na plato ng mayroong pumigil sa kaniyang kamay.

"Tita Rose, ano ginawa mo?!" Mabilis na lumapit sa akin si Kuya.

"D-Dumudugo iyong noo mo..." Hinawakan ko siya sa kaniyang braso ng mapansin ang mabilis niyang paghinga.

"Kapatid ka ni Nanay, Tita. Umasa kami na sa iyo namin mahahanap iyong pagkukulang niya pero hindi."

"Tingnan niyo po ang ginawa niyo!"

"Dapat lang naman sa kapatid mo iyan, sumasagot na."

"Hindi kami napagbuhatan ng kamay ng magulang namin. Oo, pinatira at pinakain niyo kami, p-pero wala po kayo karapatan na ganituhin kami."

"Aba! Ano ibig mong sabihin?"

"Kung may utang na loob man po kami ay matagal na kaming bayad sa iyo."

"Ano lalayas kayo? Sige! Lumayas kayo, tutal ay wala kayong silbi!" Padabog na lumabas si Tita Rose. Inalalayan naman ako ni Kuya na tumayo.

"Dahan-dahan lang, d-doon tayo sa may sala, lilinisin at gagamutin natin iyong sugat mo."

Madiin ang aking kagat sa aking pang-ibaba na labi, hindi ko maiwasan na mapahikbi pa din habang maingat na nilalagyan ng betadine ni Kuya ang gilid ng aking noo.

"Shh.... Huwag ka na umiyak, nandito na si Kuya. Hindi ka na niya masasaktan." Tumango ako, kahit na hindi naman iyon ang dahilan ng aking pagluha.

"A-Ano na iyong gagawin natin, Kuya? Saan tayo pupunta?" Pinunasan niya ang panibagong luha na tumulo sa aking pisngi.

"Tinawagan ko si Lionel, humingi ako ng tulong sa kaniya." Tinanggal niya ang balot ng band-aid at inilagay iyon sa aking sugat.

"S-Sinabi mo sa kaniya?" Hindi ko maiwasan na mag-alala, dahil natatakot ako na baka makarating iyon kay Dandreb.

Silent Noise (Anxiety Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon