Chapter 6

2.5K 42 3
                                    

Madalas nabibingi ako sa mga katanungan na mayroon ako sa aking isipan sa bawat pagsikat at paglubog ng araw, sa bawat pagbukas at pagpikit ng aking mga mata, ngunit ngayon namamangha ako kung paanong tila nabibingi ako sa bawat pagpintig ng aking puso.

"I'm asking you, Jishanne. Are you okay? Alam ko naman na gwapong-gwapo ka sa akin, pero sana ay sagutin mo din ang tanong ko sa iyo." Umawang ang aking labi at mabilis siyang itinulak palayo sa akin.

"Salamat ah," sarakstiko kong sabi sa kaniya.

"Huh?" Nagsimula muling magtilihan ang ilang mga estudyante.

"Ang sabi ko, salamat!" Humakbang siya palapit sa akin, tila hindi pa niya narinig ang aking sinabi.

"Lakasan mo naman,"

"Ang bingi naman nito," bulong ko at humakbang na din palapit sa kaniya.

"Siguro kung hindi mo ako nahawakan ay ako na ang dahilan ng kanilang pagtitilihan dahil sa may nahulog lang naman sa building na ito, kaya nga maraming salamat sa iyo, Dandreb." Ngumiti ako sa kaniya, saktong pagdagundong ng gymnasium dahil sa malakas na hiyawan.

"Jishanne, hayaan mo na nga 'di ko talaga marinig." Napabuntong-hininga ako.

"Hindi mo pa talaga marinig? Ang lakas na ng boses ko ah!" Nanliit ang aking mga mata at napansin ang naglalaro na ngiti sa kaniyang labi.

"Loko ka talaga! Kanina mo pa ako pinagtritripan." Napahalukipkip ako at inirapan siya.

"Gusto mo naman." Mapait akong ngumiti.

"Eroplano ka ba?" He bit his lower lip then tilted his head.

"Bakit?"

"Ang taas kasi ng lipad ng isip mo," walang gana ko na sagot sa kaniya. Habang ako ay naiinis, siya naman ay halos manggilid na ang luha kakatawa.

"Bakit, hindi ba? Do you want me to hand you a mirror?"

"Nadikit ka lang sa katawan ko, abot hanggang tenga na iyang pamumula mo," dagdag pa niya, halos umusok na ang aking ilong dahil sa kaniyang kayabangan.

"Bahala ka na nga diyan!" Mabilis na akong naglakad at nilampasan siya at sa kabila ng ilang ingay sa paligid ay narinig ko pa ang pahabol niyang salita na kaniyang isinigaw.

"By the way, narinig ko pala iyong tibok ng puso mo Guevarra, grabe ang lakas!" pahabol niya at tsaka tumawa.

"Morie, nasusunog na iyong sinasaing mo." Halos mapalundag ako ng sabihin iyon ni Kuya, mabilis kong tinungo ang aming kusina at tiningnan ang aking sinasaing.

"Kuya, hindi naman ah, mayroon pang kaunting tubig." Kunot ang aking noo na bumalik kung saan ako nakatayo kanina.

"Oo nga, gusto lang kita magising. Biruin mo kanina ka pa nakatulala, ang nakakatakot pa ay ngumi-ngiti ka pa na mag-isa." Nai-iwas ko sa kaniya ang aking paningin, nagkunwari na lamang ako na nagpupunas ng lamesa.

"Tingnan mo nga." Sandali akong nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Ano?"

"Hindi ba ay nasa gilid mo lang ako kanina habang pinupunasan ko iyan. Bakit inuulit mo na naman?" Napalunok ako at napahimas sa aking sintido.

"G-Gusto ko lang na sobrang linis syempre, malay ko ba kung sa una mong pagpunas dito ay hindi naman masiyadong natanggal ang dumi," pagpapalusot ko pa.

I stretched my arms and slowly opened my eyes. I hope I can wake up with these kinds of feelings everyday, magaan, walang masiyadong problema na iniisip.

"Ganda ata ng gising mo ah, may pa-concert ka pa kanina sa CR." Mahina akong natawa at lumapit na kay Kuya na kanina pa paulit-ulit na tinitingnan ang sarili sa salamin.

Silent Noise (Anxiety Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon